Wakas

934 15 0
                                    

Are the waves really the most arduous to chase?

I was only twelve years old when the couple decided to bring me with them and offered me something that could financially help me. Tinanggap ko kaagad iyon dahil alam kong malaking oportunidad na iyon para sa akin.

"Yuna will like him for sure!" said the old lady, Mrs. Bethany Zeigler's mother. "Napakaguwapong bata ba naman at halatang mabait!"

It was a great feeling because they accepted me with all their hearts. Wala silang pakialam kung wala akong pamilya, at kung sa bahay ampunan lamang ako nanggaling, at ang mga madre lamang ang nagpapaaral sa akin kasama ko ang iba pang mga bata na wala ring mga magulang. I was lucky because I was given an opportunity.. like this. Sila iyong masasabi ko na mayaman, pero hindi matapobre.

"Carolina, this is Ryder Nathaniel Riydh."

Ipinakilala ako sa isang batang babae. Hindi ko alam kung ka-edad ko ba, pero sa palagay ko ay mas bata pa ito sa akin. She looks like a spoiled brat. Nakasalubong ang kanyang mga kilay at matalim ang kanyang tingin sa akin.

"He will be staying here with us from now on, Carolina," Mr. Zeigler said.

"No, daddy! He looks so dirty and so.. so ugly! I don't like him!"

Unang kita niya pa lang sa akin, alam ko na kaagad na hindi niya ako gusto, na ayaw na ayaw niya talaga sa akin. Madalas ang pagkikita namin simula noon dahil sa kanilang mansyon na ako tumutuloy ngunit hindi rin naman naging madali ang lahat dahil pinagtratrabahuhan ko naman ang lahat. I am helping Mr. Zeigler with his paperwork sometimes, iyon kasi ang hiningi niya sa akin at tinuruan niya naman ako kung paano gawin iyon.

As the years pass, ramdam ko ang galit sa akin ni Euxine Carolina Scarlet. Sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa ay palaging matalim na tingin ang pinupukol niya sa akin. I also caught her sometimes putting something in my bag. Nagugulat na lamang ako minsan na may mga bato na ang loob ng bag ko kapag pumasok ako sa paaralan.

"President, may nagugustuhan ka bang babae?"

One of my classmates asked me that. Hindi ako sumagot pero nag-angat ako ng tingin at saktong dumapo ang aking mga mata sa gawi ni Scarlet na kasama niya ang kanyang mga barkada. Narinig ko kaagad ang hagalpak ng tawa ng mga kaklase ko at lahat sila ay ngumisi sa akin.

"Hoy, pres, hard pass ka kay Yuna! Spoiled brat 'yan at dami nang lalaki niyan! Huwag kang dumagdag sa listahan ng mga lalaki niya!" sabi ni Joyce.

Kumunot ang noo ko. Alam ko naman iyon, grade seven pa lamang si Yuna ay alam ko na ang kanyang dating sa mga lalaki. Papalit-palit siya ng boyfriend, at iyong mga barkada niya naman ay mukhang natutuwa pa at parang nagugustuhan siya na ganoon siya. A real friend shouldn't tolerate your wrongdoings. Ang tunay na kaibigan ay tinatama ang kanilang kaibigan, hindi kinukunsinti.

Noon pa man, alam ko na talaga na hindi magiging maganda ang dulot ng kanyang mga barkada sa kanya. I don't want to judge them because I don't know their stories, pero kahit baliktarin man ang lahat, mali pa rin na kinukunsinti nila ang kanilang kaibigan sa maling gawain.

If I were given a chance to be one of Yuna's boyfriends, babaguhin ko talaga ang pananaw niya sa lahat kaso.. hindi niya pala ako gusto. Kalat na kalat na iyong pag-ayaw niya sa akin at pandidiri niya sa akin. She's always bullying me, throwing trash on my face, at kung ano-ano pa pero hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko siya. Parang ako naman itong may mali dahil hinahayaan ko rin siya na gumawa ng masama sa akin.

"Pres! Nakita ko si Yuna, iba naman ang kasama! Maghanap ka na lang ng iba, pres, mukhang wala kang pag-asa roon!"

Tahimik na tiningnan ko lamang ang batchmate ko. I did not actually say in front of other people that I like her, pero kumalat pa rin talaga iyon.. hindi ko alam kung paano nalaman iyon ng lahat. It just spread like a virus. Ayaw ko sanang ipaalam iyon, pero siguro.. halata sa akto ko na may gusto nga ako sa kanya.

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now