CHAPTER 13: THE JAMMING DAY PT. 1
Racey Grace Molina
Maaga kaming nagising kinaumagahan. Fortunately, mukhang lahat kami ay naging maganda ang tulog. I just wore a white tube top saka pinatungan ito ng parang varsity jacket na may logo nitong camp. Pinaresan ko lang din ito ng high rise straight jeans saka nagsuot ng puting sapatos.
I just tied my hair as a bun and I am done. I just did a few jumping jacks habang naghihintay sa kanila. Matapos din ay bumaba na rin kami. Binigay na sa amin iyong morning para tingnan ang mga booths. Mab-busy na rin kasi kami mamaya after lunch.
"Sana may takoyaki.", rinig naming bulong ni Demi kaya napatawa kami ng kaunti.
"Ako naman sana may waffle, pero hindi hotdog iyong laman kundi chocolate.", sabi ni Aileen kaya napangiwi kami.
"Ako, kahit anong pagkain susunggaban ko 'no.", sabi naman ni Leigh kaya napatawa kami.
Pagkarating naman namin sa may field ay marami-rami na rin ang mga melodians na pagala-gala. Nakita ko sa may di kalayuan si Macky at Maribelle na kumakain. They're eating some siomai, saka parang chicken skin.
"Gusto ko ng cheese ball.", bigla kong sabi nang may makita ako sa isang stand.
"Should we get our own foods then saka tayo maghanap ng table?", sabi ni Sally kaya napatango naman kami. Isa-isa rin namin kaming nagsialisan habang ako naman ay dumiretso dun sa nagbebenta ng cheese balls. Well, hindi naman talaga siya binibenta since hindi na naman kami magbabayad.
"Isang box nga po.", sabi ko sa nagbabantay kaya ininit niya na naman iyong naluto na cheese balls saka niya inilagay sa box. I thanked her saka tumingin-tingin sa ibang stalls.
"Hotdog in bun po, iyong may extra bacon at cheese.", sabi ko nang may makita akong stall na merong hotdog in bun. I am always been a fan of cheesy things.
Inilagay niya naman iyon sa parang mini paper bag saka ibinigay sa akin. Lumapit na naman ako dun sa stall na may display na sandwiches pero iyong palaman ng sandwich is cream with variety of fruits.
"Iyong strawberry cream sandwich po.", napatingin naman ako sa katabi ko nang sabay kaming nagsalita.
"Oh, hi.", napabati nalang ako bigla nang makilala ko kung sino ito.
"Good morning.", bati niya rin sa akin.
"You like strawberries?", tanong niya kaya tumango naman ako.
"How about you?", tanong ko sa kanya.
"My fave.", sagot niya sa akin kaya tumango nalang ako.
Tinanggap ko naman iyong sandwich na binigay ng nagbabantay nung stall. Tiningnan ko naman si Vaughn.
"Have a great morning, Vaughn.", sabi ko sa kanya kaya tumango naman ito.
"You too, Racey Grace.", aniya kaya hindi ko mapigilang hindi mapairap. Pwede naman sanang Racey nalang iyong itawag sa akin. Narinig ko pa itong natawa nang makita niyang napairap ako.
"If you're looking for a drink, I suggest that one. Masarap iyong Choco Latte nila.", sabi nito kaya tumango nalang ako saka tumungo roon sa sinasabi niya.
"Isang Choco Latte po.", sabi ko sa nagbabantay.
Mabilis naman iyong staff nila dito kaya hindi na ako naghintay ng ganun katagal. Nagdadag na rin ako ng tatlong mini chocolate donuts since may binibenta rin silang pastries. I thanked them saka lumilingon-lingon sa paligid para hanapin sina Sally.
BINABASA MO ANG
Melodial Summer Camp: The Bet
Подростковая литератураFor being grounded ay napilitang sumali sa isang camp si Racey Grace dahil na rin sa mga magulang niya. Sa una ay hindi pa nito alam kung anong klaseng camp ito. She even thought it's only for a few days! Who would have thought that music camps do...