Chapter 8

50 2 0
                                    

Ayun bumalik na ang dalawa sa resthouse ng mapansin na nila na lumalalim na ang gabi at para na din makalimutan ang nangyari. Pagkabalik nila ay agad silang sinalubong ni Michael.

"Uy, pare, saan ba kayo nagpunta? Kanina pa kaya namin kayo hinahanap." paguusisa ni Michael.

"Ah, namasyal lang kami ni Prince. Tsaka nagpasama ako sa kanya dun sa hardin na nakita ko." palusot ni Cassandra.

"Hmmmm....I smell something fishy." banat naman ni Mica.

"Naku Mica ha. Huwag ka ngang green-minded dyan." pag iwas ni Cassandra.

"Naku Cass, huwag mo ng ideny. " pang aasar ni Mica.

"Hay naku Mica ha. Huwag mo ako umpisahan dyan ah. " inis na baling ni Cassandra..

"Okay fine. My lips are zipped. " sagot naman ni Mica.

At sya namang dating ni Patrick.

"Hep hep hep. Anong nagaganap dito? " pag uusisa ni Patrick.

"Wala naman nagkakatuwaan lang." sagot naman ni Prince.

"Ah. Sige pumasok na kayo sa loob, nakahanda na ang pagkain." anyaya ni Patrick.

"Ayos! Gutom na kasi ako!" sabat ni Michael sabay takbo papasok. Sumunod na din si Mica.

"Guys una na kami ha." paalam ni Mica sabay kindat kay Cassandra.

Kumunot naman ang noo ni Cassandra at sumenyas. Para tumigil ito sa pangangantyaw sa kanya.

"Oh, bakit ka sumimangot Cass?" usisa ni Patrick sabay ngiti.

"Ah wala. Si Mica kasi nangiinis nanaman." Sagot ni Cass.

"Oh sya, tara na at pumasok na tayo sa loob." Anyaya ni Patrick.

Sabay pumasok ang tatlo sa loob. Kaya naman di sila nagkasya. Haha.

(Alam q corny un)

Haha...

So yun na nga masaya silang naghahapunan at sige ang tawanan nila. Siyempre si jeoffrey nanaman ang pasimuno. Dahil walang ibang alam yun kundi puro lalokohan.

Cassandra's Pov

"Haaaahhyyy"...malakas kong hikab

"Umaga na pala."

Napakaganda talaga gumising sa umaga lalo na't pagdilat ng mata mo ay ang makikita mo ay ang unti-unting pagtaas ng araw sa pagitan ng dalawang magkatabing bundok na napapalibutan ng mga kumikinang na tubig sa karagatan na tila sinabuyan ng mga makikislap na dyamante.

Talagang wala ng papares pa sa kagandahan ng kalikasan. Pinagmasdan ko lang ang pagtaas ng araw hanggang sa tuluyan ng nabalot ng liwanag ang kapaligiran.

Bumalik na ako sa loob at naghanda ng almusal. Dahil tulog pa ang mga kasama ko kaya ako na lang ang naghanda ng almusal namin.

Habang nagluluto ako ay narinig kong may tumawag sa akin.

"Cassandra." mahinahong tinig ng tumawag sa akin.

"Gising ka na pala Prince. Teka lang at hinahanda ko pa ang almusal natin." sagot ko sa tumawag sa akin.

Pero nung matapos ko na ang pagluluto ko ng sunny side up at ng chicken omelet ko ay wala naman si Prince.

"Eto na tapos na akong magluto. Magalmusal na tayo."

Inisip ko na lang na baka nagpunta sa cr. Sakto naman na bumaba na si Mica.

"Good morning, Mica. Gising ka na pala. Halika na magalmusal na tayo." pagbati ko sa kanya at paganyaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakasyon (UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon