Prologue

184 6 2
                                    

"Let's break up," biglang wika ni Saint sabay tayo mula sa kaniyang kinauupuan.

Nalilito ako. Pinilit kong halughugin ang sariling utak para malaman kung ano ba ang posibleng dahilan niya. Hindi ko alam saan ako nagkamali. Mula umpisa naging faithful and loyal naman ako sa relasyon namin. Halos ibinigay ko pa nga ang lahat.

"Bakit?" tanong ko na puno ng sakit. Hindi ako makapaniwala.

Tinitigan niya ako sa mata at kitang kita ko na nasasaktan din siya. Bakit? Bakit parang hindi naman siya sigurado sa mga sinasabi niya? Bakit parang napipilitan lang siya?

Dahil ba galing siya sa mayamang pamilya tapos ako ganito at hindi ko deserve ‘yung katulad niya?

"Tell me, Saint. May mali ba sa ‘kin?" Muli kong tanong at halata na sa aking mukha na desperado na ako sa mga kasagutan niya.

Ngunit imbes na magsalita ay agad tumulo ang kaniyang luha. Umiwas siya ng tingin habang hirap hanapin ang mga sagot. Sinasabi ko nga ba. Hindi niya ‘to gusto. Hindi siya ang nagdesisyon nito.

"Ikakasal na ako," wika niya na gumulantang sa buo kong pagkatao.

Akala ko ba okay lang kami? Akala ko ba ayos lang kami? Bakit parang ang bilis naman ata. Paano nangyari ‘yon? Habang mayroong kami ay may iba rin siya? Pero throughout our relationship ni-hindi ko naman siya nahuli ni-isang beses. Palagi pa nga siyang gumagawa ng paraan para magselos ako.

"I'm sorry, Becky." Hikbi niya at tumingin sa labas. "But I can't defy my parents. Please, forgive me." Huminga siya nang malalim bago ako tinitigang muli. Lumapit siya sa akin para yakapin ako. Patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak at alam kong nasasaktan din siya sa nangyayari.

"Don't worry. Hahanap ako ng paraan. If were meant to be, love will lead us back together." Bulong ko sa kaniya bago siya yakapin sa huling pagkakataon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing My Ex's Girlfriend || BeckFreen (Fil. Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon