Masaya akong ipagluluto si Roni ng isang paboritong adobo niya. Nalungkot lang talaga ako kanina no'ng sinabi niya na si Byran pala ang kasama niya kahapon. Sayang, kung hindi lang sana ako nagalit at sinamahan ko siya kahapon, hindi sana siya nagkaroon ng lagnat ngayon. Tangina mo talaga self!
Tinitingnan ko lang siyang nakaupo sa sofa at hinihintay akong matapos magluto. Malapit na rin naman itong maluto. Nilalagyan ko na lang ngayon ng kaunting toyo.
Hindi nalang siguro ako babalik sa school, mas gusto ko muna na dumito ako sa bahay nila baka mamaya pa ay makatulog siya at hindi namalayang may nangyari sa kanya dahil nasa labas sila Tita. Nag-alala talaga ako sa kanya. Hindi ko kaya na makita siyang nagkasakit at kasalanan ko iyon.
Nilingon ko siya, kung kanina ay nakaupo siya sa sofa, ngayon ay papalapit na siya sa akin.
"Hmm ang bango 'ah?" Ngumiti siya habang inaamoy ang bango nang niluto kong adobo.
"Syempre, sinarapan ko 'yan para sa'yo." Asar ko. Narinig ko ang mahinang pag-tawa niya.
Napatigil siya at lumapit siya sa table seat nila sa sala saka umupo.
"Hindi ka na ba babalik sa school?" Diretsong tanong niya.
Umiling ako at tiningnan ko ang niluto kong adobo at tinikman ito. Konting timpla nalang ay tapos na ito.
"Hindi na. Dito nalang muna ako sa inyo. Babantayan kita."
"Sira! Kailangan mong bumalik sa school." Sabi niya. "okay naman ako dito."
Huminga ako nang malalim. "No, dito lang ako."
Narinig ko siyang tumawa. "Kahit kailan talaga Borj, pasaway ka!"
"Pasaway lang ako ngayon. Nag-alala lang talaga ako sa'yo." Agap ko.
"Hindi mo naman kailangang mag-alala. Ayos naman ako dito sa bahay." Ani niya.
I laugh. "Ayaw mo ba na dito muna ako?" Natahimik siya sa tanong ko at hindi na siya nagsalita pa. Bahagya akong napatawa. Ayaw niyang umalis ako kaya hindi siya makasagot.
Maya Maya pa, natapos na rin ang pagluluto ko. Mabilis ko naman agad na inilagay iyon sa maayos na pinggan at kinuha ko para dalhin sa kanya. Naglagay na rin ako ng kubyertos at tinidor kasama ang isang malinis na pinggan. Inilapag ko ito sa mesa.
Gan'on nalang ang ngiti ko nang makita ko siyang malaki ang mga ngiti dahil sa simpleng luto ko na iyon. Paboritong paborito niya talaga ang adobo ko, at doon palang sa gano'ng ngiti niya at pakiramdam ko, ay sobrang special ng adobo ko.
"Kumain ka na." Ngiti kong sabi
Mabilis niyang kinuha ang kubyertos at tumikim siya nang konti sa niluto ko. "Wow Borj! Ang sarap!"
"Kumusta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Asar kong tanong.
Napairap lang siya sa akin at bahagyang akong tiningnan. Nakangiti akong tinitingnan siyang kumakain.
"Naiilang ako sa tingin mo. Kumain ka na rin." Saway niya.
"Maganda ka kasi kaya hindi ko maiwasan na tingnan ka." Sabi ko sa nakangiti na boses.
"Sus! Huwag mo akong tingnan nang ganyan!" Agap niya. "Naiilang talaga ako!"
"Masanay ka na Roni. Araw araw naman akong nakatitig sa'yo eh." Asar ko. Malakas ang paghampas niya sa kamay ko na nasa mesa dahilan kung bakit ako napaaray at napatawa sa ginawa niya. Halata sa kanya na naiilang at naiinis siya sa asar ko.
Gusto ko talaga siya. Gustong gusto ko siya. Ano ba ang dapat kong gawin? Gusto ko siya maging girlfriend. What if ligawan ko siya? Napatawa nalang ako sa mga iniisip ko. Hindi ko rin pwedeng gawin iyon, pagagalitan ako ni Yuan panigurado! Haha!

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
DiversosAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...