Chapter 15: The Jamming Day Pt. 3

12 5 0
                                    

CHAPTER 15: THE JAMMING DAY PT. 3

Racey Grace Molina

"Alam mo kung anong name ng section natin?", tanong ko kay Aileen kaya sinamaan niya ako ng tingin. Iyong section ng Vivaldi ay nag-perform ng modern version nila ng Romeo & Juliet. Idinaan din nila sa parang pagpapatawa iyong performance nila kaya hindi boring panoorin.

"Nakaka-distract ka ah, jinu-judge ko iyong performance ng ibang section eh.", aniya kaya muntikan pa akong matawa.

"Rachmaninoff iyong atin.", sagot niya sa tanong ko kaya tumango nalang ako.

Sumunod naman ay iyong Section Mozart. Sila iyong theme ay kpop. Parang vampire at werewolves iyong vibes ng performance nila. May kagatan pa ngang naganap eh. All in all, ay maganda iyong performance ng dalawang section.

"Alin iyong mas gusto niyo? Iyong una o pangalawa?", tanong sa amin ni Leigh. Si Leigh ang katabi ni Aileen. Habang katabi naman ni Leigh si Arin na siyang katabi ni Demi at nasa may end naman si Sally.

After ng intermission ay maghahanda na rin kami. May taga-Vivaldi ang nag-perform ng ballet. Tatlo sila at mahahalata mo talagang mga ballet dancers ang mga ito. Dati ay gusto ko rin maging ballerina pero sabi ni Mommy baka mahirapan lang daw ako kaya iyon. 

Niregaluhan niya ako ng guitara noong bata pa ako habang si Daddy naman ang nagturo sa akin na mag-gitara. Habang si Mommy naman ang nagturo sa akin mag-piano. Saka ko nga lang na-realize ngayon na parang parehas pala silang mahilig sa music. Kaya hindi na nakapagtataka na naisipan nilang gumawa ng ganitong camp.

Pagkarating naman namin sa backstage ay nagkanya-kanya na kaming nagsibihis. Iyong iba ay inuna muna ang pagm-make up. Nagbihis lang ako ng kulay puting flowy na dress. I did my make up pero hindi naman ganun ka kapal saka minimal lang naman. Lumapit naman ako kay Arin.

"I look okay, right?", tanong ko sa kanya at tumango naman ito.

"Let me braid your hair.", aniya kaya brinaid niya naman ang buhok ko. Hindi ganun kahigpit dahil sa tatanggalin ko lang din naman ito mamaya.

Hindi ko alam pero nagsimula naman akong kabahan. I suddenly feel agitated. Bahagya pa ngang nanginginig ang kamay ko. Naglalakad ako papunta kina Aileen nang mabunggo ako ng kung sino.

"Hey", napatingin naman ako dito at nakitang si Vaughn pala ito. Nakahawak iyong isang kamay niya sa balikat ko habang iyong isa naman ay sa kabilang braso ko.

"Sorry", hinging paumanhin ko sa kanya kaya tumango naman ito. Muli niya namang tinanggal iyong iilang hibla ng buhok ko sa mukha saka ito inipit sa may tenga.

"You guys really like doing that.", sabi ko sa kanya kaya bahagya itong natawa.

"Don't be too nervous.", pabulong niyang ani kaya tumango naman ako. Tiningnan ko naman ang mukha niya at mukhang ang kalmado lang ang isang ito. Muntikan na ako mapasanaol.

"You look good.", biglang sabi ko nalang kaya napangiti ito.

"You look beautiful as well.", aniya habang binubulong ito sa tenga ko. Nahigit ko nalang tuloy ang hininga ko saka napalingon sa iba at buti nalang ay meron silang pinagkakaabalahan.

"I gotta go, Vaughn.", sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Pinadausdos niya naman ang kamay niya sa braso ko papunta sa kamay ko. We almost intertwined our fingers buti nalang ay lumayo ako nang bahagya.

"Good luck, Racey Grace.", aniya kaya tumango ako saka siya iniwan.

Hindi na ako nakapagsabi ng good luck dahil halata namang hindi niya na iyon kailangan. Nakita ko namang nakangisi si Sally habang papalapit sa kanila. Siya lang ata iyong nakakita sa amin. Kumanta naman ito ng 'I know what you did last summer' kaya iningusan ko nalang ito.

Melodial Summer Camp: The BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon