"Sino?!"
Pucha tong si Justin! Kung anu anong guni guni naiisip!! Di ako naniniwala sa kanya! Kung magkakaboyfriend man si Shin, alam namin yun dapat. Saka lagi namin syang kasama. Malalaman namin yun kung may nanliligaw sa kanya!
"Hoy Justin, anong boyfriend sinasabi mo? Wala kayang bf si Shin!" giit ni Pau. Galit sya e. Haha. Pero totoo naman kasi, wala talagang nababanggit din samin si Shin at mukang wala sa itsura nyang may bf na sya.
"Meron nga." matipid na sagot ni Justin. Naku talaga naman! Konti nalang, makukumbinsi na ko nitong lalaking to!
"Everyone!! Let us now welcome our top 6 candidates for the last round!!!!"
*applause*
"Ayan na! Last round na!!" nawala ang pag-uusap namin nila Justin at agad kaming humarap sa stage ni Pau para icheer si Shin dahil magstart na ang last round.
"Woooo!!!" go Shin!!
Lumabas na ang anim na natitirang kandidato at ayun si Shin!! "Woooo!!"
Shin's POV
Kung kelan last na round na to, bakit mas lalo pa yata akong kinabahan?
Ano ba to..
Naghalo-halo na emotions ko. As in talaga. Andito na kami sa hagdan papuntang stage. Isa lang naman ang hiling ko pa din. Yun ay ang wag akong madapa.Tumingin ako kay Jino na nasa kabilang hagdan uli kasama ng ibang boys. Naalala ko nung una ko syang nakita.
Nung natapon ko yung basurahan sa may canteen nung first day? Sya yung kaisa isang tao na ngumiti sakin, kahit na ba pinagtatawanan na ko ng iba.
Tapos ngayon... sinabi nyang ginawa nya yun para iligtas ako?
"Everyone!! Let us now welcome our top 6 candidates for the last round!!!!"
Uhm, eto. Paakyat na kami ng stage. Ayan na. Kinakabahan pa din ako pero siguro, masaya na din ako na nakaabot ako dito.
Lakad lang Shin. Last round na. Napahigpit ang hawak ko ulit sa palda ko. Pero buti nalang, hindi na din umulit yung pagkirot ng dibdib ko.
Smile.
Ganyan nga, Shin.Andito na kami sa stage, nakahilera. Medyo nawala na naman ang kaba ko, nang makita ko sila Ana na nagchicheer. Grabe! Hahaha! Ang cute talaga nila mula dito!
"So now, for the candidates, wag na natin patagalin pa! The last round will be... cooking!" sabi nung host.
"Eh?!" Di ko napigilang magreact.
Cooking?! As in, pagluluto? Yung may kalan tapos kawali tapos may ninja moves na talsik ng mantika?!Seryoso?! Magluluto talaga?! Pagawa mo na lahat pero wag muna yun!
"But!! Cooking will be the last round for our male candidates!!" sabi nung host confidently, na feeling nya na-fool nya talaga kami.
Boys?
Magluluto??Kaya kaya yun ni Jino? Ang weird. Di ba gawain ng babae ang magluto? Bakit nila ipapagawa sa lalaki?
Napatingin ako kay Jino pero wala sya masyadong reaksyon. Samantalang yung dalawang katabi nya, ngayon palang, parang nag-iisip na ng lulutuin.
BINABASA MO ANG
Love, Luck and Wonder [currently editing]
RomanceAng gusto ko lang naman bilang estudyante ay magkaroon ng simpleng high school life. Yung hindi sikat, yung hindi din naman binubully. Yung tahimik lang, yung simple at masaya. Pero minsan, kung ano pang hiniling mo, kabligtaran ang kinakalabasan. H...