just started this story hope you'll like it. By the way, you can follow me on fb: Trisha Vanne Alonte Vitor
insta: @trishavitor.vote, comment, like.
and the story goes this.CHARACTERS:
KARA MAXINE FUENTES. Max for short .maganda. simple. masayahin. palabiro. pero nagbago ang lahat dahil sa isang pagkakamali'ng akala niya ay tama.
TROY ANDREW TAN. basketball player. gwapo. matalino. chinito. ang lalaking umiibig ng palihim ky max.
THEA MARIE MENDEZ. kalog. sweet. mabait. maganda. ang kaibigan ni max na pinagsasabihan niya ng sekreto niya.
ETHAN JOHN DIZON . bestfriend ni troy. badketball player. mabait. playboy. matalino. cool. ang lalaking alam ang bawat galaw ng kanyang kaibigan.
------------
MAX POV
Kakagraduate lang namin ng high school ng bestfriend kong si Thea. Ito kami ngayon nag hahanda para sa susunod na yugto ng aming buhay. ang pagka-college. Requirements dito. Requirements doon. Entrance Exam dito. Entrance Exam dito. Hay! nakakapagod talaga ang ganito pero kakayanin!
Oo nga pala ang daldal ko hindi pa ako nagpapakilala. MAXINE FUENTES ang pangalan ko. mabait ako huwag niyo lang galitin. alam ko magkakasundo tayo madaldal ako eh. sa sobrang daldal ko buti naman at nakatagal ang babaeng nagngangalang THEA MARIE DIZON sakin. Siya yung bestfriend ko, akalain mo yun almost 9 years na kaming nagsasama. ibang klase talaga ang friendship namin.
"besh bilisan mo na. mag aalas otso na oh" tawag ni thea sakin mula sa ibaba.
"saglit naghahanap pa ako ng masusuot" seriously? wala talaga akong mahanap na susuotin na babagay sa araw na ito.
"ang dami-dami mong damit hindi ka man lang nakapili kahit isa" pagbubunganga ni thea. sanay na ako diyan eh sa 9 taon ba nman kaming palaging magkasama.
"ito nlang susuotin ko. total saglit lang nman tayo diba?" sabay ko ipinakita sa kanya pants at simpleng t-shirt.
"siguro. oh sige na. bilisan mo na at baka mahuli pa tayo sa schedule ng entrance exam natin" sabi ni thea sabay tulak sakin sa banyo.
Ganyang ang bestfriend ko. Palaging nag mamadali dahil ang pinaka ayaw niya ay yung mahuli siya sa nasabing schedule. excited kasi siya mag college kasi daw maraming gwapo. hay! kahit kailan talaga puro gwapong lalaki nlang ang nasa isip pero kahit ganyan yan nag aaral parin yan ng mabuti.
at ito na nga paglabas ko ng banyo nakita ko ang malapad na ngiti ng bestfriend ko.
"besh ang ganda mo dahil dyan ililibre mo ako mamaya ng lunch" nambola pa eh. magpapalibre lang pala.
"ano pa nga ba magagawa ko?" at ayun mas lumapad pa ang ngiti ng babae.
Papunta na kami ngayon sa LVU (LA VERDE UNIVERSITY) pangarap talaga namin dito mag aral. walang kaso nman yun sa parents namin basta magkasama kaming dalawa. Ito yung isa sa sikat na university sa lugar namin.maraming matatalino. talented at magagaling ang mga guro dito.
Oo nga pala, pareho naming natapos ang high school na may maipagmamalaki. Pareho kaming achievers ng bestfriend ko kaya hindi kami mahihirapan makapasok sa isang university dahil alam nmin na kaya namin ito at hindi kami susuko.
BINABASA MO ANG
When Reality Speaks
AcakFOREVER ❤ ❤ Sabi kasi walang forever pero bakit meron pa ring naniniwala dito? Isa ako dun! bakit? kasi WALANG IMPOSIBLE sa mundo. tiwala at pagkakaintindihan lang ang kailangan para ma achieve mo at ma bulls eye ang gusto mo.