The Black Bag

4 1 0
                                    

Engkwentro ko at ng Leader ng Mafia na hindi ko naman sinasadya.
Natuklasan nilang ako yung nakabitbit ng black bag nila na may lamang 100M,

Abe kasalanan ko ba na nagkamali ng pinaglagyan na compartment ng ebike yung runner nila. 
Bwiset! Ginto na sana naging putik pa!

Hindi naman dapat nila ako matetrace dahil nga nagkataong nagkaproblema ang CCTV ng  mall na pinagparkingan ko, na kahilera ng ebike lang pala ng sa runner nila.
Ginawa daw nila yon para walang kasuspe-suspetya kasi nga black money yon na gagamitin syempre saan pa ba edi sa black market.

At dahil isa sa pinagkakakitaan nga nila ay ang pagkuha ng mga target ke babae o lalaki bata o matanda para ibenta ang mga organs.
Sounds old pero hindi ko talaga inaasahan na makaka-engkwentro ako ng ganito.

Pero dahil nga usapang pera yon, hindi sila tumigil para hindi malaman kung sino ang nakatangay.
Napakasaklap naman kasi na pati mga Road Cams chineck pa nila, maging mga CCTV ng ibang establishments na katabi ng Mall nga na yon.
Idinahilan nilang nagkaron ng nakawan kaya nagkaron ng ganoong operasyon.
Para hindi isipin na bakit eager na eager sila na malaman kahit sa iba't-ibang establishments cams pa.

At sumatutal, nakita nga na ako yun.

...

Ang Itim na Bag (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon