Nakauwi pa ko sa amin.
Nakita yung itim na bag sa compartment ng ebike ko.
Nagulat at nanlambot nung nakita ko na ang daming perang laman.
Lagi ko pang binibiro sarili ko na,
'Kailan kaya ako makakapulot ng itim na bag na may lamang 100M na walang pagkakakilanlan?'
AT NASA HARAP KO NA NGA.Kinurot kurot ko pa ang sarili ko kung totoo ba yung nakikita ko.
Totoo nga. At hindi ko lang siya napulot kundi nakalagay pa mismo sa compartment ng ebike ko.
Baka para sakin talaga to, sabi ko pa sa sarili ko.
Hindi ko na muna pinaalam sa mga kasama ko sa bahay ang tungkol sa bagay na natuklasan ko.
Dahil alam kong kakakita ko palang naman.
Baka mailathala pa na may naghahanap ng bag na naglalaman ng 100M.
At doon ko na nga itinuon ang pagiisip ko.
Lumipas ang magdamag,Patulog na ko nang maalala kong bukas pala ang kuha ng basura sa baranggay namin.
Inayos ko na nga ang mga basura namin at itatapon ko na sa labas.
Hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong hindi ka-aya-aya.
Napakatahimik ng paligid, sobrang unusual.
May mga ilaw naman sa loob ng mga tahanan ng mga kapitbahay namin.
(Nakatira nga pala kami sa isang subdivision na hindi masyadong magkakadikit ang mga bahay pero nasa tamang distansya lang, bawat tahanan ay may kanya kanyang gate. May seguridad.
Maging ang subdivision namin ay may mga guards ang bawat bukana.)
Pero sa hindi ko maipaliwanag ay may nase-sense akong kakaiba.
Para ba kong minamanmanan. Parang may nakatingin sa bawat galaw ko.
Binilisan ko na ang paglalagay ng basura namin sa malaking trash bin na katapat ng bahay namin.
Nagulat nalang ako na paglingon ko ay ...
BINABASA MO ANG
Ang Itim na Bag (SPG)
Kısa HikayePretty please, don't report or whatsoever HAHA. Originally mine po eto pero explicit content kasi. This is just something out of ordinary. Sa mga naghahanap ng extreme. Wala lang~ Nabuo ng malikot na utak ng walanjong writer na to. (ME) Adios! Pasen...