Trevor's POV
Sanay na akong iba't ibang babae ang dinadala ni Daddy sa bahay. Hindi ko na mabilang kung ilang babae ang ipinakilala niya sa akin.
Pero iba si Gwen.
Siya ang kaisa isang babae na nag-tagal sa Tatay ko. Siya rin ang kauna-unahang babae na nag-bigay ng atensyon sa akin. Inalagaan niya ako at tinuring na parang anak.
Hanggang sa isang araw, narinig ko silang nag-aaway.
Araw-araw silang nag-tatalo at araw-araw umiiyak si Tita Gwen.
"Kailan mo ba aayusin ang sarili mo?!" Dinig kong sigaw ni Tita Gwen sa Daddy ko. "Sabi mo magbabago ka na? Akala ko titigilan mo na yang pag-ddrugs mo?!-"
Tumigil sa pag-sasalita si Tita Gwen. Lumabas ako ng kuwarto ko at sumilip sa loob ng kuwarto nila na naka-awang ang pinto.
Napanganga ako dahil sa gulat. I was just six years old back then pero alam na alam ko kung ano ang bagay na nakatutok sa ulo ni Tita Gwen. Isang baril.
"Shut up! You're a fucking worthless woman!"
Nakita ko ang pagpipigil ng hininga ni Tita Gwen habang umiiyak.
That night, I started to realize things. Doon nag-sink in sa akin na my family wasn't normal. So did my childhood.
Nag-decide si Tita Gwen na umalis at sabi niya isasama niya ako.
Inayos niya ang mga gamit na dadalhin naming dalawa.
Pero nalaman ni Daddy ang plano niya.
Binugbog niya si Tita Gwen.
At sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng emosyon.
Naramdaman ko na may gusto akong protektahan.
"Stop!" Malakas na sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay.
Napatingin sa akin si Tita Gwen at Dad.
"Ohh, so you learned how to shout now. Great." Sabi ni Dad at napasigaw si Tita Gwen sa sunod niyang ginawa.
Nahilo ako dahil sa malakas na sampal sa akin ng Tatay ko kaya bumagsak ako sa sahig.
"Trevor!" Sigaw ni Tita Gwen.
Hindi ko alam kung ako ba ang Trevor na tinutukoy niya o ang daddy ko. Yes, we have the same name. I am his junior.
Gumagalaw ang paningin ko at nakita ko na lang na papunta na sa akin si Tita Gwen at hinarang niya ang katawan niya at nakarinig ako ng putok ng baril bago siya bumagsak ng tuluyan sa akin. Naramdaman ko na lang ang mainit na likido na bumabalot sa katawan ko.
Tita Gwen saved me.
Pinalabas na aksidente ang nangyari.
Nawala ang boses ko simula nung insidenteng iyon.
Simula rin non, binubugbog na ako ng Tatay ko pero parang namanhid na ako.
Hanggang sa may inuwi nanaman siyang babae.
Isang babae na malayong malayo ang ugali kay Tita Gwen.
Gaya ni Dad, sinasaktan niya din ako.
Hanggang sa isang araw..
Nasaksihan nanaman ng murang mga mata ko ang matinding sakitan sa pagitan nilang dalawa.
Kitang kita ko kung paano saksakin ng babae yung Tatay ko.
Wala sa sariling kinuha ko ang baril ni Dad sa kwarto niya. Alam ko kung saan ito nakalagay, ilang beses ko na rin itong hinawakan ng pasikreto.
Nanginginig ang mga kamay na binaril ko ang babae hanggang sa mawalan ito ng malay.
YOU ARE READING
Awakened Pleasures (R-18)
RomanceWarning: R-18 ; Explicit Story Laura Marie Sebastino, a twenty year old orphan, who naturally grew up in a religious and conservative setting will get involved with his hot and famous schoolmate, Luke Mariano, an ex actor who is rumored to have a m...