Kabanata 4: Biglaan

7 0 0
                                    


Nasa loob SM Seaside sina Nino, Justine, Aldred, Althea, Ken, Cherlene, Psalm. Sa loob ay maraming infected. Nasa third floor sila sa parking lot. Si Justine at Aldred ay nasa loob ng isang sasakyan. Si Ken, Cherlene at Psalm naman ay nasa ilalim ng iba't ibang sasakyan. Si Althea at Nino ay nasa loob ng isang truck.

Althea: Paano tayo makakaalis dito?

Nino: Hindi ko alam.

May nakitang screwdriver si Ken at lumabas sa ilalim ng kotse at dinala ang screwdriver gamit panlaban sa mga infected. Dahan dahan siya sa paglalakad at pinatay ang isang infected na nakatalikod.

Psalm: Saan siya pupunta? (mahinang boses)

Cherlene: Hindi ko alam. (mahinang boses)

Nakita ni Ken na maraming infected sa loob ng bookstore sa third floor. Kaya bumalik siya at pumunta kay Justine at Aldred. Narinig ni Justine at Aldred ang mga tunog ng mga infected.

Justine: Ano yun? Anong nangyayari sa labas?

Binuksan ni Ken ang pinto ng van at lumabas si Justine at Aldred.

Aldred: Paano mo ginawa yun?

Ken: Ang alin?

Aldred: Pinatay mo sila gamit niyan?

Ken: Oo.

Justine: Si Nino, Althea nasan sila?

Ken: Wait lang, hindi ko sila pinatay lahat, may marami pa sa ibang area. Dahan dahan lang tayo sa pagkilos.

Habang dahan dahang silang kumikilos ay may nakita silang patay na security guard na may baril. Kinuha ni Ken ang baril at binigay ni Aldred at sinabing "marunong ka gumamit nito diba?". Sagot naman ni Aldred ay "Hindi masyado". Patuloy sila sa pagkilos, si Ken ang nauuna, sunod si Aldred at nasa likod si Justine. Biglang napatigil si Ken sa dami ng infected. Sinabi ni Ken na doon nalang sila dumaan sa ibang direksyon. Sa panig ni Psalm at Cherlene ay nasa ilalim parin sila ng kotse. Lumabas si Psalm at Cherlene. May nakitang crowbar si Psalm at kinuha niya ito.

Sa panig naman nila Aldred, Ken at Justine ay nakita nila si Nino at Althea. Nakita at tinandaan kasi ni Aldred kung saan silang truck pumasok.

Nino: Maw, si Cherlene at Psalm?

Ken: Nandon tara balikan natin.

Bumalik sila sa lugar kung saan nagtatago sina Cherlene at Psalm. Pagbalik nila doon ay wala na silang dalawa.

Justine: Bwesit silang dalawa! Bakit sila umalis?

Althea: Iniwan mo sila no?

Ken: Hindi.

Nino: Pumunta na tayo sa rooftop.

Nakarating na silang lima sa rooftop at nakita nila doon si Cherlene at Psalm.

Ken: Bakit kayo umalis?

Psalm: Iniwan mo kami, eh ikaw tong unang umalis!

Ken: Dapat hindi kayo umalis!

Psalm: Tapos ano? Magiging statwa kami don? At paano namin masisigurado na talagang makakabalik ka? Oh diba? Wag mo kaming sabihan na maghintay kami sayo! Gago!

Justine: Tama na nga yan! Ang importante nandito na tayo!

Cherlene: Bakit wala pa ang mga helicopter?

Nino: Guys harangan muna natin ang mga pinto para walang maka pasok na infected.

Ken: Sige.

Sinaraduhan at hinarangan nila ang mga pinto gamit ang mga mesa at silya. Ilang minuto ang lumilipas ngunit hindi pa rin dumarating ang dalawang helicopter. Umupo sila sa mga upuan at may kasamang mesa at nag-usap.

Cherlene: Sure ba talaga to na may darating? Isang oras na tayo dito.

Justine: Baka na delay lang sila inday.

Psalm: Wala tayong magagawa kundi maghintay.

Aldred: Bwisit na buhay to.

Ken: Basta't sama sama lang tayo at magtulungan.

Althea: Hindi kaya.

Aldred: Paano kung hindi sila dumating?

Psalm: Awh, patay. Patay talaga tayo.

Dumating na ang gabi at natulog sila sa rooftop ng SM Seaside. Si Justine ay hindi makatulog dahil sa lamig. Umupo nalang siya at nakatingin sa tanawin at CCLEX. Nakita siya ni Cherlen kaya nag-usap sila.

Cherlene: Malamig no?

Justine: Oo, hindi rin ako makatulog may salot kasi.

Cherlene: Salot? Sino?

Justine: Si Ken.

Cherlene: Si Ken? Bakit?

Justine: Wala lang, nakakainis.

Cherlene: Mas isipin natin kung paano tayo makakaalis.

Justine: Yup, by the way dimo ba namimiss mga magulang mo?

Cherlene: Namimis, kaya nga di rin ako makatulog eh.

Justine: Hindi ko talaga kaya matulog, marami akong iniisip.

Cherlene: Sige.

Kinabuksan alas siyete ng umaga, habang natutulog sila ay biglang may tumunog na siren alarm. Nagising sila sa lakas nito.

Aldred: Ano yun?

Nino: AHH muntik na akong maging bingi!

Biglang may nag announce na pasasabugin ang buong cebu ng nuclear bomb. Nagulat at nabigla sila sa kanilang narinig na mensahe. Ang mga jet fighters ay pupunta sa Cebu at pasasabugin ang buong siyudad sa oras ng alas singko ng hapon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FarlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon