"Yuan, bakit hindi pumasok si Roni ngayon?" Tanong ko kay Yuan nang makarating na kami sa room namin.
Kanina ko pa kasi napapansin na hindi namin siya kasama habang papunta kami sa school.
Bigla naman siyang napatawa. "Nabasa kasi siya ng ulan kahapon eh." Sagot niya.
I shook my head. "Ha? Nabasa siya? Ano nangyari sa kanya?"
"Eh, 'di ano pa ba?" Ngisi niyang sagot.
Napakunot ako sa noo. "Ano?"
"Bakit naman siya nabasa kahapon? Matagal ba siyang umuwi?" Empoy asked.
"Syempre, basang-basa nga pagdating." Sagot ni Yuan.
Napaisip na naman ako, kasalanan ko ba kung bakit siya naabotan ng ulan kahapon?
"Baka natagalan sa pag punta sa palengke." Sabi pa ni Nico.
"Siguro." Sabi Yuan.
I signed. "So, ano nga nangyari sa kanya?"
Nilingon ako ni Yuan. "Ayon, nandoon sa bahay. May lagnat." Sa pagsabi na ganoon ni Yuan. Nambilog yung mga mata ko.
Ano? Nilalagnat si Roni? Ha! Bakit? Kasalanan ko ba ito?
"Huh may lagnat siya?" Saad ni Nico.
"Oo." Sagot ni Yuan. "Ayon kasi eh kasalanan niya rin iyon kasi hindi nalang ipinagpaliban ang pamimili ng mga ingredients."
"Baka naman kasi imporante iyon. Eh, Borj 'di ba kasama mo si Roni kahapon? Bakit hindi nyo nalang ipinagpaliban iyong pagpunta sa palengke?" Ani Empoy.
Umiling naman agad ako. "Hindi. Hindi ko siya sinamahan."
"Ha? Eh sino kasama niya? Mag-isa lang siya?" Ani Nico.
"Hindi ko alam. Nag text naman ako sa kanya kahapon eh. Hindi siya sumasagot." Agap ko.
Oo kahapon habang naiinis ako sa kanya ay tin-next ko siya na huwag na pumunta sa palengke kasi paparating ang isang malakas na ulan. Pero hindi naman niya ako nirereplyan. Panay ang text ko sa kanya kahapon at hinanap ko pa siya sa buong paligid kasi akala ko nakikisilong pa siya pero wala na siya eh. Kaya, umuwi na rin ako. Tin-next ko ulit siya sa bahay pag-uwi ko pero wala parin. Hindi parin siya nag s-seen sa mga message ko.
"Hindi ka talaga sumama?" Tanong ni Yuan.
"Hindi nga. Naiinis kasi siya sa akin kahapon." Sagot ko.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ni Nico
"Hindi eh. Bigla nalang siyang nagalit." Sagot ko.
"Hay nako! Hindi ka pa nasanay, lagi namang galit 'yong si Roni eh!" Sabi ni Yuan.
"Nagalit rin kasi ako sa kanya kahapon kaya..hindi ako sumama." I confessed.
"Huh? Eh di sino ang kasama niya?" Ani Empoy.
"Baka kasama niya ang kaibigan niya." Sabi ni Yuan.
"Ha? Si Jelai?" Tanong ni Empoy.
"Hindi. May nagbigay kasi sa kanya ng hoodie. Sabi niya na pinahiram siya ng kaibigan niya." Sagot ni Yuan.
"Sino naman iyon?" I asked.
"Ewan. Pero hayaan n'yo na iyon." Sabi naman niya.
I sighed. Sino kaya iyon? Hindi rin naman si Trisha iyon.
Biglang tumunog ang cellphone ko.
Trish:
hi, hindi nga pala ako makakasabay sa inyo mamaya mag lunch.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
De TodoAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...