CHAPTER 17

62 2 0
                                    

Chapter 17

Pag dating sa bahay ay ‘di ko pa rin sya pinapansin. Pumasok ako sa kwarto ko at nag bihis ng pambahay na damit. Dahil bad trip ako ay dumapa ako sa kama at pumikit.

‘Di ko alam kung ano itong nararamdaman ko. ‘Di ko alam kung naiinis ba ako o nasasaktan? ‘Di ko na alam. Ganito ba talaga kapag gusto mo yung isang taong hindi pwede?

Napamulat ako nang makarinig ng katok sa pinto. Bumangon ako at tinungo yun para buksan. Kumunot ang noo nya nang makitang naka simangot ako.

“Why are you pouting like that?”, masuyo nyang sabi kaya mas napa nguso ako. Gusto ko na lang umiyak sa sobrang gulo ng nararamdaman ko.

“Hey..”, alala nyang sabi at ikinulong ako sa malalaki nyang braso. Braso na nilapatan ng dibdib nung babae kanina. Malaki din naman yung dibdib ko pero 'di ko ginanon sa braso nya ah!

“Baby, why are you crying? Heyy look at me. Why are you crying?”, paulit-ulit nyang tanong at kinulong ang magkabilang pisnge ko sa palad nya. Suminghot ako at umiling. Niyakap nya akong muli at hinalikan sa noo. Paanong hindi ako aasa kung ganito nya ako tratuhin? Paano ako iiwas kung araw-araw nyang pinaparamdam sa akin ang dahilan kung bakit ko sya gusto?

Pinunasan nya ang luha ko gamit ang daliri nya at binuhat ako. Nagpaubaya ako nang umupo sya sa kama ko at pinasapupo ako sa hita nya, paharap sa kanya. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg nya habang nakayakap sa kanya. Hinaplos nya ang likod ko at hinayaan ako sa ganoong pwesto. Maya-maya ay humiga sya kaya nadala ako. Tumagilid sya at pinaunan ako sa braso nya.

“What’s the matter? Care to tell me, baby?”, tanong nya uli pero umiling lang ako. Wala akong sasabihin, dahil ‘di ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

Mabilis na lumipas ang mga araw, hanggang naging isang linggo. Wala akong ginawa kun’di ang maglinis ng buong bahay, magtanim ng mga halaman sa garden at araw-araw mag muni-muni. Wala naman akong magagawa dahil nag iisa ako dito sa bahay palagi. Hindi ako sinama ni Lucifer sa mga lakad nya. 'Di ko alam kung bakit. Basta aalis sya ng umaga at bibilinan ako na kumain sa tamang oras at huwag gumala. Tapos uuwi ng hapon. 'Di rin kami masyadong nag uusap kaya ayun, naiilang na uli ako sa kanya. Pero… mukhang alam ko kung ano ang dahilan nya kung bakit 'di nya ako sinasama.

Nakausap ko kahapon si Inez, kinamusta nya ako. Natawa pa ako dahil 'di naman sya nangangamusta, yun pala ibig nyang sabihin ay anong nangyari sa amin ni Lucifer. At ang dami kong nalaman mula sa kan'ya kahapon. Na ito palang babae na nasa palaisdaan nung nakaraan ay anak ni Mayor Anna Federiko, sya si Amelia Federiko. Kapatid nya yung lalaking nakabangga ko na si Aron Federiko. Sabi ni Inez, nalaman nya daw sa mga katrabaho nya na best friend daw dati si Lucifer at Amelia. At sabi nya rin kahapon, isang linggo nya nang nakikita si Amelia sa kompanya ni Lucifer, tapos lagi nya rin daw nakikitang sabay silang mag lunch sa cafeteria, tapos palagi nya rin nakikita na bumaba sa kotse ni Lucifer yung Amelia na yun.

Maybe that’s the reason why. Kaya hindi nya ako isinasama sa lakad nya, kaya minsan kapag uuwi sya may dala syang pagkain galing sa drive thru at hindi na sya sumasabay sa akin. Maaga rin syang umaalis dito sa bahay.

But it’s okay. Sino ba naman ako, diba? Wala naman akong karapatan na pagbawalan s'yang gawin 'yon, na pagbawalan syang makipag kita at makasama yung babaeng 'yon. Wala akong karapatan dahil walang ‘kami’.

Ngayon ay mag meet up kami ni Inez sa bookstore sa may bayan. Ngayon lang daw sya nagkaroon ng free time kaya susulitin na nya at may ichichika sya sa’kin. Saktong pag labas ko ng kwarto para humabol kay Lucifer ay nakita ko s'yang papunta sa gawi ko. Kumunot ang noo nya nang makita ang suot ko.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon