Nandito ako sa clubhouse. Kanina pa ako nandito at nag-iisip. Hindi ako nakapunta ila Yuan ngayon kasi inutusan ako ni Lolo na bantayan ang bilyaran sa baba. Nakakainis! Naiisip ko parin ngayon si Roni. Lagi nalang talaga siya iyong nasa isip ko kahit kagabi. Binigay kaya ni Tonsi sa kanya ang adobo na niluto ko kanina?! Fuck it! Dapat ako ang nagbigay sa kanya no'n eh!
Hindi lang si Roni ang naiisip ko pati na rin si Tonsi. Nakakabadtrip! Bakit ba kasi niya liligawan si Roni?! Kung tatanungin naman niya ako kung bakit ako galit eh wala rin naman akong masasagot. Hindi ko rin naman masabi sa kanya na may gusto ako kay Roni!. Torpe talaga ako!
Sinabi kaya niya kay Yuan? Baka sinabi na niya kay Yuan ang tungkol sa feelings niya kay Roni? Paano pag naunahan ako ni Tonsi? Sigurado akong hindi ako magiging masaya doon! Ayoko rin naman na mag-away kami ni Tonsi dahil lang kay Roni. Hindi ako immature! Pero kilala ko naman din si Roni, alam niya na may gusto ako sa kanya. Siguro naman, siya na mismo ang iiwas sa kapatid ko, 'di ba?
Huminga ako nang malalim at agad na kumilos pababa sa bilyaran. Nang makababa ako napatingin ako sa mga tao na naglalaro. Buti naman ay tahimik lang sila at walang gulo.
Isang malakas na buntong-hininga ang binuga ko.
Paalis na sana ako papunta sa labas nang bilyaran para magpahangin nang makita ko na papasok si Yuan kaya nagulat ako at napatawa ako nang bahagya.
"Ano ba 'yan! Nangugulat ka."
"Sorry pare ah? Tumatakbo ako papunta rito eh." Tawang sabi niya.
"Oh, ginagawa mo rito?" Walang ganang tanong ko at tuluyan na nga akong lumabas sa bilyaran.
Pumunta ako sa gilid nang puno at nagpapahangin ako. Umupo ako sa damuhan. Ganoon din si Yuan.
"Eh di pinuntahan ka." Sagot niya. "At teyka, bakit ba wala ka sa mood?"
"Wala." Tanging sagot ko.
"Anong wala? Ano ba 'yang iniisip mo?" Tanong niya ulit.
I sighed. "Hay nako, hindi ko alam ang gagawin ko eh." Pailing-iling kong sagot.
"Saan?"
"Kay Tonsi." Diretsong sagot ko.
"Oh? Ano meron kay Tonsi?" Tanong niya ulit.
"M-may sinabi ba siya sa'yo?" Tanong ko sa kanya pabalik.
"Na ano?" Kunot noo niyang tanong pabalik sa akin.
"Basta! May sinabi ba siya sa'yo? May tinanong ba? May inamin ba siya?" Panay ang tanong ko.
"Anong aaminin niya?" Kunot noo parin niyang tanong.
"Alam mo na yon. Basta tungkol kay Roni." Sagot ko.
"Hindi ko nga alam! Wala naman siyang sinabi." Sagot niya. "Ano ang tungkol kay Roni?"
"Wala talagang sinabi si Tonsi?" Tanong ko ulit.
Nakita ko sa kanya na parang naiinis siya sa tanong ko. "Wala nga! At napapansin ko, bakit laging nandoon sa bahay iyong kapatid mo? At isa pa, tinutulungan niya si Roni kanina. Mas gusto niya ring sumama kay Roni. Ano bang nangyayari sa kapatid mo, ha?"
"Ano? Nandoon si Tonsi sa bahay niyo?" Takang bulalas ko.
"Oo. Si Roni din." Sagot niya.
"Sino kasama ni Roni?!"
"Borj sino pa ba? Edi yung kapatid mo!" Agap niya.
"Ano pare? Pare best friend mo ako, tapos hindi mo ako tinawag? Tsk, walang bastosan nang ganyan pare! Ano ba 'yan! Tonsi ampt." Iritang bulalas ko.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...