Prologo

597 11 0
                                    

Malakas ang patak ng ulan sa labas, sabagay, may bagyong paparating. Nakasarado lahat ng bintana at pintuan pero damang-dama ko ang lamig kahit na naka-yakap ang balat ko sa makapal na comforter. Nakatagilid lamang ako ng higa at nakatitig sa kurtina, may kaunting ilaw na nanggagaling sa labas dahil sa streetlight. Nakasara ang ilaw at tahimik ang buong paligid, alas-dose na kasi ng madaling araw.

Naririnig ko din ang kamay ng table clock na gumagalaw dahil katabi ko ang lamesang kinalalagyan nito. Nakakapagtakang walang kahit na anumang bumabagabag sa isipan ko ngayon, ni hindi man lang pumunta sa isip ko ang mga bagay na gagawin sa eskwelahan bukas, o kung ano ang mga mangyayari sa mga susunod pang araw.

Natigil ako nang marinig ko ang pagbukas ng gate at ang andar ng kotse. Ilang minuto ay pinakiramdaman ko ang paligid, natahimik ito. Maya-maya ay nakarinig ako ng yapak ng mga paang paakyat dito sa ikalawang palapag ng bahay. Napahawak ako ng mahihpit sa kumot ko at hindi gumalaw sa pwesto ko. Mahina at dahan-dahang pagbukas ng pintuan ang aking naramdaman, ang mga yapak ng paa ay maingat ring naglakad na para bang ayaw nitong may magising mula sa pagtulog.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman kong inangat niya ang comforter kaya nilamig ng kaunti ang aking katawan, humiga siya at ilang minuto ang lumipas ay wala na akong napansin pa, para akong nakahinga nang mapagtanto kong tulog na siya.

Pero mali ako, natigil ako sa paghinga at napaawang ang aking labi nang maramdaman ko ang mga kamay niyang pumalibot sa aking beywang at inilapit ako sakanyang katawan. Ngayon ay nararamdaman ko ang init ng kanyang katawan dahil sa magkadikit kami, hindi ako nagsalita o gumawa ng kahit na anumang tunog. Parang may kung anong bunabagabag sa aking tiyan habang ang kanyang kamay ay nasa aking beywang at mahigpit na nakayakap. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pinilit kong suminghap ng kaunting hangin sa paligid.

Inilapit niya ang kanyang ulo at hinalikan ang aking buhok hanggang sa dahan-dahan itong magpunta sa aking leeg. Nanatili ako sa aking posisyon ng tahimik at hindi nagbalak na gumalaw o umalis. Mahina siyang nagsalita sa aking teynga.

"Natulog ka na, alam kong napagod ka ngayon araw."

Inayos niya ang kumot at nanatiling nakayakap sa aking beywang, hanggang sa ilang minuto ang lumipas ay nakatulog na siya ng mahimbing. Napuyat ako dahil hindi ako makatulog at hindi ko maintindihan kung bakit ayaw akong dalawin ng antok, ang tangi ko lamang ginawa ay ang makinig sa mga patak ng ulan at ng orasan.

Nagising ako nang marinig ko ang alarm clock ko sa cellphone. Umupo ako at kaagad itong pinatay. 5:00 ng umaga, tinignan ko ang paligid at nakitang wala na siya, marahil ay maaga na naman siyang umalis.

Palaging ganito ang set up na nadadatnan ko. Uuwi ako ng wala siya, matutulog ng meron siya, at gigising nang nakaalis na siya. Kinuha ko ang cellphone ko sa drawer ng side table at dumiretso sa bathroom para maligo. Habang pumapatak ang tubig sa buong katawan ko ay namataan ko ang magkatabing toothbrush ng isang babae at lalake, maging ang mga shampoo at sabon na para sa dalawang kasarian. Kinuha ko ang toothbrush ko at inilagay ito sa ibang lalagyan, para akong nakaramdam ng pagka-komportable.

Lumabas na ako pagkatapos kong magbanlaw nang buksan ko ang malawak na customized black wardrobe niya. Napatitig ako sa magkatabing damit namin, maging ang pagkakaiba ng mga tela ay halatang-halata. Mga polo na mahahaba ang manggas, mga barong tagalog, at mga tuxedo na maayo naka hanger. Nasa baba rin nito ang kanyang mga koleksyon sa iba't-ibang modelo ng relo at mga neck tie. Tinignan ko ang ilang piraso ng aking mga damit na naka hanger doon nang magdalawang-isip akong abutin ito. Sa huli ay isinara ko na lamang at kinuha ang bagong labang blouse ko sa tabi.

Napansin ko ang mga nalutong pagkain sa kusina na nakatakip pero dinaanan ko lamang ito at hindi pinansin. Nang buksan ko ang shoe rack ay hindi ko mapigilang mapatigil nang makita ang ayos ng mga sapatos. Sa buong kanan ay puro mga black leather shoes ng lalake, habang sa kaliwa ay ang aking nag-iisang white shoes at silver heels.

Basa pa ang daanan sa labas dulot ng pag-ulan nito ng malakas kagabi. Maingat akong humakbang para hindi maputikan ang puti kong sapatos. Maingat kong binuksan ang side entrance ng malawak at malaking gate bago ito isinara. Nagulat ako nang may huminto kaagad sa harapan ko na isang black na sasakyan, nang bumaba ang bintana nito ay nakita kong si ang kanyang driver.

"Ma'am ihahatid ko na po kayo"

"Huwag na po"

"Kabilinbilinan po ni Sir saakin na dapat po ay magamit niyo ang kotseng ito sa araw na ngayon."

Natahimik ako. Alam kong wala akong choice. Kahit anong katuwiran ko ay alam kong sa huli ay manahimik ang tanging bagay na magagawa ko.

Makulimlim parin ang umaga kahit na pasado 6 na ng umaga. Tahimik akong nakadungaw sa bintana habang binabaybay namin ang kahabaan ng highway. Dahil mabilis ang pagmamaneho niya ay nakarating ako kaagad sa labas ng University.

Lahat ng mga mata ay nakatuon sakin noong makababa ako mula sa kotse. Marahil ay iniisip nilang may bago na naman aking sasakyan, na sobrang yaman ko, na swerte ako sa buhay. Naglakad ako paakyat ng entrance ng Saint Louis at pinilit na huwag pansinin ang mga nasa paligid.

Tumigil ako sa paglalakad noong tumunog ang notification ng cellphone ko, binuksan ko ang online account ko nang mapaawang ang labi ko. Nag transfer siya ng 10 thousand pesos sa account ko. Habang nakatingin sa screen ay may nag pop up na message sa itaas.

"Spend it all you want. What's mine is yours, and you're mine to have."

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon