"No! please! hanapin niyo ang pumatay sa anak ko! hanapin niyo! wag kayong titigil hanggang hindi nahuhuli ang walang hiyang yon!" sigaw ng nanay habang yakap yakap ang anak niyang nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.
"misis, wala hong naganap na patayan dito, nag suicide ho ang anak niyo kaya wala tayong mahahanap na killer dahil siya ho mismo ang nagpakamatay" wika ng pulis
"hinde! hindi magagawa ni Abby yan! may mga pangarap pa siya! magiging doktor pa siya! makakapagtapos pa siya ng pag aaral! 16 years old pa lang ang anak ko! mabait at masayahin na bata! kaya hinding hindi niya magagawang magpakamatay!" wika ng ina sa pagitan ng mga hagulgol nito habang yakap yakap pa din ang anak sa sahig.
" misis, tumayo na ho kayo jan. nan diyan na ho ang ambulansyang maghahatid sa bangkay sa punerarya." Wika ng isa pang pulis.
Nang makatayo ang nanay ay agad nadinala ang bangkay ni Abby sa punerarya. Naiwang umiiyak ang pamilya na naiwan ni Abby
~~~
mga kulay puting rosas, mga taong naglalaro sa baklay sa labas ng chapel, mga taong nakasuot ng itim at puting damit. ang mga taong nakikiramay sa sinapit ni Abby Pelaez.
hindi pa din natigil sa pagiyak ang mga magulang ng nasawing batang babae. hindi nila lubos maisip kung bakit ganito ang sinapit ng kanilang unica hija at panganay na anak. maging ang mga kapatid nito ay hindi din makapag isip ng dahilan kung bakit ito nagawa ng kanilang ate.
"tita" sambit ng isang babaeng tila namukhaan ng nanay.
may iniabot itong itim na sobre sa nanay ng pumanaw na si Abby at saka winikang
"tita, bago po mamatay si Abby, may ibinigay po siya sa akin na sulat. ang sabi po niya sa akin noon, makalipas daw po ang isang linggo ay aalis na siya. at kapag daw po nangyari ang araw na iyon, ibigay ko daw po ang sulat na ito sa inyo. akala ko po nagbibiro lang siya, tinanong ko pa nga po siya kung saan siya pupunta pero ang sabi niya lang po ay sa malayong lugar daw po." naiiyak na sambit ni Penelope, ang bestfriend ng pumanaw na si Abby
nagtataka man ang nanay ay agad niya itong tinanggap. lumabas siya sa kwarto ng chapel kung saan nakaburol ang anak niya upang basahin ang huling mensahe ng pumanaw.
~~~
Dear mama,
alam ko pong by the time na mabasa ninyo ito, marahil ay natutulog na ako ng mahimbing. marahil ay pinagtataka niyo po kung bakit ko ito nagawa sa aking sarili. matagal ko na po itong binalak na gawin, ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas ng loob. mabuti po kayong magulang, pero hindi ko na po kasi talaga kaya. oo nga po at hindi ako kumikilos sa bahay, hindi nag iimis, hindi naglilinis, hindi naghihimpil. pero nay, pagod na pagod na po ako, mentally and emotionally. ang tagal ko nang gustong mag open up sa nyo pero hindi ko magawa. ang tagal ko nang naghahanap ng tamang pagkakataon para sabihin sa inyo ang hinanaing ko pero hindi ko magawa. malakas man po ako physically, pero sobrang hina ko emotionally. i've been longing to tell you so many things but i can't. and i know this is the right time para sabihin ko sa inyo lahat dahil this time, your full attention is on me dahil kapag sinusubukan ko po kayong kausapin, it seems that hindi kayo nakikinig sa mga sinasabi ko at oo na lang kayo ng oo.
we had our confrontation, nasabi ko sa inyo hinanaing ko but that's not all. kulang pa po ang isang araw para masabi ko sa inyo lahat ng nararamdaman ko. about those issues about extra curricular things, naiintindihan ko. naiintindihan ko naman po na wala tayong sapat na kakayahan noon kaya nangyari yon. so, that issue is already out. nasabi ko na po sa inyo ang hinanaing ko nung grade school days, now i'm going to tell you theses things, high school days po. hindi ko pa nasasabi ito sa inyo and now i'm going to speak up.

BINABASA MO ANG
She Who Crossed the Thick Walls (one shot)
Short Storythis is my first one shot story. this is all about a girl who comitted suicide when she couldn't hold her emotions anymore. matagal na niyang kinikimkim ang lahat ng sama ng loob sa sarili but then she couldn't hold it anymore kaya nag suicide siya...