A/N: Habang nasa POV pa tayo ni Selene ay nagsisimula pa lang ang lahat. Antayin niyo yung POV ni Calixto at lalo na si Atlas, ibig sabihin non patapos na HAHAHHAHA
SELENE
"Panay kunot ng noo mo dyan?" Natawa ng malumanay si Atlas ng sulyapan ako. Sa totoo niyan ay nung sinabi kong isama din sila Angge ay hindi ito pumayag."Parang tanga kasi si Calix, nagtatampo."
"Bakit lalaki mo na ba siya?"
Hindi ko napigilang mahampas ang braso ni Atlas kahit nagmamaneho pa siya. "Yang bunganga mo, Ford masusupalpal ko talaga yan."
"Di pwedeng magtampo pag walang karapatan." Pang-iinis niya pa lalo sa akin na ikina-lawak ng ngisi niya.
Paano ba naman kasi nung nag-ask ako sa kanya kahapon ay hindi ko inasahan na totohanin talaga niya ang pang-aagaw sa akin mula sa mga kaibigan ko nung lunch break na namin.
Atlas waited for our 2nd subject to end sa hallway na tipong pinagtitinginan na din siya halos ng mga dumadaan, yung iba pa ay halos sadyain na nilang magpaikot-ikot sa harap niya pero napaka-antipatiko parin talaga.Pakiramdam ko ay nagka-pasa na din ang tagiliran ko kanina dahil sa kaka-sundot ni Justine. Si boy Calixto naman ay kala mo may regla sa panay irap kay Alex na ang lakas mang-asar sa kanya. "Magkasama lang kayo kahapon, Sel? May lahi na din bang aso yang ex mo?" Agad ko namang inabot yung buhok niya at sinabunutan ito ng pabiro dahil napaka-pangit nya talaga mag tampo.
"Aray ko, Mendoza ah? Ang brutal mo na." Nag pout pa si Calix at hinila ako papalapit sa kanya ng mahalata nyang nakabuhos na ang atensyon ni Atlas sa amin.
Ibinaba nya ang kanyang telepono at unti-unting lumapit. Sumundot naman uli si Justine sa akin at bumulong sa aming tatlo. "Gagi, ganyan ba itsura ni Atlas dati? Pakiramdam ko tuloy may sariling isip yung panti ko at gusto nyang mahulog bigla."
Hindi ko naman kasi maiaakila na napaka-laki ng pinagbago ng itsura ni Atlas.
"Pasimpleng pokpok ka din talaga, Justine." Bumulong din pabalik si Alex at nagsabunutan na yung dalawa. Hindi naman namin sila pinansin pareho ni Calix, dahil maging ako ay naestatwa sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
If you only knew
Short StoryIn which Selene (Lalisa) finds herself stuck in a love triangle between her friend, Calixto (Taehyung) who is still trying to move on from his ex and her ex, Atlas (Jungkook) who keep confusing her with his actions. A Taglish (Filipino) Taelicekook...