Chapter 1“My.head.fucking.hurts!”
Kulang na lang tanggalin ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Kinapa ko ang phone ko na nasa bedside table. Tiningnan ko kung anong oras na. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong oras na.
“Absent na ako sa first class ko!” Nanggigil kong sigaw.
Nakakainis! Bakit hindi ako nagising kanina?! I turned to the other side of the bed and saw Aela sleeping peacefully. Kahit inis ako ay hindi ko napigilang matawa. Akala ko ako lang ang hindi nakapasok sa first class, eh. Buti nalang mamayang 10 AM pa sunod kong klase. Itong si Aelani ay ewan ko nalang.
Bumangon ako para maghilamos at magtimpla ng kape. Bumalik ako sa kwarto habang dala ang tray na may dalawang baso ng coffee at tuna sandwich na good for us.
“Aela! Wake up may sunog!”
She’s a light sleeper so she was startled because of my shout. Agad siyang bumangon habang natataranta. Humalakhak ako sabay pakita sa dala-dalang tray.
“Breakfast in bed, disney princess!”
When she realized that I was just fooling around, she glared at me then sat on the edge of the bed. Lumapit ako sa bedside table at doon nilapag ang mga pagkain.
“Buti nalang hindi ka nagising nang maaga. Dalawa na tayong absent,” tumawa ako.
She looked at me then grinned. “And who told you that I have a morning class for today?”
Muntik ko nang ibuhos sa kanya ang hawak na baso ng kape. “Bakit hindi mo ako ginising kung gano’n?!”
I grabbed a chair and took my seat in front of the table. “Buksan mo nga ‘yang bintana,” utos ko habang nakasimangot. Natatawa siyang tumayo at binuksan nga ang sliding door ng window namin.
She spoke after opening the windows and putting the curtains to the side.
“Hello? Pareho lang naman tayong hindi nagising ng maaga?”
“Nakakainis absent na ako,” nakasimangot akong kumagat sa hawak na tuna sandwich.
“Teka lang,” aniya at kinuha ang pagkain niya bago umupo sa kama.
“Hey! You might spill the coffee on our bed!”
Umirap lang siya. “What happened between you and Ryle last night?!”
Muntik na ko nang mahigop lahat ng kape na nasa baso ko dahil sa tanong niya.
“My gosh you need to pour me the details!” she chirped.
I bit my lower lip as images of last night started flashing on my mind. I giggled and started smiling like an idiot.
“I’m sure you two made something naughty! Naghalikan kayo? Or more than that?” humalakhak siya.
Sumimangot ako. Naalala ko na naman na nabitin ako kagabi. “Kainis nabitin nga ako kagabi, eh.”
“Spill the deets nga! Nawala kayong dalawa kagabi. Saan kayo nagpunta?”
I took a sip from my coffee first before answering. “We went to the other side of the dancefloor. We danced for a while until she dragged me towards the cr. Theeeen,” I paused and raised my brow while grinning.
Kahit na irita ako kasi nabitin, I can’t deny that I enjoyed that steaming hot kiss we shared.
“Theeeen? Then what?!” irita ang boses niya dahil sa pambibitin ko.
“Edi umihi siya.”
Binato niya ako ng unan kaya sumimangot ako.
“Edi naghalikan na kami,” sagot ko.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Wind
RomanceLoving her is like confessing while a loud music is on play. Seen but cannot be heard. While she's on stage listening to the crowd's loud cheers, I'm here at the corner waiting for her to hear my whispers. The loud beating of my heart never came in...