Regrets
I sighed heavily as I stared at nowhere.
Nabubulok na ako rito sa penthouse. Tinignan ko ang tumpok ng paperbags mula sa shopping spree ko. Ni hindi na ako napapasaya ng mga iyon.
I reached for my phone and checked for any messages. Marami namang messages doon galing kanila Ronnie, Denise, at Audrey. But for some reason, I was looking for Russel's name. At wala siya roon.
Ala una na ng hapon, ah? Wala pa siyang text? Noong mga nakaraang araw, panay ang kulit niya sa akin.
Mas lalo lang akong nafrustrate at tinaplak ang cellphone sa kung saan. Ngumuso ako habang nakahiga sa sofa.
Kung lumabas kaya ako? Siya kaya ang magiging bodyguard ko ulit? Hmm. I have a feeling that he'd be my bodyguard if I wanted to go out. I'm even confident about it.
I smirked.
That idea finally made me get up. Iyon lang pala ang makakapagpakilos sa akin. Agad akong pumasok sa kwarto para maligo.
Nagtagal ang tingin ko sa kama kung saan niya ako binihisan. Namula ang pisngi ko nang naalala ang kagagahan noong lasing ako! Well, si Russel naman ang kasama ko kaya kahit papaano, hindi ako nangangamba. Pero nakakahiya pa rin!
Habang nagme-make up, nagtext ako kay Russel para alam niya na lalakad ako. Kung pupunta pa lang siya rito, well... hmmm... I can wait. Tatagalan ko na lang sa pag-aayos.
To: Russel
Aalis ako ngayon.
Panay ang sulyap ko sa phone habang inaayusan ang sarili. Kinukulot ko na ang buhok ko nang saka pa lang siya nagreply.
Ang tagal, ha? Halos sampung minuto rin?
From: Russel
Where are you going and what are you going to do there?
I bit my lip as I hurriedly replied. I have a feeling that he'd drop whatever he's doing right now to accompany me. I know I used it against him last time, but for some reason, I feel thrilled knowing full well that he will come.
To: Russel
Baka maglibot lang ako sa mall. Tapos doon na rin ako magdidinner.
He didn't reply. Wala pang isang minuto noong nagreply ako. Ibig sabihin binaba niya agad ang cellphone niya? Hindi manlang hinintay ang reply ko?
I don't want to sulk but I can't help it! Mas lalo tuloy akong ginanahan na mag-ayos ng sarili. Bahala siyang maglaway mamaya!
I wore the skimpiest dress I could find in my drawer – a fitted small dress with leopard print all over. Lalo akong tumangkad dahil sa taas ng heels ko. My boobs sat nicely on my push-up bra, and they looked hotter with my collarbone sharply protruding.
Mabuti na lang at mahaba ang blowout kong buhok kaya kahit paano, hindi gaanong lantad ang dibdib ko. Pwera na lang kung talagang nakadungaw siya – at sa tangkad ni Russel, ganoon na nga ang mangyayari.
I smirked at the thought.
I heard a doorbell. Nabuhayan ako ng loob. Malamang si Russel na 'yon. Baka hindi na siya nagreply dahil nagmadali na papunta rito?
My smirk widened.
The exhilarating feeling was so contradictory to how I push him every single step he takes closer to me, but it's not like I wanted to feel this elated for him. Kahit ako, naiinis sa sarili na ganito ang nararamdaman. If only I could easily dictate myself to feel indifferent about him, to never trust him, and just completely villainize him, I would have done it a long time ago. It would be easier that way.