"Sembreak na!" Jelai screamed at the top of her lungs. Two weeks na pahinga lang ang sembreak namin at malaking bagay na rin iyon.
Malapit na ang exams namin kaya todo review talaga kami.
"Sa wakas Jelai, makapagpahinga na rin 'yong utak natin." Sabi ko sa kanya.
"Anong makapagpahinga? Malapit na nga iyong exam natin eh." Ani niya sa akin.
I smiled a bit. Hindi naman ako kinakabahan sa papalapit na exams. Ang ikinaabala ko lang talaga kung ano ang gagawin ko pag hindi lumabas sa exam namin ang ni-r-review ko.
"Pero okay lang, mangongopya nalang ako sa'yo." Asar ni Jelai sa akin at napatawa naman agad ako roon.
Nagtatawanan kami at agad namang napabaling ang tingin sa mga hawak naming libro.
Nandito kami sa bahay, nag r-review kami ngayon. Gaya ng sinabi ko kanina, todo review talaga kami ngayon. Ayoko na bumagsak kami pareho. Malapit lang ang one week, kasi ang alam ko ay mabilis ang takbo ng oras.
"Hi Roni, para pala sa'yo."
Nilingon namin ang dumating. Si Tonsi. May dala siyang isang box.
Simula no'ng nakilala ko siya, naging magkaibigan na rin kami pero ang madalas lang nyang ginagawa ay lagi siyang nandito sa bahay at minsan pa ay may dinadala siyang kung ano na hindi ko naman hinihingi sa kanya para ibigay sa akin iyon. First impression ko sa kanya ay isang weirdong lalaki. Kapatid naman siya ni Borj, pero hindi sila magkapareho.
Nagtataka talaga ako sa kanya. Para siyang nanliligaw sa akin kung tutuusin. Pati si Jelai sinasabi rin sa akin ang ganoong salita. Ganoon din sila Mommy. Hindi ko talaga naiintindihan. At ayoko na ginagawa niya iyon kaya minsan ay hindi ko siya pinapansin at hindi ko tinatanggap ang mga bigay niya kahit kaibigan ko pa siya.
"Ano 'yan?" Walang ganang tanong ko at napatingin ako sa hawak niya.
"Uhm, baka nagugutom kayo? Dumaan kasi kami kanina sa Shakey's. Bumili nalang din ako ng pizza." Sagot niya.
Tiningnan ko si Jelai. "Ahh kasi..busog na ako eh. At nag r-review kami ngayon ni Jelai kaya....alam mo na.." Binaling ko ang tingin sa hawak kong libro.
"Oo nga Tonsi. Tapos na kasi kaming kumain." Sabi naman ni Jelai sa kanya.
Tumango si Tonsi. "Okay. Debale, ilalagay ko nalang sa ref ninyo Roni. Baka magutom ka bigla." Ngumiti siya at pumunta siya sa sala.
"Ha? W-wag na.."
Bago pa man ako makatayo ay pumunta na siya roon at diretso naman niya itong inilagay sa refrigerator namin. Hindi ko na siya napigilan.
I sighed. "Sige, thank you."
Ngumiti siya at lumapit sa amin. "Ahmm, baka may maitulong ako sa ni review niyo?" Tanong niya at napatingin siya sa hawak naming libro.
Umiling naman ako agad. "Nako, 'wag na Tonsi. Kaya na namin ito!" Pailang kong ngiting sabi.
"Alam n'yo, huwag na kayong mahiya." Kinuha niya ang libro na hawak ko. "Doon kasi sa Italy, 'yong school namin halos mga advance subjects ang tinuturo." Tumingin siya sa hawak niyang libro at binasa ang nakasulat. "Oh, Biology? Ang dali lang nito!" Ngumisi siya.
Napairap ako at agad na kinuha sa kanya ang libro. "Oo madali lang ito kaya kayang kaya na namin ito. Thank you na lang." Tiningnan ko siya. "Baka hahanapin ka na ni Borj, umuwi ka na muna."
Umupo ako uli at binaling ang mga mata sa pagbabasa ng libro.
Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga. "Boring naman sa bahay eh."

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
De TodoAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...