KUNG GUSTO MO BA TALAGANG MAKALIMOT EH, ETO ANG 10 BAGAY NA PAG-ISIPAN MO!

1.9K 35 26
                                    

Sometimes you love a person too much and you can't just let go. But is it really worthy? Should you continue hoping for the person who doesn't even value you? Take time to realize that sometimes letting go and not holding on will make you a better and stronger person.

1. INALOK MO NA NGA NG TSOKOLATE, SIYA PA ITONG TUMANGGI.

“To refuse is an insult.” Nakakaasar lang e ano? Simple lang yan eh, ask yourself: Sino bang mawawalan? HEP! HEP! Wag mong sasabihing ikaw, alam mo naming ikaw itong tunay na nagmamahal. Ikaw ang nagbigay, sya ang hindi tumanggap, ang ending? (S)He will lose someone who loves him (her) so much.

2. HINDI KA ISDA PARA SUMISID NG GANYANG KATAGAL!

Umahon ka! Hindi sa lahat ng oras ang pagsuko ay tanda ng kahinaan! Pinahihirapan mo lang ang sarili mo eh. Samantalang siya wala namang balak sagipin ka. Sige, pag nagtagal ka pa dyan sino bang talo? Hindi ba’t ikaw? Isipin mo, NAGKAKAGANYAN KA, HABANG SIYA, WALA NAMANG PAKIALAM.

3. HINTAYIN MO KASING MAHINOG, HINDI YANG PUPOT PA, PINIPITAS MO NA.

Excited? May lakad ka? Wag ka namang atat, darating din ang panahong makakalimutan mo ang pagmamahal mo sa kanya. Teka, bakit ka ba kating-kating kalimutan siya? Feeling mo pagkagising mo wala na agad yung feeling? Ano yun overnight lang ang healing process? Asa ka oy! WAG KANG MAGMADALI. Time will heal the wounds.

4. HALA SIGE, HIGPITAN MO LANG ANG HAWAK SA MATINIK NA ROSAS

Ano masakit ba? Kaya mo pa? Hanggang kailan mo gustong masaktan? TRY MO PANG ISAMPAL SA SARILI MO ANG KATOTOHANAN! Hindi ka nya mahal, hindi ka nya mahal uy! Bibitawan mo ba yan o hihintayin mong maubos ang dugo mo? Di na uso ang martir. Alam mo nang masasaktan ka, ginagawa mo pa. Kung gusto mo talagang makalimot, MATUTO KANG BUMITAW…kaya hindi mo masabing “ayoko na” eh dahil patuloy ka pa ring umaasa. Wag ka nang umasa, baka masaktan ka lang.

5. OH TITITIG KA NA LANG BA DYAN SA KALANGITAN PARA MAG-INTAY NG SHOOTING STAR?!

Ano? Isipin mo worth it pa bang maghintay? Sige! Bahala ka! Aksayahin mo yang panahon mo kakaintay sakanya! Asa ka pang mamahalin ka rin nya? Masyado kang nagpapakatigang sa paghihintay sa gusto mo eh. BA’T DI MO MAPANSIN YUNG IBANG BITUIN NA IKAW LANG YUNG HINIHINTAY?!

6. SUBUKAN MO RING SUMAKAY NG STAR FLYER, BAKA SAKALING LUMIPAD ISIP MO.

Oh mag-iinarte ka ba, at sasabihing “HINDI KO KAYA”? Excuse me, wag ka nang magdahilan pa, kaya mo yan. Ayaw mo lang gawin eh. Nagawa na kaya yan ng iba! If others can, why can’t you? No excuses! Wala nang arte-arte, proven and tested na yan oy!

7. WAG KANG UMIYAK KUNG NALAGLAG ANG ICE CREAM MO, IBIBILI KITA NG BAGO.

WAG KANG OA. Wag kang masyadong magpakadusa sakanya! Bakit, sya lang ang tao sa mundo? Ganon? NA KAPAG NAWALA SYA, TITIGIL ANG MUNDO MO?! Ano ba yan. May iba pang darating para sa’yo. Sabi nga, kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi may bagong darating diba? Yung mas mamahalin tayo, yung hindi tayo papaasahin. One more chance ba ito?

8. PARA KANG SUSO, LUMABAS KA NGA DYAN SA MARUPOK NA SHELL!

WAG MONG PAIKUTIN ANG MUNDO MO SAKANYA! Lumabas ka nga dyan! Gumising ka at baka sakaling magkaroon ka ng mas malinaw na pag-iisip. Mas maige na yang ganyan kesa naman ipagpilitan! Ano gusto mo mahal ka nya because he/she has no choice? Payag ka? Hangal! Wag kang magsiksik dyan!

9. MALIIT NA YANG DAMIT MO, DI NA BAGAY UY!

WAG MO NANG IPAGPILITAN! Hindi panahon ngayon para ipagpilitan ang sarili sa taong ayaw naman sa’yo. GROW UP. Look, anlaki-laki mo na oh, willing ka pa ring magpakatanga? At baka nakikita ka na ng ibang mga mata bilang katawa-tawa?

10. AKYATIN MO ANG TUKTOK NG MT. EVEREST, MAG-ISA KA!

Umakyat ka sa pinakang tuktok, kumaway ka sakanya, sabay sabing “Nagawa kong umakyat dito ng hindi ka kasama.” Malay mo sa pag-akyat mo may makasalubong ka. Isipin mo, you don’t deserve to be treated like that! You deserve someone better! I repeat, YOU DESERVE SOMEONE BETTER. Tumayo ka ng tuwid at isigaw mo: “MAHAL KITA NOON, MAGLAWAY KA NGAYON!”

🎉 Tapos mo nang basahin ang KUNG GUSTO MO BA TALAGANG MAKALIMOT EH, ETO ANG 10 BAGAY NA PAG-ISIPAN MO! 🎉
KUNG GUSTO MO BA TALAGANG MAKALIMOT EH, ETO ANG 10 BAGAY NA PAG-ISIPAN MO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon