"Sabay ba kayong lumaki ni Roni?" Tanong sa akin ni Tonsi habang naglalakad kami pauwi sa bahay.
Galing kami sa bahay nila Roni kanina. Kinain namin ni Yuan 'yong pizza doon. Wala rin naman si Roni doon kasi nandon pala siya sa bahay nila Jelai. Sayang hindi ko siya nakita ngayong araw.
Pinauwi na rin kami ni Lolo. Tumawag kasi si Lolo na pupuntahan raw niya si Lola para sunduin galing sa probinsya. Masaya kami dahil sa wakas ay uuwi na rin si Lola. Hindi na magiging malungkot si Lolo pag mag-isa lang sa bahay.
"Oo. Kababata ko iyon eh." Sagot ko kay Tonsi sa tinanong niya kanina.
"Ahh" patango-tango niyang sabi. "So, kilala mo siya?"
Nilingon ko siya. "Syempre. Bata palang kami, kaibigan ko na siya. Syempre kilala ko na siya." Sagot ko.
Nakita ko siyang biglang ngumiti sa sinabi ko. "Eh di mabuti."
"Oh, bakit?"
"So, alam mo ang mga hilig niya?" Tanong pa niya.
Tumango ako. "Oo naman."
"Eh ano 'yon?" Napatigil ako at tiningnan ko siya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ahm, wala lang....gusto ko lang malaman." Sagot niya. "Ano nga 'yon? Anong hilig niya sa pagkain?"
Tumango ako. "Mahilig siya sa adobo." Diretsong sagot ko at nagsimula na ulit maglakad.
"Tapos? Ano pa?"
"Adobo, cheesecake, mahilig rin siya sa mga pagkaing hindi sobrang tamis at sakto lang ang timpla. Ayaw niya sa mga pizza basta yung mga pagkaing may kamatis. Allergic kasi siya sa kamatis." Paliwanag ko.
"Ahh" tumango si Tonsi. "Gan'on ba?"
I nood. "Oo."
"Eh mga hayop? Sa mga hayop ano 'yong gusto niya?" Tanong pa niya.
"Mga rabbits. Mahilig siya doon." Sagot ko.
"Really??" patango-tango niyang sabi. "Uhmm, sa bulaklak..ano ang gusto niyang bulaklak?"
Napatingin ako at muling napatigil sa sinabi niya. Anong sabi niya? Bakit napunta na sa bulaklak? Anong ibig niyang sabihin?
"Teyka nga. Bakit panay ang tanong mo? Ha?"
Nakita ko siyang lumawak ang mga ngiti. "Kasi gusto ko rin siyang makilala."
Kumunot ang noo ko. "Ano? Anong makilala?"
"Basta, alam mo na iyon." Pangiti-ngiting sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam. Ano ba iyon?"
"I like her." Diretsong sagot niya na ikinagulat ko.
"May gusto ako sa kanya." Pag-uulit niya.
Hindi ko alam kung guni-guni lang ba o ano pero nagalit ako sa sinabi niya. Gusto niya si Roni?!
"What? Si Roni? Gusto mo siya?!" Pasigaw kong tanong.
"Yeah." He nood. "Wala naman siyang boyfriend 'di ba?" Tanong niya pa.
Umiling ako. "Bakit mo siya gusto?!"
"Well, wala lang." Sagot niya. "I just like her."
Natawa ako nang bahagya. "Hahaha! Alam mo bro, mag-isip ka ah? Ang daming babae sa mundo eh. Huwag naman si Roni.."
"Huh? Bakit Kuya? May boyfriend ba si Roni?" Tanong niya.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
"Kung wala siyang boyfriend, walang masama doon." Dugtong pa niya.
"K-kay Yuan mo dapat tinatanong 'yan." Utal kong sagot.
"Okay. Tatanungin ko si pareng Yuan." Ngumisi siya. Ano?! Talaga bang gan'on kalaki ang confidence niyang sabihin mismo kay Yuan 'yan?!
"Tonsi. Makinig ka. Hindi mo pwedeng magustuhan si Roni." Walang ganang sabi ko.
"Why?" Tumawa siya. "Kuya, just support me, okay?"
"Hindi kasi." Pagpigil ko. "Hindi nga pwede."
"Come on kuya, ngayon pa lang ako nagkakagusto sa isang babae 'diba? Support mo nalang ako."
Ayoko Tonsi! Kahit kapatid kita, hindi ako papayag na manligaw ka kay Roni!
"Bakit mo nga siya nagustuhan?" Mariin kong tanong.
"Kasi maganda siya. Tahimik siya. I like her attitude. Medyo masungit, pero okay lang iyon. Mas gusto ko iyon. When I first saw her, na love at first sight ako. Gusto ko siya Kuya!" Ngumiti siya sa akin.
"Tapos?"
"Iyon na iyon. Sige na kuya, payagan mo na akong ligawan siya. Tulungan mo na rin ako." Pagpumilit niya sa akin.
"Huh?"
"Kuya, help me to court her. Liligawan ko siya." Ngiting sabi niya.
Humalakhak ako nang malakas. "Liligawan mo siya??!" Patawa-tawang sabi ko. Pero hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko.
"Yes, bakit?" Napatingin siya. "May nakakatawa ba?"
I paused.
Sorry Tonsi. Gusto ko rin si Roni. Ayoko na manligaw ka sa kanya.
"Wala."
"Iyon naman pala eh. So, payag ka? Liligawan ko siya." Ngumiti siya.
Umiling ako. I cleared my throat. "I'm sorry, Tonsi pero hindi ko siya gusto para sa'yo."
"Huh? Wala akong nakikitang dahilan para hindi mo siya magustuhan para sa akin." Sagot niya.
"I'm sure, while you're trying to convince me, you are also trying to convince yourself that she's worth fighting for. Am i right?" I sighed.
"Kuya, you're over realizing syempre marami pa kaming dapat alamin tungkol sa isa't isa." Sagot naman niya.
"Hindi ko na kailangang i-analyze ang babaeng gusto mo. Kilala ko kung sino at ano siya. Hindi kayo bagay." Agap ko.
Hindi kayo para sa isa't isa Tonsi. Okay lang kahit sa ibang babae, huwag lang si Roni.
Mariin niya akong tiningnan sa sinabi ko. Galit na galit ang itshura niya na nakatingin sa akin. Sige lang, magalit ka lang! Basta huwag mo lang ligawan si Roni!
"Bakit ganyan ka magsalita Kuya? Masama bang magkagusto ako sa kanya?"
Napaisip ako. Walang masama Tonsi. Pareho naman tayong nagkakagusto sa isang tao. Normal iyon. Ang akin lang. Sana huwag naman si Roni. Ako yong nauna eh.
I sighed. Hindi rin pwedeng ligawan mo si Roni. Alam ko na hindi pa siya handa sa ganyang bagay, baka magalit pa sa'yo iyon o baka masaktan ka pa ni Yuan. Maraming pinagdaan si Roni tungkol sa mga nangyari sa kanila noon ni Basti. Hindi pa siya handang magpaligaw at alam ko iyon. Hindi pa siya maayos.
"I'm talking to you as your brother. Eto lang ang sa akin, love the woman that will bring out the best in you. Not someone that you need to fix." I uttered.
"What do you mean? Hindi kita maiintindihan." Kunot noong tanong niya.
"Tayong dalawa ang magkapatid. If i lose you, i will be nothing. Tonsi, alam kong alam mo yan! 'diba? Hindi naman masama ang magkagusto ka. Pero, 'wag nalang si Roni." Sagot ko na may halong pagmamakaawa sa boses ko.
"Alam ko ang ginagawa ko at masaya ako na nakilala ko si Roni please naman kuya, maging masaya ka nalang sa gagawin ko." Agap niya.
Umiling ako. "I'm just telling you the truth. You know very well what i'm talking about. Kaibigan ko si Roni. Kilala ko siya, ayoko lang na masaktan ka. At isa pa, sigurado ka ba na papayagan ka ni Yuan?"
"Gusto ko siya, that's it. Intindihin mo sana yon!"
Iyon lamang ang nasabi niya at umalis na siya.
Napabuntong hininga ako. Naiintindihan kita Tonsi. Ayoko lang na masaktan ka.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
DiversosAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...