Nandito kami ngayon sa bilyaran nila Borj. Sabado ngayon at lahat kami ay nandito.
Marami rin ang nangyari, alam na rin ni Borj na nagpapatutor si Byran kay Mommy. Magaling na rin ako. Buti nalang talaga ay hindi nagalit si Borj sa akin sa araw na iyon!
Kompleto kaming nandito. Hinihintay nalang namin na dumating si Borj.
Kasama ko sila Kuya, si Jelai at si JunJun. Masya ako kasi masaya silang naglalaro sa dulo. Kasama ni kuya si JunJun at ako naman, kasama ko si Jelai na nandito nakaupo.
"So, ano pa ang ginawa ni Borj sa'yo?" Ngiting tanong ni Jelai sa akin. Na kwento ko kasi sa kanya na pumunta si Borj sa bahay nang araw na iyon. Iyong may lagnat pa ako.
"Syempre, nagluto siya ng adobo para sa akin!" Sagot ko.
"Yiieee!" Tili niya pero mahina lang dahil baka ay marinig siya ni kuya.
"Nakakakilig talaga Jelai! Sobrang saya ko sa araw na iyon!" Ngiting paliwanag ko.
"Nako Roni. Ang swerte mo!" Sabi niya. "Kinikilig talaga ako sa inyo, sis!"
"Ako rin naman. Kinikilig rin ako sa inyo ni JunJun" Sabi ko.
Masaya rin ako dahil bukod sa mga nangyayari ay buti nalang meron na rin kaming grades sa club namin. Buti nalang talaga ay na excuse ako at valid naman ang reason ko dahil may lagnat ako. Dinalhan pa nga ako ni Jelai ng cookies at iba pang niluto nila no'n eh.
Sila Trisha naman, umalis na sila, nandoon na sila sa school kung saan sila mag p-present ng school namin kasama sila Empoy. Nakakatuwa lang para sa kanya! Sobrang proud ako para sa kanya kahit minsan ay nagagalit ako pag kasama niya si Borj. Hayss, Masama talaga akong kaibigan!
"Mas kinikilig ako sa inyo!" Tili niya.
I sighed. Masaya lang akong nanonood kay kuya at kay Junjun.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang sagutin si JunJun?" Tanong ko sa kanya.
"Nako sister! Hindi pa ako sigurado." Agap naman niya.
"Anong hindi? Matagal na siyang nanliligaw sa'yo ah? At alam mo ba, ginawa na ng pinsan ko ang lahat para sa'yo no." Sabi ko.
"Sister...hindi pa sapat iyon." Patawa-tawang sabi niya.
"Mabait naman si Junjun ah? Gentleman din. Masipag at higit sa lahat, pogi." Sabi ko. Oo pogi at magaganda talaga ang genes namin at proud ako doon.
"Alam ko 'yon. Kaya nga gustong gusto ko siya eh." Ngumiti si Jelai.
"Hay nako, pinapatagal mo pa talaga kahit gusto mo naman pala siya." Ani ko.
"Pag niligawan ka na ni Borj, doon ko na siya sasagutin!" Asar niya sa akin.
"He! Hindi 'yan mangyayari!" Agap ko.
"Eh di, hindi ko masasagot si JunJun niyan?" Sabi niya sabay tawa. Kita ko parin sa itshura niya ang pang-aasar niya sa akin.
"Ewan ko sa'yo!"
"Yiee, magpapaligaw na iyan..."
"Tigilan mo'ko!"
I felt my cheeks flush. Ayokong magpaligaw kay Borj Jelai! Tumigil ka! Hindi pwede iyon. Baka magalit pa si Mommy at lalo na si kuya!
"Tama na Jelai, baka marinig ka ni kuya." Agap ko dahil hindi parin siya tumitigil sa pang-aasar sa akin.
"Sus!"
"Kung gusto mo nang sagutin 'yang si JunJun, huwag mo na ako idamay diyan. Aba!" Saway ko.
"Hay nako sister! Magiging kayo rin ni Borj."

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
AcakAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...