CHAPTER THREE
BAGO umuwi si Ricardo buhat sa ospital ay naging mapilit ang Mama nito na baguhin ang kaayusan ng silid ng anak ayon sa panlasa ni Laura. Tuwang-tuwa ang matanda sa kinalabasan ng magkatulong nilang pag-aayos sa buong silid.
"Ang ganda, pati na ang kulay ay ang lamig sa
mata," puri nito sa kulay mint green na siya niyang paborito. "Tiyak na matutuwa nito ang asawa mo, hija."
"Hindi po kaya magalit si Ricardo dahil
pinakialaman natin ang disenyo ng silid niya? Alanganing wika ni Laura.
"Magalit siya kung binata pa siya. Pero ngayong may asawa na siya ay kailangang nasa ayos na ang lahat. At saka, Laura, he will love this changes, I'm sure."
Isang ngiti lang ang isinagot ni Laura sa matanda.
DUMATING ang araw na kinatatakutan ni Laura. Ang araw na umuwi si Ricardo galing sa ospital. Alam niyang kailangan niyang kumilos bilang asawa nito at hindi niya alam kung paano. At paano na pagdating sa gabi? Iisa ang silid nilang tutulugan. Paano niya maiiwasan ang bagay na ginagawa ng mag-asawa?
"Gumawa ka na lang ng alibi," ani Clara nang sabihin niya ang problema. "Sabihin mo may sakit ka o kaya... tama! Sabihin mong mayroon ka..."
"Natatakot ako, Clara..."
"Basta sundin mo na lang ang sinabi ko sa iyo," anito na naguguluhan din. Nawala sa isip nito ang bagay na iyon.
T-SHIRTS at walking shorts ang suot niya kapag natutulog pero nag-jogging pants siya ng gabing iyon. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid ni Ricardo. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang tulog na ito.
Walang ingay na kinuha niya ang isang unan at kumot. Sa maliit na sofa na lang siya matutulog. Pinagmasdan niya ang mukha ng natutulog na lalaki. Guwapo ito at nakaaakit tingnan. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Laura bago pumikit.
Nasa kasarapan na siya ng pagtulog nang magising sa marahang paghaplos ng isang palad sa kanyang pisngi. Namulatan niya ang mukha ni Ricardo na halos ilang agwat na lang ang layo sa kanyang mukha. Sa pagkabigla ay napatayo siya kaagad.
"Bakit dito ka natulog?" tanong nito.
"B-baka kasi maistorbo kita sa pagtulog. Okay naman ako dito." Aniya na pinilit ngumiti.
"Paano ka makakatulog ng okay dito gayong nakabaluktot ang ayos mo?" Tiningnan nito ang sofa at pagkatapos ay siya. "Halika na sa kama," hinawakan siya sa kamay.
"D-dito na lang ako..." ani Laura na hindi malaman ang sasabihin. "...ikaw na lang sa kama para... para makatulog ka ng maayos. Isa pa, kagagaling mo lang sa ospital, dapat ay makapagpahinga ka."
Kumunot ang noo ni Ricardo. "Kagagaling ko nga lang ng ospital pero wala naman akong sakit na nakahahawa at..." may kumislap na ngiti sa mga mata nito. "...makakapagpahinga naman ako kahit na magkatabi tayo sa kama, unless may gagawin pa tayong iba bukod sa pagtulog," anito. Sapat para pamulahan ng mukha si Laura.
Tumayo siya at binitbit ang unan at kumot para lumipat sa kama. Nang makahiga siya ay nagkumot at pagkuwa'y tumalikod. Nangingiti namang sinundan na lang siya ng tingin ni Ricardo bago ito sumunod at nahiga sa tabi niya. Hindi na niya alam kung ilang minuto o oras siyang gising at nakikiramdam sa katabi bago hinila ng antok.
WALA na si Ricardo nang magising siya kinabukasan. Kaagad siyang nag-ayos at bumaba. Inabutan niyang nagpapahanda ng almusal si Mrs. Gatchanova sa katulong.
"Mabuti at gising ka na pala, hija. Halika sa may pool at naroon ang asawa mo at si Clara. Doon na ako nagpahanda ng almusal.
Naroon si Ricardo at Clara sa may pool. Nang
makita siya ng lalaki ay hindi na nito inalis ang mga mata sa kanya habang papalapit sila dito. Ibig na naman niyang ma-self-conscious sa pagkakatingin nito.
"Good morning," bati nito sa kanya at pakiramdam niya ay tumalon ang kanyang puso. Isang kiming ngiti lang ang isinukli niya dito.
Naging masaya ang almusal nila dahil na rin sa mga kuwento ni Mrs. Gatchanova at nang matapos silang kumain ay nagpahingang muli sa silid si Ricardo. Sila naman ni Clara ay tinulungang magluto si Mrs. Gatchanova para sa tanghalian.
Naging palagay na rin kahit paano ang loob niya kay Ricardo sa mga sumunod pang araw. Magkatabi sila sa pagtulog pero tulad ng dati ay nakatalikod siya dito. Nagulat siya nang maramdamang hinawakan siya nito sa balikat.
"Laura... natutulog ka na ba?"
"H-hindi pa. May kailangan ka ba?" Kinakabahang tanong niya.
"Ilang gabi na tayong natutulog na magkatabi pero may nakapagitan sa atin. You're my wife, pero nangingilag ka sa akin," sabi nito.
"R-Ricardo..." wala siyang masabi. Paano ba
niyang sasabihin dito na hindi totoong mag-asawa sila?
"I need you tonight, Laura..." anito na nagpabangon kay Laura.
"H-hindi puwede, Ricardo," mabilis niyang sagot.
"Mag-asawa tayo, 'di ba?" anito.
"O-oo, p-pero..." Paano ba niya malulusutan
ang ganitong sitwasyon? Nabigla siya ng halikan siya ni Ricardo sa labi, bago pa siya makapagsalitang muli.
Nahalikan na siya ni Ricardo, ang lalaking pinakasalan niya, pero hindi niya naramdaman ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito na magkalapat ang kanilang mga labi nang totoong Ricardo. Para siyang kinukuryente at daig pa niya ang nalulunod.
Naramdaman niya ang isang kamay ni Ricardo na naglalakbay sa kanyang katawan at parang biglang natauhan siya. Itinulak niya palayo ito sapat upang magkahiwalay ang kanilang mga labi.
"H-hindi talaga p-puwede..." nanginginig ang boses na sabi niya. "M-may b-bisita ako ngayon. Pagsisinungaling niya nang sumilay ang pagtataka sa mukha ng lalaki.
Ilang saglit pa ay tumayo na si Ricardo. "Sige,
matulog ka na," anito at nagtuloy sa banyo. Nagkumot siyang muli at umayos sa pagkakahiga. Pero hindi na siya dinalaw ng antok. Pinakikiramdaman ang lalaki. Napapikit siya nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo at nang mahiga sa tabi niya ito'y minabuti niyang magkunwaring natutulog na.
Kinabukasan ay hindi na niya nagisnan ang lalaki. Nakaalis na ito patungo sa opisina ayon sa mama nito. Pag-aari ng mga Gatchanova ang R.G. Construction Company at si Ricardo na ang namamahala ng buong kompanya mula nang mamatay ang ama nito.
"Iyan ang ayaw ko sa asawa mo, Laura. Masyado niyang ibinubuhos ang sarili sa trabaho," ani Mrs. Gatchanova habang magkaharap sila. "Nakakalimutan na ang sarili. Kaya nga masaya ako nang malamang nag-asawa na siya kahit hindi ako napasabihan."
"Pasensiya na ho kayo, Mama."
"Naku, wala sa akin iyon, ang gusto ko ay
magkaroon ng maraming apo sa inyo ni Ricardo."
Nang bandang hapon ay nagpasama sa kanya ang matanda na mamili at maglibot dahil naiinip daw ito sa bahay. Pagdating nila sa malaking tindahan ay pumasok kaagad sila sa isang boutique at nagulat pa siya nang pamiliin nito. At kahit na tumanggi siya'y nagpilit ang matandang ipamili siya ng mga gamit. Matapos mamili
ay dinala siya nito sa isang kilalang beauty parlor at pinaayusan siya.
Hindi makapaniwala si Laura sa imaheng nakikita niya sa salamin. Bumagay sa kanya ang bagong gupit na buhok na hanggang tenga.
"Wow, you look terrific, hija," ani Mrs. Gatchnova "Come on, puntahan natin si Ricardo sa office niya. Tiyak na magugulat ang asawa mo kapag nakita ka," wika nito na sinamahan siya sa dressing room para isuot ang isa sa mga damit na binili para sa kanya.
Sa Ayala naroroon ang malaking building ng R.G. Construction Company at kahilera ng mga
naglalakihang building din sa lugar na iyon. Pagpasok pa lang nila ay sumaludo na ang guwardiya kay Mrs. Gatchanova. Nasa ika-16th floor ang pinindot ng babaeng nakatalaga sa elevator matapos nitong magbigay galang sa matanda.
Tulad ng sinabi ni Mrs. Gatchanova ay laking gulat ni Ricardo nang makita ang ina at siya.
"Naistorbo ka ba namin, hijo?"
"Hindi naman, Ma," anito pero ang mga mata ay nakatuon kay Laura. Hindi naman makatingin si Laura dito at nahihiya marahil dahil na rin sa nangyari nang nagdaang gabi.
"Naiinip kasi ako sa bahay at nagpasama na ako kay Laura," anang matanda na nasisiyahan dahil tingin nito ay nagulat ang anak sa pagbabagong anyo ng asawa. "Dumaan muna kami sa parlor."
"Maupo muna kayo, Ma, Laura. Magpapa-order ako ng merienda."
"Huwag na at katatapos lang naming mag-snack ni Laura." Naupo ito sa sofa. "Did you like your wife's new look, Ricardo?"
"Of course. She's beautiful," sagot ni Ricardo na ngumiti kay Laura.
"Well, maybe we can dine out tonight. What do you think?" Pinaglipat-lipat ni Mrs. Gatchanova ang tingin sa anak at kay Laura.
UMUWI sila ng bahay para makapaghanda para sa paglabas. Napagkasunduan na susunduin na lang sila ni Ricardo sa bahay mula sa opisina. Napili ni Laura na isuot ang itim na bestida na humahakab sa katawan, naglagay ng manipis na lipstick at kaunting pulbos. lbig niyang ma-conscious sa suot at magpapalit na lang ng iba pero pinigilan siya ni Clara na katulong niya sa pag-aayos.
"Bagay sa iyo at tamang-tama sa isang dinner date. Huwag mo nang palitan."
"Alam mo namang hindi ako sanay sa ganitong
kasuotan... bakit ba kasi ayaw mong sumama?" aniya sa kaibigan.
"Dito na lang ako at isa pa, Laura, kailangang
magsanay ka na. Hindi na ikaw si Laura Santos na tindera ng isda. Ikaw na ngayon si Laura Gatchanova,"
inilabas ang sapatos na nasa kahon at inabot sa
kanya.
"Iyon nga ang nakatatakot. Baka isang umaga
magising na lang ako na... tapos na ang lahat."
Hindi naman kumibo si Clara sapagkat siya man ay natatakot din sa maaaring maging kahihinatnan ng lahat. Sabay pa silang napalingon nang pumasok si Mrs. Gatchanova.
"You look gorgeous in that black dress, Laura,"
anito na lumapit sa kanya. "I'm excited but I don't think na makakasama ako sa inyo. Sumusumpong na naman ang arthritis ko."
"Puwede naman pong hindi na rin kami tumuloy," aniya.
"No. Huwag mo akong alalahanin, ganito lang talaga ang tumatanda," tanggi nito. "Enjoy the night, okay?"
Nang dumating si Ricardo ay nagpalit lang ito ng damit. Bumagay dito ang dark gray na long sleeves na naka-tucked-in sa itim na slacks. Maganda ang pangangatawan nito kahit na na-ospital nang mahigit na isang linggo ay hindi halata.
SA DAD'S siya dinala ni Ricardo. Kauna-unahang pagkakataong nakapasok siya sa ganoong lugar at hindi niya alam kung ano ang dapat na ikilos. Napansin niya ang ilang kababaihan na nakasunod ng tingin sa kanila habang nakaalalay sa kanya si Ricardo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang makaramdam ng pagmamalaki o mahiya dahil pakiramdam niya ay alangan siya sa 'asawa.'
Pinabayaan na lang niya na si Ricardo ang um-order, hindi rin naman niya alam kung ano-ano ang nasa menu.
"You look gorgeous tonight," ani Ricardo nang
titigan siya.
"S-salamat. Iyan din ang narinig kong sabi ng
Mama," sagot niya para mabawasan ang kaba.
"Laura," sumeryoso ang mukha nito. "If you don't mind, gaano tayo katagal na maging mag-nobyo bago magpakasal?" tanong nito na hindi niya inaasahan.
"Mahigit na dalawang buwan," maikli niyang sagot.
"Then we got married? Saan?"
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "S-sa
Zambales. Ang mayor ang nagkasal sa a-atin."
Hindi naman kumibo si Ricardo, tingin niya ay nag-iisip, marahil ay pilit na inaalala ang nakaraan.
"I still can't remember anything," anito mayamaya. "Ang laging bumabalik sa isip ko ay noong college pa ako."
"Huwag mong pilitin ang sarili mo, b-baka
makasama sa iyo," may pag-aalala sa tinig niya,
Ngumiti naman si Ricardo at hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "I want to hate myself for not remembering those beautiful times with you," anito at lihim na nakadama siya ng pagkahiya sa sarili. Naroroon siya at niloloko ang mga taong wala namang ginawa sa kanyang masama at puro kabaitan pa ang ipinakikita.
NAGlNG napakaganda ng gabing iyon para kay Laura. Maalalahanin at nakapa-sweet ni Ricardo. Lalo tuloy siyang naguguluhan.
Hindi niya maiwasang tumugon sa halik nito nang bigla siya nitong yakapin nang nasa loob na sila ng kuwarto. Nakaliliyo ang sensasyong ipinadadama sa kanya ni Ricardo pero sa isang bahagi ng kanyang isip ay naroon ang pag-aalala, lalo na nang bumaba ang labi nito sa kanyang leeg.
"R-Ricardo, h-huwag..." aniya na hindi naman pinansin nito at muli siyang hinalikan sa labi upang hindi na makapagprotesta.
Naramdaman niyang ibinaba ng isang kamay nito ang zipper ng suot niyang bestida hanggang dahan- dahang nahubad ang kanyang suot. Naramdaman niya ang malamig na dapo ng hanging nanggagaling sa nakabukas na aircon, ngunit hindi yata nito kayang patayin ang init na nagmumula sa kanilang katawan.
"Ricardo..." parang may sariling isip ang mga
kamay niya na kusang yumakap sa lalaki.
Napapikit siya ng mariin nang parang multong nakita niya sa isip ang lalaking pinakasalan niya. Para siyang biglang natauhan. Pinilit niyang kumawala sa pagkakayakap ni Ricardo.
"Laura?"
"S-sorry," aniya na nagyuko ng ulo upang hindi
makita ni Ricardo ang mga luhang nagbabantang
bumagsak sa kanyang mga mata.
Hindi na kumibo si Ricardo, tumayo at nagsuot ng roba bago lumabas ng silid. Ibig namang magsisi ni Laura sa nangyari. Natitiyak na niya sa sarili na may nararamdaman siya para dito pero ang nagiging hadlang ay ang patuloy niyang pagsisinungaling. Paano pa niya sasabihin ang totoo ng hindi ito masasaktan o magagalit sa kanya?