Sa panig ni Jamaica, JC, Gwen, Reymart, Christlee, David at Vickie ay nasa loob parin sila ng science laboratory. Dalawang araw na silang nasa loob ng laboratory.
Vickie: Wala ng lamang pagkain ang bag ko.
Reymart: Kailangan na nating umalis dito.
David: Paano sir? Marami pa rin ang nasa labas.
Reymart: Sige isipin mo david, mamamatay lang din tayo dito sa gutom. Mas mabuting lumaban tayo!
David: Sige umalis kayo, magpapaiwan ako dito.
Christlee: Paano tayo lalabas? Marami pa rin ang mga infected sa labas.
Habang nag-uusap sila ay biglang may sumabog ng malakas sa labas at putok ng mga baril.
Sa panig ni Allen, Christian Augusto, Zwyn Baguio, Janel Taneo, Van Lynnard Talledo, Abegail Cabardo at ang kanilang guro na si Rina Quiapo ay nasa labas sila ng simbahan at papunta sa sports complex. Binaril ni Allen ang mga infected gamit ang revolver habang si Zwyn at Van Lynnard ay may dalang martilyo at ginamit na pang sandata. Habang ginagamit ni Allen ang baril ay nabaril niya ang tanke at ito ay sumabog. Natumba sila sa lakas ng impact. Ilang minuto ang lumipas ay tumayo agad sila at pumunta sa sports complex. Pagpunta nila doon ay lock ang pinto ng sports complex. May huling anim na bala pa si Allen kaya ginamit niya ito. Tagumpay silang nakapasok sa complex at sinaraduhan nila ang pinto. Ginamit nila ang mga upuan at kahoy na nasa loob ng complex at pinagpatong patong sa pinto.
Janel Taneo: Makakapasok pa ba sila niyan?
Rina Quiapo: Hindi ko alam.
Allen Supremo: Pasensya na kayo sa ginawa ko.
Rina: Ok lang yun. Everyone may selpon ba kayo?
Abegail: Meron ako ma'am pero mahina yung signal.
Rina: Akin na.
Binigay ni Abegail ang cellphone niya sa teacher niya. Tinawagan ni Rina ang kanyang kapatid at sa kabutihan ito ay sumagot.
Rina: Hello! Hello! Rhea!
Rhea: Ate! Buti ligtas ka ate! Nandito kami ngayon sa isang bahay kasama ko si Nash. Ate ano ba ang nangyayari?
Rina: Hindi ko alam, basta wag kayong lumabas sa bahay ok? Bigay mo ang cellphone kay Nash.
Binigay ni Rhea ang cellphone kay Nash.
Nash: Hello tita, tita natatakot po ako.
Rhea: Nash sumunod ka sa ate mo, wag kang matakot pinoprotektahan ka ng ate mo.
Biglang nawala ang signal at naputol ang kanilang usapan.
Rina: Shiit! Fuck!
Tumingin lahat ng mga estudyante kay Rina.
Rina: I'm sorry.
Allen: Damn.
Balik sa panig ni Jamaica, Reymart, Gwen, JC, Christlee, David at Vickie.
JC: Umalis na sila. Pwede na tayong umalis.
Umalis at lumabas na sila sa laboratory. Tagumpay din silang nakalabas sa campus at dumaan sila sa Gate 1. May nakita silang Van at pumunta sila dito. Pinaandar nila ang Van at umalis. Ang kanilang direksyon ay papunta sa Roro Port. Habang papunta sila sa Roro ay may nakita silang bus na natumba at humarang sa dinadaanan nila. Bumaba si JC upang tingnan ang bus. Nakita niya sa loob ang mayor ng cordova at bumalik sa loob ng van.
Gwen: Anong meron sa loob?
JC: Infected na ang mayor.
Nagpatuloy sila sa kanilang pagbiyahe at dumaan sila sa ibang direksyon o dumaan sila sa kaliwa. Nagpatuloy ang biyahe nila hanggang lumipas ang dalawang araw ay nakarating sila sa CCLEX bridge. Nasa toll fee area sila huminto dahil marami ang mga kotse na nakaharang.
David: Bakit walang mga infected dito?
JC: Delikado dito baka biglang lumabas ang mga infected.
Reymart: Nandito na tayo, bawal na tayong umalis.
Hinanda nila ang kanilang mga sandata na mga baseball bat, golf clubs at martilyo. Habang naglalakad sila sa bridge ay may narinig silang sigaw ng babae na nanghihingi ng tulong. May nakita silang babae sa itaas ng truck at ito ang kaklase nila na si Alliya. Pinatay ni Reymart at David ang dalawang infected. Bumaba si Alliya at may sinabi sa kanila.
Alliya: Iniwan nila ako.
Gwen: Sino?
Alliya: Sila Cherlene, Ken, Psalm, marami sila.
Reymart: Saan sila pumunta?
Alliya: Sa SM Seaside.
Reymart: Ano naman ang gagawin nila doon?
Alliya: May mga rescuers daw doon. Sa rooftop dalawang helicopter.
David: Bakit ka nila iniwan?
Alliya: May bumangga sa akin na isang infected. Hindi nila ako tinulungan.
Reymart: Pupunta tayo sa seaside.
BINABASA MO ANG
Farlight
Fiksi IlmiahAng kwentong ito ay tungkol sa mga estudyante na kailangan makasurvive sa isang apocalypse. Ang makakalaban nila ay mga infected, tao at mga iba pang halimaw. May plot twist ang kwentong ito! Alternate Version ito ng Forever Painful. Ang section ng...