TAKOT

6 0 0
                                    

Tulad nang takot kong tumawid sa kalsada ng mag-isa,
Takot na marinig ang malakas na kulog at buhos ng ulan,
At takot na makakuha sa klase ng mababang marka,
Ay takot din akong mawala ka.

Takot na sa akin ay tuluyan ng magsawa,
Itong takot sa isipan na baka kapag magkulang ako ay maghanap ka ng iba,
Yung takot na iwan ka kaya isang pagkakataon ay ibinigay pa,
Itong takot na magtanong kung ako lang ba talaga?


Takot na malaman kung nakaraan mo ba'y limot mo na.
Yung takot at pagkabahala na baka minahal mo lang ako para malimutan s'ya.
Pero ito…
Nangyari na ang mga kinakatakutan,
Gusto ko lang naman pagmamahal mo sa'kin ay patunayan pero bakit tuluyan ng kinalimutan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula para sa mga martir kung magmahal.Where stories live. Discover now