Nasa cafeteria kami ngayon kasama ang mga kaibigan ko – si Iris, Zephyr, at Xander. Habang nagtatawanan sila at nagkokwentohan, hindi ko maiwasang tumingin Kay Xander.I looked at him and i couldn't help myself from admiring him. His smile, his eyes, the way he laughs – all of this strengthens my feelings for him
“Hoy Celestine! Saan ka ba nakatingin?” tanong ni Iris sa akin
“N–nasaan na ba yung order natin?” palusot ko na lang
Tumawa si Zephyr at sinabi “Relax, Celestine. Nag-order pa lang si Xander. Baka gusto mong samahan siya?”
Napalunok ako sa sinabi ni Zephyr. Gusto ko, pero hindi ko magawa, “Hindi, okay lang ako dito”
Nakita ko si Xander na papalapit na sa amin, hawak hawak ang tray ng mga inorder na pagkain.
His smile was infectious, lighting up his face, making my heart flutter. Kahit palagi ko naman siyang nakakasama, hindi pa rin ako nasasanay. There's something about him that always leaves me in awe.
“Sorry guys, ang tagal ng pila” sabi niya niya habang inilalagay ang tray sa mesa.
“No worries, Xander. Hindi naman kami nagmamadali” sagot ni Iris. Alam ni Iris ang nararamdaman ko para kay Xander, at lagi niya akong sinusoportahan
Tumingin si Xander sa akin at ngumingiti. “Ikaw, Celestine? Okay ka lang ba?”
I felt my cheeks heat up. “O-okay lang ako” sagot ko, trying to keep my voice steady.
Nakatuon lang ang atensyon ko sa bawat galaw ni Xander habang inilalagay niya ang pagkain sa mesa.
“Here's your burger, Celestine” Sabi nito sabay abot ng burger sa akin. Napangiti ako, hindi dahil sa burger, kundi dahil sa kaniya.
“Thanks, Xander” sinisikap na itago ang kaba sa aking boses
Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan na tumingin kay Xander. He was always so full of life, so vibrant. It was one of the many things i admired about him.
Nagpatuloy kami sa aming pagkain at kwentohan. Tumawa si Zephyr sa isang joke ni Iris, at sabay kaming nagtawanan.
Nakakalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Xander. Ngunit tuwing tumitingin si Xander sa akin, bumabalik ang nararamdaman ko sa kaniya. Sa bawat tingin, bawat ngiti, lumalalim ang pagtingin ko sa kaniya. His laugh was like a music to my ears, and seeing him happy made happy.
Habang papasok kami sa room ay lumapit sila sa akin at katabi ko sa paglalakad si Xander, normal lang dati sa akin ang magkasabay sa paglalakad, hatid sundo pa ako nito.
“Celestine, nakapag review ka ba para sa exam natin mamaya?” tanong sa akin ni Zephyr
“Tsk, palagi namang nangunguna 'yang dalawa, hindi tulad mo nagpapapogi lang ang alam” pagtataray ni Iris
Ngumisi si Zephyr “At least, hindi palaging itlog ang score sa exam”
“Okay lang maging itlog, Kaysa naman sayo palaging busted” binatukan nito si Zephyr, napailing na lang ako sa dalawa na parang mga bata
“Nakapag review ka ba?” tanong sa akin ni Xander
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti “Oo, ikaw ba?” balik kong tanong sa kaniya “Imposibleng hindi ka nag-review palagi ka ngang uno e” tumango lang ito at ngumiti
Nang makarating kami sa room ay naabutan namin si Iris at Zephyr na nagtatalo, napailing na lang ako habang tinitingnan sila
Agad kaming pumunta sa likod samantalang si Iris at Zephyr ay sa unahan dahil naka alphabetical order ang arrangement namin
“Good morning class” bati sa amin ni Sir Lopez
“Good morning Sir”
“Okay class, get one whole sheet of paper” nag-ingay ang iba upang manghingi ng papel
“Sir one whole po?” Tumawa ng malakas si Zephyr dahil sa tanong ni Iris
“Ano bang pagkakarinig mo Iris, one fourth?” tumawa din ang mga kaklase namin dahil sa pagtatalo ng dalawa
“May one whole ka?” tanong sa akin ni Xander
“Palaging uno sa klase tapos walang papel” sabi ko sabay tawa, seryoso itong napatingin sa akin. Alam kong hindi ito natutuwa dahil sa sinabi ko “Nagbibiro lang naman ako, heto oh” ibinigay ko sa kaniya ang isang porasong papel, ngunit seryoso pa rin itong nakatingin sa akin
“Back to your sit, now!” sigaw ni Sir ngunit hindi ito galit. Agad naman silang bumalik pagkakaupo
Natapos ang quiz na tila bumagyo sa room dahil sa mukha ng dalawa
“Oh, anong mukha 'yan?” i asked Iris habang inaayos ang buhok niya
“Maganda pa rin kahit itlog na naman” she smiled at nagpacute pa ito
Lumapit sa amin si Xander at Zephyr, nagtatawanan pa ang dalawa na akala mo'y pasado talaga ang score ni Zephyr
“Celestine, sabay na tayong umuwi” nakangiting sabi sa akin ni Xander
I smiled back and stand up. “Palagi naman tayong magkasabay” pabiro kong sabi
“Baka may something na kayo ha, hindi niyo lang sinasabi” sabi ni Iris sabay palo
“Hindi ba kumpleto tawa mo kapag walang palo?” sarkastiko akong tumingin sa kaniya
“Never mind, halika na nga Zephyr. Umuwi na tayo” hinila nito si Zephyr
Mag–kapitbahay lang kami ni Xander kaya palagi kaming nagsasabay umuwi. May kaya naman ang pamilya namin pero sila Xander, Engineer ang papa niya sa abroad at may mga company rin sila kaya masasabi kong may kaya talaga sila
Senior Highschool pa lang kami, ang sabi niya ay gusto niyang maging engineer kagaya ng papa niya, samantalang kami ni Iris ay gusto namin maging nurse. Pero ang gusto ni mama ay mag architect na lang ako
“Bakit ang tahimik mo dyan, may problema ba?” tanong nito sa akin at inakbayan ako
Maraming nagkakagusto sa kaniya, kaya minsan napapaaway na lang ako dahil ang akala nila ay mag-jowa kami, hindi pa ngayon pero malapit na
“Kung ano man 'yan, magkwento ka lang” i felt my cheeks heat up, hindi ko mapigilang mapangiti.
“Nahihirapan kasi ako sa math natin, pwede mo ba akong turuan?” sumakay na kami sa kotse nito, he gentle hold my hands
“Pupunta ako sa bahay niyo mamaya, para turuan ka” he smiled at me, ano ba naman 'yan Xander. Bakit ba ang pogi mo?
YOU ARE READING
Sunrise Pursuit (Series 1)
RomanceAurora Celestine Solis ay isang nursing student at ang lalaking kaniyang patagong iniibig ay si Xander Maximus Reyes Kahit pa naghihirap basta't kasama niya ang mga kaibigan niya, kahit dumating yung araw na walang wala na siya ay palaging na riyan...