Hapon na ako nakauwi sa bahay galing ila Jelai. Bukod sa pagbabasa ay nag review na rin kaming dalawa.
Nang makapasok ako sa gate namin, bumungad sa akin si Daddy na may ginagawa pa sa talyer niya. Busy talaga siya lagi sa maliit niyang talyer. Nakikita ko siyang nag-aayos pa ng gulong. Hapon na kaya may dala siyang flashlight para ilawan ang ginagawa niya.
Lumapit ako sa kanya. "Daddy, ako na po."
Kinuha ko ang flashlight sa kanya at ako na mismo ang naghawak no'n para ilawan ang gulong na inaasikaso niya.
"Salamat" Sabi niya. "Saan ka galing?"
"Ila Jelai lang po." Sagot ko. "Daddy, hindi ba pwedeng bukas mo nalang tapusin 'yan?"
Narinig ko ang pagtawa niya. "Nako, hindi pwede iyon. Bukas kasi kukunin na itong gulong. Kailangan talaga ayusin ito." Sagot naman ni Daddy.
I smiled and nood. "Gan'on po ba?"
Nakikita ko rin na madumi na 'yong kamay niya. Naawa na talaga ako sa ginagawa ni Daddy, araw araw hindi siya nagsasawa na magtrabaho para sa talyer niya. Huwag ka mag-aalala Daddy, sisikapin ko po makapagtapos ng pag-aaral!
"Oh sige na, ako na ang maghahawak niyan. Pumasok ka na sa loob." Sabi niya sa akin.
"Ah ako nalang po Daddy. Wala naman po akong ginagawa." Agap ko naman.
"Tulungan mo nalang ang Mommy mo doon na maghanda ng hapunan." Utos niya.
Tumango naman ako. "Sige po." Binigay ko sa kanya ang flashlight at kinuha naman agad niya iyon.
Pumasok ako sa bahay at bumungad naman sa akin si Kuya na mariin ang tingin.
Hindi ko siya pinansin bagkus ay pumunta ako sa kusina at tumulong ako kay Mommy na maghanda ng hapunan.
"Roni, hugasan mo nga muna iyong mga kutsara diyan." Utos ni Mommy sa akin.
"Ah sige po!" Sagot ko naman.
Pumunta ako sa kusina at hinugasan ko na ang mga ito. Pagkatapos, nilagay ko na ang mga iyon sa kanya kanyang pinggan namin.
Napatingin uli ako kay Kuya na gan'on parin ang mga tingin sa akin. Ano ba ang problema niya?!
"Oh, tingin tingin mo diyan?" Mataray kong tanong.
Hindi niya lang ako sinagot at galit siyang umupo sa upuan para kumain.
"Mahal?! Halika na, kumain na tayo!" Tawag ni Mommy kay Daddy sa labas.
Umupo na rin ako sa pwesto ko. Nang makapasok na si Daddy, kumain na nga kami. At napasama sa usapan namin si Byran.
"Pagkatapos ng exam ni Byran, tapos na rin ang pag papatutor ko sa kanya." Sabi ni Mommy sa amin.
"Talaga po Mommy? Kelan raw po ang exam niya?" Tanong ko.
"Akala ko ba kaibigan mo siya? Bakit hindi mo alam?" Tanong niya ulit.
Sumubo ako nang isang kutsara saka sumagot. "Uhm hindi po kasi kami same school eh. Hindi ko rin po alam kasi hindi naman kami nag-uusap masyado."
Mommy nood. "Bukas ang exam niya." Sagot ni Mommy.
"Po? Bukas na agad?!" Gulat kong tanong.
"Oo. Kaya sabi ko sa kanya, huwag niya lang kalimutan ang mga tinuro ko."
Grabe, kaya pala kinakabahan si Byran kanina. Bukas na pala ang exam nila?
"Hoy Yuan? Bakit naman ang tahimik mo?" Biglang tanong ni Daddy kay Kuya.

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...