Chapter 2 - CLUB

21.5K 325 57
                                    

Chapter 2

 

 

 

"HI HI! GOOD MORNING PHILIPPINES!!"

Yan agad ang sigaw ko pagkagising ko. Syempre naman good mood ako no. In fact, puyat ako dahil excited na ako pumasok ngayon dahil pipili na kami ng papasukan na club, kyaaaaaahhhh!!!

Pero kahit puyat ako, full energy pa din ako. Meron pa ngang extra battery eh. Tapos mamaya, pag nakita ko si John, lalong madadagdagan yan. Wahahaha, ang landi ko lang ^w^

Bumangon na ako at naghanda na. Naligo, nagbihis, nag-ayos ayos ng konti (powder at lip balm lang) tapos eh bumaba na ako para kumain.

Pero dahil nga ang aga ko nagising, hindi pa tapos magluto si Mama. Kaya nag facebook muna ko sa phone ko, baka may masagap na chismis. Hindi kasi ako nagtu-twitter, wala kasing ganun si John.

At sakto namang pagkabukas ko eh may post yung sa fan page ni John.

Oo ganyan sya kasikat, may fan page ang lolo nyo, kaya ibig sabihin eh madami akong kaagaw =_=

"good morning guys! Time for school! :)"

Yan yung nakalagay dun sa post tapos may kasama pang picture ni John na nakauniform. Sus, alam ko kung saan kinunan yan. Sa may garden sa likod ng Auditorium, September 16, bandang 4:30 pm, pictorial para sa kung anong kaekekan sa club nya nung 3rd year pa lang sya. Meaning last school year pa yung picture na yun, ano ba naman yang admin na yan, mas latest pa yung mga pics ni John sa phone ko kesa dito eh.

Tss, ako pa ba? Eh certified stalker ako nyan. Tsaka pano ko ba naman makakalimutan yung araw na yun? Eh yan yung time na habang pinipicturan sya eh tumingin sya dun sa poste na pinagtataguan ko, nahalata nya yatang may taong nagtatago kaya ayun lumapit sya. Kaya ayun, nakita nya ako. Tapos eh nagkatitigan kami...

"KYAAAAAAHHHHHH!!!!!"

UMAYGULAY! Kinikilig talaga ako pag naaalala ko yun!

"Hoy Marjorie! Ano na naman problema mo? Sumisigaw ka na naman dyan!"

Ayan kasi, kaharutan -_-

"Ah wala po Ma, hehe. Gutom lang po to." at ngumiti na lang ako ng wagas.

"Tsk tsk, ipapatingin na talaga kita anak, may sayad ka na yata."

"Ma naman! Pag sumisigaw may sayad na agad? Hindi ba pwedeng kiniki--- Ay wala pala Ma! Oo may sayad na nga po ako." at mas nilapadan ko pa ang ngiti ko.

Patay kasi ako kapag nalaman nilang lumalandi na ako.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon