"Ang boring no?" Reklamo ni Yuan.
Nandito kami sa bilyaran. Nakaupo lang kami habang pinagmamasdan ang mga naglalaro.
Sembreak na namin ngayon pero wala namang ka kwenta kwentang araw. Wala kaming magawa.
"Oo nga eh. Anong plano natin? Boring naman ng sembreak na ito." Agap ko sa walang ka emosyong boses.
"Eh kung nag barbecue party ulit tayo doon sa bahay niyo?" Ngumisi si Yuan. "Para hindi tayo magiging boring."
Napairap ako sa sinabi niya. "Ayan ka na naman pare eh. 'Wag na 'yan."
"Sus! Sige na Borj! Isama nalang din natin sila Trisha. May number ka naman niya 'di ba? Para masaya. Isali na rin sila Empoy." Tuwang sabi niya.
Umiling ako. "Ayoko."
"Kj mo naman!"
"Pare, alam ko na 'yan. Mag i-inom ka na naman eh. Madadamay na naman kami. Huwag na." Sabi ko.
"Konti lang. Sembreak naman din ngayon!" Agap niya.
"Kahit na. At 'diba sinabi ni Tita sa'yo na hindi na pwedeng uminom? Nako talaga Yuan hindi ka natututo." Sabi ko sa nang-aasar na boses.
"Last na pare."
"Ayoko talaga. Hindi mo ba alam? Si Tonsi nandoon sa bahay. Ayoko na malaman niya ang mga kalokohang ginagawa natin." Ani ko.
"Eh boring na boring eh." Naiinip niyang sabi.
Umiling ako.
"Eh kung...tawagan mo na lang kaya si Trisha?"
Napatingin ako sa sinabi niya. "Huh? Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Wala lang. Pagtripan mo lang." Ngumisi siya.
"Pare, nagpapahinga iyon. Huwag na nating storbohin." Agap ko.
Speaking of Trisha, naging maayos naman ang naging performance nila sa ibang school kasama sila Empoy. Kaso, hindi sila ang nanalo. Second place lang sila. Pero ayos na rin iyon, masaya naman ang buong teachers sa school namin sa kanilang mga representative. Siguro ngayon ay nagpapahinga o baka nag-aaral lang din iyon katulad nila Roni.
"Sige na tawagan mo na." Giit niya.
"Namimiss mo lang siguro siya no?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Bakit ko naman mamimiss iyon?"
"Sus! Kunwari. Miss mo siya no? Aminin mo na, Yuan!" Asar ko.
"Hindi!"
"Palibhasa may crush sa'yo 'yon." Sagot ko sa mahinang boses na tila ay narinig niya.
"Huh? Anong sabi mo?"
Napahawak ako sa bibig ko. Patay! Mag-ingat ka naman Borj! Huwag mo sabihin sa kanya!
"Ah-hh.. ang sabi ko, palibhasa ay inaasar mo siya." Palusot ko.
"Ha? Tapos?"
"Baka namimiss mo siya kasi inaasar mo 'yon 'diba?" Agap ko.
"Hindi ah. Sa'yo ko nga inaasar 'yon eh. Baka ikaw ang nakamimiss doon." Asar pa niya.
"Tsk."
Iba ang namimiss ko Yuan, si Roni. Kahit nakikita ko araw araw, namimiss ko naman siya lagi.
"Ah, alam ko na! Mag swimming nalang kaya tayo?"
Walang ganang nilingon ko si Yuan sa sinabi niya. "Pare ang init init eh. Tas mag s-swimming ka?"
"Kaya nga mag s-swimming eh!" Agap naman niya at hinila niya ang kamay ko kaya napatayo ako. "Tara na! Mag swimming tayo!"
"Pare.."

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
NezařaditelnéAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...