MAXI's POV
Oh gosh!
Like oh my gosh!
I'm with Ferdie now.
Kasama ko so Ferdie sa mall dahil after ko siyang makita sa harapan ng apartment kung saan ako nangungupahan ay nagyaya siyang lumabas kami para mamasyal.
Of course I didn't decline Ferdie's invitation. Si Ferdie na ang nagyaya, so wala na akong lakas ng loob para tumanggi pa.
You see, Ferdie has been a crush of mine since the first time my eyes laid on him. Best friend ng aking Kuya David si Ferdie.
At isa si Ferdie sa mga dahilan kaya nakumpirma ko ang aking pagkatao.
I blushed when Ferdie smiled at me the moment my Kuya David introduced his best friend to me.
And I will never forget kung paanong parang sinundot ang aking pang-upo nang makipagkamay sa akin si Ferdie.
At, grabe, sobrang bango ni Ferdie kahit buong maghapon silang nag-basketball ni Kuya David. Bangong nakapanlalambot ng mga tuhod.
At tuluyan na ngang lumambot ang lahat sa akin nang panahong iyon.
Lagi kong tinatanong ang aking Kuya David kung magkikita ba sila ni Ferdie, kung maglalaro ba sila ng basketball, kung may hangout ba sila. Mga bagay na hindi naman pinagdudahan ni Kuya David noon.
Nagbiro pa nga ang aking Kuya David noon na baka mas gusto ko pang maging kapatid si Ferdie. Syempre sinakyan ko na lang ang biro ng aking Kuya David dahil hindi pa naman ako naglaladlad before.
Hanggang sa mag-aral ako sa High School ay si Ferdie pa rin ang lalaking aking lihim na hinahangaan.
Nagseselos ako sa tuwing aking nababalitaan mula kay Kuya David na may pinopormahang babae si Ferdie. Syempre hindi naman ako pwedeng maglupasay sa harapan ni Kuya David noon, kaya tumatango na lang ako kapag nagkukwento ito tungkol sa mga nagiging girlfriend ni Ferdie.
Ngunit unti-unting nawala sa aking isipan si Ferdie noong makilala ko ang aking ex-boyfriend na si Lyndon.
Ang manloloko at taksil na si Lyndon.
Bumabalik na naman sa aking sistema ang sakit na dulot ng pangangaliwa ng aking talipandas na ex-boyfriend at ng pagtatraydor sa akin ng babaeng kasama ni Lyndon sa panloloko sa akin, ang aking ex-friend na si Pauline.
Kagabi ay parang tuluyan nang nawala ang sakit at galit na aking nararamdaman dahil sa ginawa nina Lyndon at Pauline sa akin, pero ngayon ay parang may kirot na naman sa aking dibdib dahil saglit na namang dumaan sa aking alaala sina Lyndon at Pauline.
Parang tuluyang nawala ang sakit at galit sa aking puso nang masilayan ko ang malamang pang-upo ng aking masungit na roommate na si Jake kagabi.
Shocks!
Kung kanina ay parang may kumikirot sa aking dibdib, ngayon naman ay para akong kinakabahan. Feeling ko pa ay parang namumula ang aking magkabilang pisngi.
Grabe.
Apektado pa rin ako sa aking nakitang hubad na maumbok na pang-upo ni Jake kagabi.
Ang mabilog na pang-upo ni Jake na parang kaysarap hampasin.
OMG!
Saan galing iyon?
Tirik na tirik ang araw ay pinagpapantasyahan ko ang pang-upo ng aking masungit na roommate.
Umayos ka, Maxi!
Hindi ka manyakis!
Ano ba naman ito?
BINABASA MO ANG
Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)
Aktuelle LiteraturSi MAXIMILIANO aka MAXI na yata ang sumalo sa lahat ng positive outlook na inihulog mula sa langit. Lagi niyang nakikita ang kagandahan sa lahat ng sitwasyon. Habang sa kabilang dako naman ay namumuhay ang isang lalaking parang ipinanligo na ang lah...