Chapter 13
“S-SORRY” nahihiyang hingi ko ng tawad habang nakayuko. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. Sobra akong nahihiya, sa puntong gusto ko nalang na batukan itong sarili ko at magpalamun sa sahig o bigla nalang maglaho ng basta-basta.
Hindi ko makita ang reaksyon niya ngayon dahil nga sa nakayuko parin ako pero kalauna'y nagsalita rin siya.
“Why are you screaming like an idiot?” he seriously asked and that made me flich a little because of the seriousness in his deep voice.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya o magdadahilan nalang ako. If I'll tell him that I'm scared of being alone here, in his big mansion would he possible laugh and make fun of me?
I'm scared of being alone but it'll be more scarier to be judge by someone you barely know.
Humugot ako ng malalim na hininga “U-Uhm a-a-ano kase...” kusang tumigil ang aking bunganga sa pagsasalita. Parang biglang natikom ang aking bibig kaya agad akong nag-angat ng tingin at nakita ko na nakakunot lamang ang kanyang noo at puno ng pagtataka sa kanyang mga mata “M-May g-gumapang k-kase na ano sa paa ko...b-baka anong insekto kaya nagulat ako at napasigaw”
Naging maluwag ang paghinga ko dahil sa idinahilan ko pero alam ko naman na insekto talaga yung dumapo sa paa ko kanina hindi ko lang matukoy kung ano.
Baka ipis.
“At bakit nakapatay yung ilaw?” dagdag na tanong niya.
“Uhm, ahh...ehhh...ihhh”
“o...u?”
Napailing-iling ako “Hindi, ano kase, hindi ko alam kung saang banda yung switch kase ang hirap kapain...sa sobrang laki ba naman ng bahay mo” naiilang na tawang saad ko.
Natahimik siya saglit pero agad din niyang pinunan ang katahimikang namamayani sa pagitan namin.
“Did you resigned to your work?”
“Anong trabaho?”
He rolled his eyes upon hearing my response “Being wedding organizer?” he said full of sarcasm in his voice.
Napatigil ako dahil sa katanungan niya. Huh? Bakit naman ako magreresign? At saan naman niya nakuha yung ideya na iyon? Siguro sa–
“Hindi”
Tumango lamang siya at agad na dumiretso sa single sofa habang sinusundan ko parin siya ng tingin, at para siyang isang hari na umupo sakanyang trono and then he looked at me seriously “So? What are you doing in that restaurant?” he asked sarcastically again. Ako nama'y nakatayo lang habang nakamasid sakanya.
Bakit niya ba tinatanong? Hindi naman sa hindi yun importante pero dapat wala na sakanya yun dahil hindi ko naman ipapahiya yung apelyedo niya e, kaya nga hindi ko sinusuot yung singsing para hindi mahalata.
“Nagtatrabaho” mahinang sagot ko pero muntik nang maging pabalang, mabuti na lamang ay nakontrol ko.
Mas lalo namang bumahid ang kaguluhan sakanyang gwapong mukha “You have two jobs?” he asked confusedly.
Tipid akong ngumiti “Three, actually”
Nakita ko sakanyang mukha ang saglit na pagkamangha pero agad ring napalitan ng pagkaseryoso “And the other one?” pagpapatuloy niya.
“Janitress sa hotel?” I said unsurely because even me I can't understand why he's asking such things.
Bakit niya ba tinatanong? Akala ko ba pinabackground check na niya ako? Di ba dapat lahat ng raket ko ay alam niya para hindi na siya tanong ng tanong?
YOU ARE READING
Married To A Monster
RomanceDevilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap ko ngayon. Joelorie didn't expect that she would encounter a man who'll ask her to marry him right away. She was dumbfounded when she lear...