Walang iba... ikaw lang.

357 3 5
                                    

Ako si Xander.

Badboy, pilyo, makulit, moody, at isang beses palang ako nagseryoso.

sa pagmamahal ko yun kay Stella.

maganda sya, matalino, mabait, mapagmahal, at tanggap nya ako.

madalas kami mag-away nung mga unang b'wan ng relasyon namin.

Nagkakatampuhan.

Nagkakaselosan.

Muntikan mag break.

Mabilis kasi ako mainis, pero s'ya yung laging gumagawa ng paraan para magkaayos kami.

At dahil don mas lalo ko pa syang minahal. Kahit hindi kami madalas na magkasundo, sya lang ang gusto ko.

Isang beses nga nag-away kamidahil sa pagseselos ko.

nakita ko kasi sa facebook nya yung picture nila ni Kirk, barkada at kababata nya. Hindi ko alam kung bakit pero nainis ako bigla. Nakaramdam ako ng selos.

Kinabukasan na ang birthday nya, since legal naman kami, imbitado ako.

Pagdating ko sa bahay nila,

"Xander." ngumiti sya. ang cute nya talaga.

"Buti naman dumating ka. tara, pasok ka. asa loob sila mom." hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nila.

"ma, pa, andito na po si Xander."

"Hi po tita, tito." nagmano ako sa kanila.

"oh hijo, kumain ka na muna."

"naku tita, hindi na po. busog po ako eh."

"naku tong batang ito. sige, sgie. maiwan na muna namin kayo ha? bibili lang kami ng cake para sa party mamya."

"osige po. ingat po kayo."

lumabas na sila tita ng bahay. kami nalang ni stella at ibang kasambahay ang naiwan.

"Upo ka muna, timplahan lang kita ng juice."

pumunta si Stella sa kusina, ako naman naghalungkat ng mga photo albums nila. may isang photo album ang nakakuha ng atensyon ko.

Kirk and Stella

 yan ang nakapangalan sa album.

bumalik ang inis ko, lalo na nung nakita ko lahat ng pictures nila.

"xander!" tawag sakin ni stella. sinara at binalik ko yung mga album sa lalagyanan at pumunta sa kanya.

"oh, bakit?"

"you want to eat?"

"ng?"

"mangga." ngumiti sya. "naglilihi ako eh."

alam kong nagbibiro lang sya, normal na kasi yun sa amin. asaran ng kung anu-ano. pero naalala ko yung mga pictures nila kaya nainis ako.

"ang dami naman kasing tatay nyan. wag mo ipapaako sa'kin ung responsibilidad jan ha."

"joke lang yon"

alam ko. yan ang gusto kong sabihin pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"sus."

napasimangot sya.

"o, bakit nakasimangot ka?"

"walang bata."

"sus. ipagkakaila pa. maraming tatay yan diba? totoo naman."

"ganon ba tingin mo sakin?!" ngumiti sya bigla.

"hindi ko alam. ngumiti ka pa. sabagay, totoo naman kasi diba?"

tumalikod sya sakin.

"baka nga ganun ako.. ba...baka nga." alam kong naiiyak na sya.. pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"siguro nga."

nagsimula na sya maglakad palayo sakin.

"saklap naman nun. ang malas mo ako naging girlfriend mo."

"siguro nga."

hindi na sya sumagot.

nilapitan ko sya..niyakap.

nawala lahat ng galit at selos na nararamdaman ko.

"joke lang... sorry. ako na nga ata ang pinaka swerteng tao sa mundo kasi ikaw gf ko. mabait, matalino, at higit sa lahat maganda." hinarap ko sya sakin.

"pero hindi kita minahal dahil lang sa maganda ka. mahal kita kasi alam kong mabait ka. at alam kong tanggap mo ako kahit ganito ako. sorry kung sinabi kong siguro nga malas ako na ikaw ang girlfriend ko. kabaliktaran non ang ibig kong sabihin. I love you stella. i always will." niyakap ko ulit sya.

"xander." ngumiti sya.

"i love you too."

at sa unang beses, hinalikan nya ko sa lips.

---end.

PS: true story po ito ~.^

Walang iba... ikaw lang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon