Luke's POV
"We have to move in silence." Sabi ko sa mga pulis na pinag-reportan ko. "Hindi puwedeng malaman ni Travis na kumikilos tayo. Baka mapahamak pa si Laura at makatakas pa siya."
Kasama ko si Mom, Gelee at Princess sa police station.
"Sir, huling nakita yung sasakyan ni Travis papuntang Norte. Mukhang malapit ang pupuntahan nila sa bahay ampunan kung saan sila nagkakilala noon."
I grew up in North. Maraming hindi magandang ala-ala nung bata ako ang nandoon. I didn't know na doon din sila nagkakilala.
"We have to follow them." Sabi ko.
Halos apat na oras ang byahe. Kasama ko si Gelee, Cess at Mom sa loob ng sasakyan.
"Mom.." hindi makapaniwalang tiningnan ko si Mommy nung makarating kami sa orphanage.
"S-son, I remember this orphanage."
Dali-dali kaming bumaba. Umaasang makakakuha ng impormasyon kung saan posibleng dinala ni Travis si Laura.
"Ms. Emma.." sabi ng isang pamilyar na Madre.
Kung hindi ako nagkakamali, siya ang madre na nakilala ko noon nung napadpad ako dito.
"Sister.." sabi ni Mom.
Napatingin si Sister sa akin pati na rin kanila Gelee at Cess at mga pulis na kasama namin.
"We're sorry to barge in this area, we're just looking for Laura." Dugtong ni Mom at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Sister.
"Nasa Maynila si Laura, nag-aaral siya ng kolehiyo doon. M-mabuti at natatandaan mo pa ang batang iyon, iho." Sabi ni Sister na tila inaalis ang kaba. Para bang kinukumbinsi ang sarili niya na wala kaming sasabihin na hindi maganda tungkol kay Laura.
And it confirmed everything about Laura.
She was the little kid I met in here.
Halos mangilid ang luha ko dahil doon.
Pakiramdam ko mas naging special ang lahat ng meron sa amin ni Laura dahil sa unang beses na nagkakilala kami.
"Sister, sorry to say this but Laura is in danger. She was kidnap." Sabi ni Mom at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Sister at napaupo ito habang nanginginig.
Agad namin siyang tinulungan.
Nung mahimasmasan siya matapos ang ilang minuto ay nag-dasal muna siya bago tumingin sa amin.
"Anong nangyari sa batang iyon? Sino ang kumidnap sa kanya?" Umiiyak na sabi ni Sister.
"Sister, do you know someone named Travis?" I asked her.
"Travis.. Hmm.." nag-isip pa siya. "Masiyado ng maraming bata ang dumaan dito kaya nalimutan ko na ang pangalan ng iba."
"How about Trevor?" Dugtong ko.
"Natatandaan ko ang batang iyon, iho. Magkaibigan sila ni Laura. Pero wala na ang batang iyon, huling pagkikita nila ay ang araw na nabagok ang ulo ni Laura dahilan kaya nawala ang iilan sa ala-ala niya. Nabalitaan na lang rin namin na pumanaw iyong bata yon dahil sa pamamaril ng sarili niyang kapatid."
Nagulat kaming lahat sa mga narinig namin.
Everything makes sense now.
"Alam niyo po ba kung saan nakatira si Trevor?" Tanong ni Gelee.
"Hindi ko alam ang eksaktong lugar pero natatandaan kong sabi ni Laura, may sariling farm daw ang pamilya ni Trevor sa sunod na bayan mula dito." Sagot ni Sister.
YOU ARE READING
Awakened Pleasures (R-18)
RomanceWarning: R-18 ; Explicit Story Laura Marie Sebastino, a twenty year old orphan, who naturally grew up in a religious and conservative setting will get involved with his hot and famous schoolmate, Luke Mariano, an ex actor who is rumored to have a m...