Chapter LXXVI: Future Reformation, We're Finally Here
Sa pagdagdag ng mga elf at water celestial, hindi maiiwasan na magkaroon ng pagbabago sa New Order. Kailangang magkaroon ng mga karagdagang dibisyon dahil malinaw sa kaniya na hindi maaaring isama ang mga elf o ang mga water celestial sa ibang dibisyon. Hindi iyon maaari kagaya na lang ng paghihiwalay niya sa mga higante at soul puppet sa ibang dibisyon.
Isa pa, nararapat lamang na magkaroon ng sariling dibisyon ang mga elf at water celestial. Mas magiging maayos kung sila-sila ang magkakasama dahil magkakakilala na sila at mayroon silang pagkakaisa.
Naiisip na rin ni Finn na baguhin ang istraktura ng Divisions of Imperial Armies. Kailangan niyang panatilihing organisado ang bawat dibisyon kaya matapos niyang makausap ang mga water celestial at maasikaso ang kaniyang mga soul puppet, agad siyang nagtungo sa isang silid para planuhin kung paano niya babaguhin ang Divisions of Imperial Armies.
Nag-iisip na siya ng mga pagbabagong isasakatuparan niya, subalit ipapatupad niya lang ito kapag natapos na ang pagsasanay ng mga miyembro ng New Order sa Tower of Ascension o kaya bago sila magtungo sa divine realm.
Samantala, matapos ang masusing pagtatala ng mga kailangang isakatuparan, tumayo na si Finn sa kaniyang kinauupuan. Sinuri niya ang kaniyang mga itinala, at nang makontento na siya sa kaniyang mga naitalang paunang plano, ngumiti siya at bahagyang tumango bago niya itinago ang talaan sa kaniyang intersptial ring.
“Nakausap ko na ang mga elf at water celestial. Kasalukuyan na ring inaabsorb ng aking mga soul puppet ang mga death energy na aking nakolekta, at ngayon, nakabuo na ako ng paunang plano para sa pagsasaayos ng Divisions of Imperial Armies sa hinaharap,” pabulong na sabi ni Finn at sa kaniyang ekspresyon, tila ba kontento siya sa mga napagtagumpayan niya.
“Sa ngayon, kailangan na lang naming makabalik sa santuwaryo para masimulan na ang orihinal na plano. Sana lang ay pag-isipang mabuti nina Eaton ang iminumungkahi ko. Mas matrabaho iyon kaysa sa kanilang nakasanayan, pero iyon ang mas makabubuti sa kanilang pangkat dahil maging ang mga may pangkaraniwang talento at may maliit na potensyal ay mabibigyan ng pansin,” dagdag niya.
Matapos makapag-isip-isip, hindi na nagtagal si Finn sa silid. Lumabas na siya roon upang silipin kung ano ang kasalukuyang kaganapan sa labas ng air ship. Nais niya ring malaman kung malapit na ba silang makarating sa santuwaryo dahil nawalan na siya ng bakas sa oras sa kadahilanang masysado niyang itinuon kaniyang konsentrasyon sa pagtatala ng mga paunang plano.
Nananabik na siyang makabalik, at hindi na siya makapaghintay na maiabot sa dibisyon ng mga propesyonal ang kanilang mga nakalap na kayamanan sa kanilang isinagawang paglalakbay. Siguradong matutuwa sina Creed lalong-lalo na ang mga blacksmith dahil muli, magkakaroon sila ng mga karagdagang materyales na magagamit nila sa pagbuo ng mga Unique Armament.
Hindi lang basta-bastang mga kayamanan ang maiuuwi nila sa kanilang pagbabalik; ito ay mga kayamanan na may matataas na kalidad na siguradong magpapaunlad sa New Order. Napakabago pa lang ng kanilang puwersa kumpara sa mga kilala at makakapangyarihang puwersa mula sa Land of Origins o divine realm, ganoon man, taglay na nila ang mga kayamanan ng diyos.
At kung iisiping mabuti, mayroon bang ibang puwersa sa mundong ito na pag-aari ang kayamanan ng dalawang diyos? Marahil ang New Order lang ang nakagawa sa bagay na ito matapos nilang matagpuan ang mga kayamanan ng Beast God ganoon din ng Dragon God.
Dahil dito, kahit na hindi pa daan-daan o libo-libong taon ang New Order, makakaya nilang humabol sa mga makakapangyarihang puwersa. Marahil mahihirapan pa rin silang maabot ang Saint Rank at Demigod Rank dahil mahigpit ang kinakailangang mga kondisyon para makatapak sa mga ranggong ito, ganoon man, ang pagtuntong sa Immortal Rank ay madali na lamang para sa kanila at kakailanganin na lamang iyon ng ilang taong puspusang pagsasanay.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy)
FantasiSynopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isan...