Page 07

68 3 0
                                    

"Sa susunod naman sarah, babalik naman si ate cheska"pag papatahan ni yaya kay sarah, ayaw niyang bumitaw sa pagkakayakap sakin. gusto niya mag stay ako dito sa sakanila.

"Sarah look ate" sabi ko sabay hawak sa dalawang niyang balikat. pilit niyang isinubsob yung mukha niya sa dibdib ko.

"P-please ate dito ka muna kahit ngayong araw lang po"sambit niya habang naka tingin sakin, may mga luha pang pumapatak sa mga mata niya. naawa ako sakaniya pero nangako ako kay manong na pupuntahan pa namin yung pamilya niya, alam kong nasabi na ni manong na dadaan kami sakanila kaya nag handa na sila para sa pag punta namin.

"Pangako ni ate sayo babalik ako sainyo"sambit ko habang pinupunasan mga luha ni sarah.

"Pangako po?tutuparin mo po diba?hindi tulad ni papa na hindi niya tinupad yung pangako niya na hindi siya aalis sa tabi namin nila mama"patuloy niyang pag iyak, hanggang ngayon dala dala niya pa rin yung pagkawala ng papa niya, nakakalungkot kasi nangako yung asawa ni manang sa mga anak niya na kahit anong mangyari hindi sila iiwan nito.

Ganon nalang kasakit sakanila nung nalaman nila na wala na yung nangako sakanila araw araw, umiiyak pa rin si manang kahit isang taon na wala sakanila ang asawa nito.

"Sarah tama na yan, pumasok ka na"singit ng kuya niya. Nakatingin siya sakin habang hawak ang braso ni sarah. "Umalis ka na po ate"dagdag pa niya.

"Kuya ano ba, bakit mo pinapauwi si ate cheska!" sigaw ni sarah sa kuya niya habang humarang sa harap ko.

"Diba sabi niya uuwi na siya?kaya pinapauwi ko na, ano bang mali 'don sarah!?"sagot niyang pasigaw kay sarah.

"Macmac hindi ganyan ang tinuro sayo ng papa mo!"sigaw ni manang na nasa tabi na ni macmac, ang panganay nilang anak.

"Sorry po, naiinis lang ako kasi naalala pa rin ni sarah yung pangako ni papa"sagot ni macmac habang nakatingin sakin.

Pag tapos ng usapan namin nila sarah dumeretso na kami ni manong sa pamilya niya na kanina pa nag hihintay samin, Ilang oras lang kami sa byahe kasi hindi masyadong traffic sa manila.

Pag dating namin sa bahay nila, sobrang nakakagaan ng loob ang pag salubong nila sakin. na parang kamag-anak nila ako na galing abroad, sa dalawang pamilya na pinuntahan ko nakaramdam ako na welcome na welcome ako sa pamilya nila na kahit ngayon ko lang sila nakita.

Mga ilang oras lang kami nag stay sa bahay nila kasi nag aya ako na mag punta kami sa mall at ipapasyal sila, after namin kumain sa isang resto inaya ko sila sa mga damitan, gamit sa bahay nila. at kung ano ano pag gawin namin sa loob ng mall.

Nag pahatid nalang ako kay manong sa sakayan pauwi samin, binigyan ko siya ng time para sa pamilya niya. driver ko naman si manong kaya nasa akin na kung mag babakasyon siya ng maaga.

"Baka magalit sakin si sir darren ma'am"sambit ni manong habang sumusunod sakin papunta sa terminal ng mg bus.

Balak ko mag commute pauwi, at first time ko itong gagawin kasi hindi ako pinapayagan nila dad at lalo na si kuya. ayaw nila ako mapahamak kaya ganon nalang naging reaction ni kuya darren sa pag alis ko na walang paalam sakanilang tatlo.

"Don't worry manong ako na bahala mag paliwanag kila mommy, basta enjoy mo yung bakasyon mo na kasama pamilya mo."sabi ko sabay ngiti, tinapik niya ako sa dalawang balikat.

"Maraming salamat po ma'am, nang dahil sainyo naranasan ng mga anak ko pumasok sa mall at makapag laro sa malawak na playground. nag papasalamat ako kasi sobrang bait ng naging amo ko"nakangiti niyang sambit, pinipigilan niyang umiyak at nakikita ko sa mga mata niya na sobrang saya niya at alam kong galing sa puso yung pasasalamat niya sakin.

"Thankyou dinmanong, sainyo ko naranasan na kaya ko pa pala sumaya kahit sobrang dilim ang nasa mga paligid ko."ngiti kong sambit sakaniya.

Nag paalam lang ako sa mga anak niya at sa asawa niya mauuna na ako, hanggang sa pag sakay ko ng bus nakikita ko pa rin ang mga ngiti nila.





Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now