"Goodmorning!"
Humikab muna ako sa kwarto at nakita ko si Mommy na nasa loob ng kwarto ko.
Inaantok pa ako eh! Hayss!
"Mommy, bakit n'yo po ako ginising ng maaga? Wala naman po kaming pasok."
"Kasi, naisipan namin ng Daddy mo na, tutal wala naman kayong pasok ngayon..eh di maglilinis nalang tayo sa buong bahay!" Tuwang sabi ni Mommy.
"P-po?"
"Oo. Kaya gumising ka na diyan at bumaba ka na para maligo. Okay?" Ngiting bilin ni Mommy sa akin bago lumabas sa kwarto ko.
Nakahiga pa ako sa kama ko. Hayss! Maglilinis pa kami ngayon? Sayang balak ko sana ulit mag review. Pero sige, isang araw lang naman ito!
Agad na akong gumising para maligo pero nakita ko si Kuya na nasa harapan ng banyo namin. May dala siyang tuwalya pero nakapikit iyong mga mata niya. Napatawa ako sa itshura niya. Ginising rin siguro siya ni Daddy ng maaga! HAHA!
"Kuya?" Ginising ko siya.
"Oh? B-bakit?" Antok niyang sabi.
"Hindi ka pa maliligo?"
"Ikaw na muna Roni. Ang lamig kasi." Agap niya.
Ano? Malamig ang tubig? Aba! Mamaya na ako!
"Sige Kuya, Ikaw na"
"Roni, Ikaw na." Utos niya sa akin pabalik.
"Okay lang kuya. Ikaw na talaga." Agap ko.
"Roni, Ikaw na sabi. Naantok pa ako eh." Agap naman niya.
"Kuya okay nga 'yan eh. Sige na, Ikaw na talaga" giit ko.
"Ikaw na nga.."
"Sige na Kuya, ikaw na." Agap ko.
"Ikaw na sabi!"
"Sige na—"
"Oh? Nagtutulakan pa kayo? Sige kayo, kung sino ang mahuli...siya ang may pinakamaraming lilinisin." Sabi naman ni Mommy sa amin.
Syempre dahil mas malapit naman ako sa banyo, agad kong hinila ang doorbell para buksan. Mas nauna ako kay Kuya.
"Roni! Ako na!" Sabi ni Kuya sa labas.
"He! Nauna ako." Agap ko.
Natawa nalang ako. Buti nalang talaga at mabilis ako sa kanya!
Pagkatapos kong maligo ay agad naman akong tumulong kay Mommy na maghanda nang mga pagkain sa lamesa namin.
Napatingin kami ni Mommy nang marinig naming may kumatok sa pinto.
"Buksan mo muna Roni." Utos ni Mommy sa akin.
I nood. Lumapit ako para buksan siguro si Jelai na naman ito. Maaga kasi iyong pumupunta sa bahay eh para maki chika.
"Oh Jelai bakit ang—Tonsi?" Takang bulalas ko nang makitang si Tonsi ang nasa labas. At may dala siya.
"Hi?" Ngiting sabi niya.
Napaangat ako sa hawak niya at gan'on nalang ang ngiti ko nang makita ko ang mainit na adobo niyang dala. Si Borj ba ang nagpadala sa'kin nito? Si Borj talaga!
"Uh, for you." Inabot niya sa akin iyon at wala naman akong pangatubiling kinuha iyon sa kanya.
"Pakisabi kay Borj, thanks ah?" Ngiting sabi ko sa kanya.
"Huh?"
"Bakit?" Agap ko.
"Para saan ang thank you mo kay Kuya?" Tanong niya.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
De TodoAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...