Chapter 5: Confuse

910 12 2
                                    

**PL's Note: Ang hirap palang magswitch ng mood. Diko tuloy malaman minsan kung tama bang pagsabayin ko ang pag-aupdate ko ganung magkakaibang tao to! Anyway, hindi ko alam kung mahaba tong update ko, idedepende ko ulit siya sa mood ko, kung hanggang saan ang itatagal at kapag walang mabait na nanggambala sakin.

Senti tayo ngayon haha. Lagi naman akong senti ih. Haha! Walang second look kaya pasensya na kung may mga errors which is for sure na meron. ^__^V

________________________________________________

 

Chapter 5: Confuse

 

 

"J-jervin." Pakiramdam ko teary eyes ako habang binabanggit ang pangalan niya. Pagka-banggit ko sa pangalan niya, binuksan niya ang gate at lumapit sakin.

Nabigla panga ako ng mabilis niya akong halikan sa labi. Ang lalim ng halik niya kahit mabilis lang. Parang may galit na ewan.. Napatingin ako kay Theo na mukang na-shock din sa eksenang nakita niya.

"Ah." Bago ko palang sanang ibubuka ang bibig ko ng ilahad nani Jervin ang kamay kay Theo. "Jervin. Pare!" Sabi niya. Napatingin sakin si Theo pero dahil sa hiyang naramdaman ko dahil sa ginawa ni Jervin. Nag-iwas nalang ako ng tingin.

"Theo pare!" Tinanggap naman ni Theo ang kamay ni Jervin. Napatingin akong muli kay Theo ng bigla nalang akong akbayan ni Jervin, masakit! Nasasaktan ako dahil sa sobrang higpit ng pagkakaakbay niya sakin. "Sige una nako! Bye Andy!" Ngumiti sakin si Theo at nag-wave bago sumakay sa sasakyan niya.

Ng makalayo nasi Theo. Mabilis ding tinanggal ni Jervin ang kamay sa pagkakaakbay sakin at umuna na sa pagpasok sa loob. Pinagmamasdan ko lang siya mula dito sa likod niya!

Almost 1week siyang hindi nagparamdam sakin tapos ngayon, ganito iaasal niya! Pumasok narin ako sa loob pero nanatili akong tahimik. Baka kasi gusto niyang sabihin sakin kung bakit ngayon lang siya nagpakita sakin.

"Bakit nga pala dito ka umuwi?" Tanong niya habang darechong nakatingin sa sala at may hawak na bowl na may lamang popcorn.

Hindi ako sumagot! Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatayo sa bandang gilid niya! Pakiramdam ko kasi nainsulto ako sa ginawa niya kanina kaharap si Theo, bagay na hindi naman niya dapat ginawa.

Siya naman tutok na tutok lang sa TV. At hindi manlang ako magawang lingunin.. "Sino yung kasama mo?" Tanung niya ulit atsaka inilipat sa sports channel ang pinapanuod. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kanya. "Bago mong manliligaw?" May talento talaga ang lalaking to na saktan ako! Bawat salita kasi na lumalabas sa bibig niya, tagos sa puso ko. Dahilan para mag-init muli ang gilid ng mata ko. "O boyfriend na." Napatawa pa siya habang kumakain at darechong nakatutok sa TV. "Ang bilis ah." Matawa tawang dagdag niya.

"Eh ano naman sayo ngayon kung boyfriend ko nga siya." Darechong sagot ko. Napansin kung natigilan siya at napatingin sakin.

His Bed Partner(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon