Chapter 4

27.2K 1.3K 1.4K
                                    

𖡎

Chapter 4

#wrewp

I was in my junior year when Kuya Matthew went home with a lot of bruises on his body. He was in his junior year in college at that time. Nasa sala ako no'n habang nag-re-review. I asked him many times what happened but he wasn't answering. He didn't cry or say anything. He just smiled. I might be young back then but I wasn't that stupid not to know what happened. Kahit hindi niya banggitin sa akin ay alam ko na.

Napagtripan siya ng mga tambay habang papauwi sa bahay. I was enraged. I wanted to go to those guys who beaten up my brother but I didn't know where to go. Kuya wasn't saying anything. Kaya kinabukasan, sinabi ko kila Mama ang nangyari habang nasa hapagkainan, nagbabaka sakali na matulungan nila ako. Kuya was just in his room. Hindi siya sumabay sa amin.

And the most disappointing part was, our parents didn't care.

"Hayaan mo siyang mabugbog, Yen, para maging lalaki na," sabi ni Papa.

Nag-init ang ulo ko. Pinilit ko ang sarili kong kumalma.

"Pero nabugbog si Kuya, Pa. Hindi naman tama 'yon."

"O, e kasalanan niya rin naman 'yon," saad ni Mama. "Kung hindi siya lalambot lambot, hindi siya mabubugbog."

Hindi makapaniwalang tinignan sila. They were just eating normally like my news about their son getting beat up was just nothing to them. Naghahalo ang emosyon sa akin. Nalulungkot ako sa nangyari kay Kuya at nasasaktan. Pero nagagalit ako dahil wala manlang pakialam ang mga magulang namin.

"We should at least file a blutter, " sabi ko, pilit na kinakalma ang sarili.

Papa harshly put down his spoon and fork. He glared at me. "Para saan pa, Matienne? Magsasayang lang tayo ng oras."

"Pero Pa, si K-Kuya 'yon . . . nasaktan siya . . . "

Mama scoffed. "E, gano'n naman talaga ang lugar ng mga bakla sa lipunan, Yen. Gawing katatawanan ng kalalakihan. Kaya hindi na nakakagulat kung uuwing bugbog sarado 'yang kapatid mo," aniya. "Mas maganda 'yan para magtanda. Baka biglang sumagi sa isip niya na maging lalaki na lang isang araw. Mas maganda pa."

"Mama . . . "

"Oh, bakit? Totoo ang sinasabi ko," natatawang giit ni Mama. "Kaya ikaw, Yen, mabuti na lang hindi ka bakla. Tignan mo, lahat ng tao gusto ka."

Tumango si Papa. "Miserable ang buhay kapag bakla ang isang tao. Ni wala nga mag-aalaga sa kanila kapag tumanda sila kasi hindi sila magkaka-anak."

Tahimik kong inubos ang pagkain ko. Hindi na ako nagsalita pa. Pasok sa kaliwang tainga, labas sa kanan. Kahit anong pamimilit pa ang gawin ko para gumawa kami ng aksyon, mukhang walang patutunguhan iyon dahil sarado na ang pag-iisip nila. Pagkatapos kumain ay sinalansan ko ang mga pinagkainan namin sa lababo.

"Iwan mo na lang yan diyan. Si Matthew na ang maghuhugas niyan," sabi ni Mama.

Agad akong bumwelta. "May mga sugat siya, Ma."

"Hindi putol ang kamay niya, Yen."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. I feel bad for Kuya for their bad treatment of him. How could they stomach their harsh words towards their son just because he was a queer person? Laglag ang balikat ko nang umakyat ako para mag-aral. Bago ako makarating sa kuwarto ko, nadaanan ko ang kuwarto ni Kuya.

I halted on my feet when I heard some faint noises.

Kuya was crying.

It was muffled cries. He didn't want anyone to see him cry. Tinaas ko ang kamay ko para kumatok pero naiwan din iyon sa ere. Maybe he wanted to be alone. So instead of knocking, I just spoke behind the door.

Where Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon