Chapter 5

820 14 0
                                    

CHAPTER FIVE

NAGISING siya sa masuyong haplos sa kanyang
pisngi. Noong una'y hindi niya pinansin at tinabig lang ang bagay na humahaplos sa kanyang mukha. Gusto pa niyang matulog pero sadyang makulit ang kung sinuman ang humahaplos na iyon sa kanyang pisngi
dahil bumaba pa ang paghimas nito sa kanyang
dibdib.
"Good morning, sleepy head," nakangiting bati ni Ricardo sa kanya nang magmulat siya ng mga mata. "I thought you're not going to wake up," biro nito pero patuloy sa paghaplos ang kamay sa kanyang katawan.
"A-anong oras na?"
"Sampung minuto bago mag-alas dose," at
hinagkan siya sa mga labi.
"T-teka, tanghali na pala. Bakit hindi ka pumasok sa opisina?" tanong niya at iniwas ang mukha.
"Actually, wala akong balak na pumasok ngayon. I want to stay here with you," may lambing nitong sabi.
Pinamulahan siya ng mukha lalo na nang maalala ang nangyari sa kanila ng sinundang gabi. Nararamdaman pa rin niya ang pananakit ng buong katawan, palatandaan ng pinagsaluhan nilang kaligayahan ni Ricardo.
"You're blushing again," tudyo nito. "Now, can I have my kiss?" anito at siniil siya ng halik sa mga labi at hindi naman ito nabigo dahil sa pagtugon niya sa mainit nitong halik.
Naramdaman niyang naglalakbay na naman ang mga kamay ni Ricardo sa hubad niyang katawan na natatakpan lang ng kumot at wala siyang balak pigilan ang lalaki sa ginagawa. Manapa'y yumakap siya dito ng mahigpit.
"I love you," sigaw ng isip niya.
Muli na naman niyang nararamdaman ang kuryenteng nanunulay sa kanyang katawan dulot ng mga haplos, halik at yakap ng lalaking sigurado na niya sa sariling minamahal niya.
Nang mula pinto'y sunod-sunod na katok ang
narinig nila.
"M-may kumakatok..." aniya ngunit hindi pinansin ni Ricardo at patuloy sa ginagawang paghalik sa kanya. Patuloy rin ang mga katok sa labas ng pinto. Kumawala siya. "Ricardo, baka importante ang kailangan ng nasa labas..."
Napabuntong-hininga si Ricardo at nagtapis ng tuwalya at binuksan ang pinto. Makalipas ang ilang sandali'y muli itong nagbalik subalit nagtuloy sa banyo at naligo. Sa pagtataka'y napabangon siya at isinuot lang ang roba.
"May problema ba?" Nagtatakang tanong niya sa lalaki nang lumabas ito buhat sa banyo at nagsimulang magbihis.
"Hindi naman gaano. I'm sorry, hon, pero may ilang bagay lang akong dapat na asikasuhin ngayon pero promise, maaga akong uuwi at sabay tayong magdi-dinner," anito na lumapit sa kanya, kinawit siya sa beywang at hinalikan sa labi.
"Mamaya na lang tayo mag-usap. I have to go. Naghihintay na ang Mama sa labas," at lumabas na ng kuwarto.
Nagtataka siya dahil mukhang napaka-importante ng lalakarin ni Ricardo at kasama pa ang Mama nito. Nag-aalala siya pero hindi naging hadlang iyon para maging masaya siya ng buong araw na iyon at hindi nakaligtas kay Clara ang lahat.
"Mukhang masaya ka," puna ni Clara ng
magpahangin sila malapit sa pool.
"Hindi ko alam kung paano ilalarawan ang
nararamdaman ko ngayon, Clara," aniya sa kaibigan na tila nangangarap.
"Si Ricardo ang dahilan, ano?"
"Ngayon ko lang naramdamang lumigaya ng ganito, Clara."
"Masaya ako para sa iyo, Laura, pero natatakot
din ako sa maaaring mangyari," seryosong sabi ni
Clara.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Bigla siyang
nakaramdam ng takot sa sinabi ng kaibigan.
"Huwag mong ibuhos masyado ang damdamin mo kay Ricardo dahil baka masaktan ka lang sa bandang huli."
"Natatakot din ako pero hindi ko kayang
paglabanan ang nararamdaman ko para sa kanya," aniya na may namuong luha sa mga mata.
"Kung ganoon, kailangang ipagtapat na natin sa kanila ang totoo," suhestiyon ni Clara. "Tingin ko ay tuluyan nang naglaho ang lalaking pinakasalan mo."
"A-ayokong magalit sila sa akin, lalo at higit si
Ricardo."
"Ano ang plano mo? Ipagpatuloy ang pagsisinungaling?" ani Clara. "Paano kung dumating ang oras na bumalik na ang lahat ng alaala ni Ricardo?"
"Hindi ko alam, Clara," naguguluhang sabi niya. "Sa ngayon, masaya ako at bahala na..."
Walang masabi si Clara. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil siya ang nagturo dito para magkunwari na ang tanging layunin lang niya ay makatulong sa paghahanap sa lalaking nanloko dito. Hindi niya inaasahang aabot sa ganito ang lahat. Hindi pa man ay natatakot na siya para sa kaibigan.

TUMULONG siya sa paghahanda ng hapunan nila ng gabing iyon. Ngunit tulog na ang mga katulong ay hindi pa rin dumarating si Ricardo at ang mama nito. Nag-aalala na siya. Si Clara naman ay panay ang pilit na kumain na siya pero gusto niyang hintayin ang asawa.
Napagpasiyahan niyang manood na lang muna ng TV sa kuwarto nila habang hinihintay ang pagdating ni Ricardo. Hindi na niya namalayang nakatulog na siya.
Nagising siya nang maramdamang may humalik sa kanyang noo.
"Ricardo!" gulat niyang sabi ng makita ang lalaki.
"Good evening or rather good morning, hon,"
nakangiting sabi nito na tingin niya ay pagod ang
hitsura.
"S-saan ba kayo galing ng M-Mama?" tanong niya na hindi napigilan ang sarili.
"May inasikaso kami," sagot nito na naupo sa tabi niya at pagod na hinimas ang batok. "Napasok na naman sa gulo si Wilfred," anito.
"Wilfred?" takang tanong niya na inabot ang batok nito at sinimulan niyang masahiin.
"Hmm..." napapikit si Ricardo. Naibigan nito ang masuyong haplos niya. "...I like that, hon. Nakakawala ng pagod," anito.
"Sino ba si Wilfred?" muli niyang tanong.
"He's my brother," sagot ni Ricardo na ikinagulat nito.
"M-may kapatid ka?" tanong niyang muli at hindi niya maintindihan kung bakit nakadama siya ng kaba.
"Adopted brother ko lang si Wilfred. Pero
laging sakit ng ulo ang hatid dito sa bahay," ani Ricardo na hindi napansin na natigilan siya. "Ang Mama lang ang inaalala ko. Alam kong kahit papaano mahal niya si Wilfred. Pero hindi na yata talaga magbabago ang kapatid kong iyon."
"M-matagal na ba siya sa ibang bansa,"
kinakabahang tanong niya. May hinalang ibig
bumangon sa kanyang dibdib.
"Kung saan-saan naman nagpupunta iyon. Wala na nga kaming balita. Kung hindi pa sinabi ni Arvie na nagkita sila sa L.A.," anito na inabot ang kamay niya at masuyong hinalikan ito.
"Kumain ka na ba?" tanong niya upang mawala
ang agam-agam na nararamdaman.
"Kanina nagyaya ang Mama, pero hindi ako
makakain," anito na hinalikan ang palad niya. "I'm hungry but I don't want anything. I just want you," anito.
Nangiti si Laura. Kahit papaano ay nababawasan ang pag-aalala niya, lalo at naglalambing si Ricardo. "Mamaya na lang. Hindi pa rin ako kumakain dahil hinihintay kita," aniya dito at tumayo na sa pagkakaupo at hinila sa kamay si Ricardo.
"Puwede bang mamaya na lang tayo kumain. Mas gusto kong ikaw na muna ang kainin," anito na ngumiti sa kanya.
"Hindi puwede," nakangiti niyang sagot. "Dahil nagrereklamo na ang tiyan ko."
"Okay, okay," anito na tumayo na. "You're the
boss," at inakbayan siya nito.

NAGING masaya ang mga sumunod na araw na magkapiling sila ni Ricardo. Nawala na sa isip niya ang tungkol sa binanggit nitong kapatid. Malaki ang naging pagbabago ng pagsasama nila ni Ricardo at alam niyang napapansin iyon ng mama nito at alam din niyang nasisiyahan ang matanda.
Masaya silang nagswi-swimming ni Ricardo habang pinanonood sila nina Mrs. Gatchanova at Clara. Para silang batang naghahabulan at nagsasabuyan ng tubig. Si Clara ay natutuwa para sa kaligayahan ng kaibigan at dalangin niya ay huwag ng matapos ang lahat.
"Aba, kailan n'yo ba ako balak na bigyan ng apo?" natatawang birong-totoo ng matanda ng magkakaharap na silang nagmemeryenda.
"Huwag kang mag-alala, Ma. Malapit na,"
sumulyap sa kanya si Ricardo at kinindatan siya.
"Dapat lang," ani Mrs. Gatchanova sa anak. "Gusto ko sana bago lumabas ang apo ko ay makasal na kayo sa simbahan."
"Well, iyan ang balak ko," ani Ricardo na
hinawakan ang kamay ni Laura na natigilan at lihim na napasulyap kay Clara na hindi na rin nakapagsalita. "Isa pa, gusto kong pumunta sa Zambales para naman makilala ko ang mga biyenan ko," anito na hindi napapansin ang pananahimik niya.
"I love the idea, hijo," masayang sabi ng matanda na bumaling kay Laura. "What do you think, hija," anito sa kanya.
"Ho!" nagulat siya. Siniko siya ni Clara. "Ah, si Ricardo po ang masusunod—kung ano ang m-mainam," natitilihan niyang sagot.
"Oh, I'm so excited," ani Mrs. Gatchanova. "Maybe after my birthday next month. We can start preparing for your grand wedding."
Inakbayan naman siya ni Ricardo at pinilit niyang ngumiti upang hindi makahalata ang mga ito na malaking problemang kinakaharap niya.
"HONEY, kailan mo balak na dumalaw tayo sa
Zambales?" tanong ni Ricardo hahang nagbibihis ng pantulog.
Hindi naman makasagot si Laura. Kailan nga ba? ang umuukilkil sa isip niya.
"Hon?' Nagtatakang lumapit sa kanya sa kama
ang lalaki. "Is there any problem?" May pag-aalala sa tono nito.
"Ha? W-wala," sagot niya na ngumiti. "Masaya
lang ako. Kaya lang—" Nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya ito. "—kaya lang, mahirap lang kami. K-kubo lang halos ang tinitirhan namin," aniya dito.
Ngumiti si Ricardo. "Akala ko naman kung ano
na ang pinoproblema mo," anito. "Honey, wala sa akin kahit ikaw pa ang pinakamahirap na tao sa mundo. Hindi matapobre ang pamilya Gatchanova," niyakap
siya nito. Tutulungan natin ang pamilya mo sa
Zambales. Mag-asawa na tayo. Kaya pamilya ko na rin sila."
"S-salamat,' aniya. Umaapaw ang puso sa
kagalakan. "Pero hindi ka pa lubusang magaling, hindi ba?"
Nagkibit-balikat lang ang lalaki. "Maaaring may mga bagay akong hindi maalala pero ang sabi naman ng doktor, in due time ay babalik din ang lahat," anito na hinalikan siya.
"Hindi ba mainam na gumaling ka munang lubusan bago... bago tayo magpakasal sa simbahan?" ani Laura na nagsisimula na namang madala sa halik ng lalaki.
"Hindi ko na mahihintay iyon," anas ni Ricardo. "Gusto ko na ring makasal tayo sa simbahan para aking-akin ka na talaga at wala nang makakaagaw pa sa iyo."
Wala nang nasabi si Laura lalo na ng ihiga na siya sa kama ni Ricardo. Paano ba niya matatanggihan ang lalaking minamahal? Handa siyang sumunod at magpaalipin dito makapiling lamang ito habang siya ay nabubuhay.

SUMAMA sila ni Clara na mag-grocery. Pagdating sa bahay ay naroroon na si Ricardo at inabutan niya itong kausap sa salas si Arvie.
"Hon, nandiyan ka na pala," anito nang makita siya. Tumayo ito at sinalubong siya para halikan. "Arvie is inviting us to her party," anito na nakangiting tumingin sa babae.
Ngumiti naman si Arvie sa kanya pero halata niyang pilit lang. "'Yah and I hope you two could come," anito.
Isang pilit na ngiti din ang iginanti niya sa babae, pagkuwa'y nagpaalam na. "Sige, maiiwan ko na muna kayo. Maghahanda lang ako ng hapunan," aniya na tumalikod na.
"Nagseselos ka doon, ano?" Tudyo sa kanya ni
Clara ng pabagsak niyang ilapag ang dala-dalang bag. Hindi niya pinansin ang kaibigan.
"Ang ale, nagseselos," tudyo pa rin nito na kiniliti siya sa tagiliran. "Uyy..."
"Clara, ano ba?" Ibig niyang magalit pero natatawa siya sa pagiging kenkoy ng kaibigan. Kaya sa halip na mapasimangot ay napangiti siya.
"Siya nga pala, kailan mo ipakikilala si Ricardo sa inyo?" anito ng nagsisimula na silang magluto ng hapunan.
"Iyan nga ang malaki kong problema," ani Laura.
Napatango-tango na lang si Clara. Maging ito ay namomroblema para sa kaibigan.
Hindi kaagad umalis si Arvie. Doon na rin ito
naghapunan sa kanila. Lihim namang naiinis si Laura sa babae dahil tingin niya ay panay ang hawak nito sa kamay ni Ricardo. Kung puwede nga lang na tabigin niya ay ginawa na niya. Pero alam niyang kabastusan iyon.
May sinabi si Arvie kay Ricardo na ikinatawa nito ng malakas at pagkuwa'y natigilan ang lalaki at nasapo ang isang kamay sa noo.
Sabay pa sila ni Arvie na napatayo sa pag-aalala sa lalaki.
"Ricardo, what happen?" Nasa tinig ni Arvie ang pag-aalala at marahang hinimas ang ulo ng lalaki.
"May masakit ba sa iyo?" Higit ang pag-aalala sa boses ni Laura.
"No. Parang may bigla lang akong naalala... pero malabo," anito na inabot ang kamay niya. "Don't worry, honey. I'm okay," nakangiting sabi nito.
Nakahalata naman si Arvie at bumalik na ito sa
kinauupuan.
"Hijo, ipatatawag ko si Dr. Nepomuceno," anang mama niya.
"Huwag na, Ma," tanggi ni Ricardo. "Wala na ang sakit ng ulo ko," ngumiti ito at pinisil ang kamay niya.
NAKAUPO siya sa kama habang ang ulo ni Ricardo ay nakapatong sa kandungan niya. Marahan niya itong minamasahe.
"Kaninang sumakit ang ulo ko, may mga naalala ako pero malabo," anito. "Alam mo, honey, gusto ko nang bumalik ang lahat. Gusto kong maalala kung paano tayo nagkakilala at ang masasayang sandaling magkasama tayo bago ako naaksidente." Kinuha nito ang kamay niyang nagmamasahe sa noo at ipinatong iyon sa dibdib.
"I love you, hon," mahinang sabi nito. Pero
napakalakas na dumating sa pandinig niya. Noon lang iyon nasabi sa kanya ni Ricardo at gusto yata niyang maiyak sa kaligayahan.
"A-ano ang maaaring maging dahilan para mahalin mo at k-kamuhian ang isang tao?" Hindi niya malaman kung bakit lumabas ang tanong na iyon sa kanyang bibig.
"Hindi ko alam kung paano. Basta ang alam ko ang nararamdaman ko para sa iyo ay espesyal. May mga babaeng nagdaan sa buhay ko, pero iba ka sa lahat. Basta nagising na lang akong mahal na mahal na mahal na kita," anito na tumingin sa kanya.
"Talaga?" nakangiting sabi niya.
"Oo naman," anito. Pagkuwa'y sumeryoso ang
mukha. "Ang dahilan naman para magalit o mamuhi ako sa isang tao ay kapag siguro, niloko ako."
Natigilan si Laura. Nawala ang ngiti sa mga labi dahil sa sinabi ni Ricardo. Kapag niloko ako...."
"Ikaw, hon," anito. "Gaano mo ako kamahal?"
tanong naman nito.
"Mahal na mahal...'' may lungkot sa boses na sagot niya. "Ewan ko kung gaano. Basta ang alam ko ikaw ang aking buhay at kung wala ka, hindi ko alam..."
Hinawakan siya sa batok ni Ricardo at kinabig
upang siilin ng halik. Halik na nakapagpapalimot ng lahat ng kanyang alalahanin. Halik na babaunin niya lagi sa alaala kapag natapos na ang lahat.

Sinungaling Mong Puso - Jennie RoxasWhere stories live. Discover now