2Fuse - One Shot

142 7 3
                                    

"Mica! Pahiram ng iPhone ah?"

"Aba, bakit?"

 "Pa2fuse! ;--)"

Ayon.  Back to daily routine. Tatawagin ako para hiramin ang iPhone ko na gagamitin sa paglalaro ng 2Fuse. Teka, teka. Siguro, nalilito na kayo kung ano yung 2Fuse no? Isa lang naman syang hamak na game kung saan hahanapin mo ang magkakapares na "1", "2", at "star". Sa classroom namin, parating may kompetisyon diyan sa 2Fuse na yan. Kapag nasa range ng 10k − 30k ang score mo, weak ka pa. Kapag naman 35k ­− 60k, average. Kapag naman 65k − 100k above, nako, master na ang tingin nila sayo.

Ayun. Since may app akong ganyan sa iPhone ko, sanay ako maglaro. HAHA hindi naman sa pagmamayabang,  pero ako ang may pinakamataas na score sa classroom namin.122 800. Kaya naman yung mga classmates ko, pilit akong tinatalo. HAHAHAHAH pero magaling talaga ako eh. HAHAHAHAHA well =)))))

Pero alam niyo,  isa rin ako sa mga naghahangad na matagpuan yung partner niyang "star" na siyang magiging number "1", at hindi basta bastang number "2".

Siguro napapaisip kayo kung sino yung kausap ko kanina, yung nanghiram ng iPhone ko. Si Alen yun. HAHAHA ang lalaking matagal ko nang crush. Di ko nga alam kung "crush" pa ba yung tawag dun eh. Mahal na ata? Hay. Ewan. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag kasama't nakikita ko siya.

"Buti pa si Alen, pinapahiram. Eh yung sariling bestfriend... napapahiram ba?"

Napatingin ako sa kanan ko. Hahaha mukhang nagtatampo pa 'tong si Anna ah. Hahaha =)))

"Asus, nagselos ka pa! Eh dun na nga lang sa mga simpleng paghiram niya ako sumasaya eh, ipagkakait mo pa? Alam mo namang crush na crush ko yun eh."

"Aba! Nagdrama ang gaga!" *sabay akbay*

"HAHAHAHAHHAHAHA ewan ko sayo."

"Wait girl, crush nga lang ba?"

"Tongeks! Crush lang yun."

"Talaga lang ha? Naktingi sayo si Alen. May dumi ka ata sa mukha."

"Huh? Saan?" Hinaplos haplos ko yung mukha ko at halos mabali na yung leeg ko sa pagsigurado na nakatingin sa akin si Alen. Yun pala hindi. Tapos alam niyo kung ano pa yung nakita ko? Magkatabi sila nung muse namin na si Therese tapos nagtatawanan pa. Wow. HAHAHAHAHAHAHA ang sakit.

"Bastos ka talaga, Anna!!!!!!"

"UY MICA, JOKE LANG YUN!!!!"

Nagwalk-out ako. Alam kong nagulat ko si Anna sa ginawa ko. Kahit ako rin naman eh. Pero deep inside, alam kong alam na niya. Malay ko ba kung bakit pumasok sa isip kong magwalk−out. Siguro dahil nasasaktan ako? dahil nagseselos ako? dahil alam kong tutulo na ang luha ko?

Nagpunta ako sa cr, pumasok sa cubicle, isinara yung inidoro tsaka umupo. Naihilamos ko na lang yung kamay ko sa mukha ko. Grabe, naririnig ko yung tibok ng puso ko. 

Bakit ganun? Ibig sabihin ba, nahulog na ako kay Alen? Bakit parang pinunit yung puso ko nung nakita kong sweet sila ni Therese? Siguro nga, indenial talaga ako at nahalata na ni Anna yun. Dahil gusto niyang patunayan sa akin na mahal ko na si Alen, ginawa  niya ang isang bagay na nagparealize sa akin na mahal ko na nga yung ungas na yun.

"Nakakainis! Ugh!" (_ _")

Thirty minutes ata akong nasa loob ng cubicle. Iniisip ko mabuti kung kailan nangyari 'tong pagkainlababo ko. Iniisip ko rin mabuti kung anong mga dahilan kung bakit mahal ko siya. Dahil ba sa araw−araw siyang nanghihiram ng iPhone para maglaro ng 2Fuse? Dahil lagi siyang mabait sa akin? Dahil masyado na akong attached sa kanya? Pero kahit na ano pang isipin kong dahilan, wala talaga akong maisip. Mahal ko siya dahil siya yun. Mahal ko siya...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

2Fuse - One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon