Isinarado ang pintuan bago lumapit at ibinaba ang mga gamit ko sa mesa na puno ng alak. Dahan-dahan ko siyang yinugyog para magising siya, pero mahimbing ang kanyang tulog.
"E-eric, gising na"
"Mmmm" umayos lamang siya ng posisyon habang nakapikit parin
"Umuwi na tayo" pinilit ko siyang paupuin para magising siya
Ginamit ko ang lakas ko dahil mabigat siya kahit pa ang balikat niya lamang ang pilit kong inangat. Inalalayan ko siyang makaupo at isinandal sa sofa bago ulit niyugyog.
Wala siyang suot na eye glass at ang kanyang puting polo ay gusot na dahil sa pagkakatulog niya. Maging ang buhok niya ay medyo nawala sa ayos. Ang kanyang relo ay nahulog sa sahig kaya pinulot ko at isinuot muli sa kanyang kamay.
"Eric" nagsalita ulit ako nang imulat niya na ang kanyang mga mata
Kumabog ang puso ko nang diretsong tumingin sakin ang kanyang mga singkit na mata ng hindi man lang kumukurap. Umiwas ako kaagad ng tingin at umusog ng upo para abutin ang aking mga gamit na inilapag ko sa clear table. Natigil ako nang hawakan niya ang kamay ko at bigla akong itinulak sa sofa ng pahiga.
Nanlaki ang aking mga mata at kaagad na pinilit ang sariling makatayo nang itulak niya ulit ako, ngayon ay puma-ilalim na ako sakanya.
"Huwag dito, pakiusap"
Aktong hahalikan niya ako nang iiwas ko ang aking mukha "Eric, please" nangungusap kong sambit at parang maiiyak na, kaunti nalang
Tinitigan niya ako bago tumayo at hinawakan ang kamay ko. Hila-hila niya ako habang palabas kami ng club hanggang sa mapunta kami sa parking lot. Kinuha niya ang susi ng kotse niya sa kanyang bulsa nang magbukas ang mga pinto nito.
Nauna akong naglakad papunta sa likuran nang marinig ko siyang magsalita. "Isara mo yan. Sa harap ka umupo."
Napatigil ako at pinunasan ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Pinilit ko ang sariling huwag maging emosyonal sa harapan niya. Maging ang pwesto sa sasakyan ay hindi ko magawang makapagdesisyon para sa sarili ko, laging wala akong choice kundi ang sumunod.
Nang buksan ko ang pinto ng kotse sa passenger seat ay nauna na siyang nakaupo habang nakahawak sa manibela.
"Bakit ka umiiyak?"
Nang dahil sa tanong niya ay mas lumabas ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. Tahimik akong humikbi habang siya ay nakatingin lamang sakin, pinupunasan ko ang aking mga luha gamit ang kamay ko, para akong isang inaaping bata sa inaakto ko ngayon.
"Sagutin mo ako Catleya, bakit ka umiiyak?" inulit niya ang kanyang tanong
Hindi ko siya sinagot at tumingin sa labas ng bintana na nakasara. Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko.
"Hindi tayo aalis dito hangga't wala akong nakukuhang sagot mula sayo."
"U-unang beses kong.." napatigil ako dahil hindi ako makapagsalita ng maayos sa paghikbi ko "pumasok ng bar, at nabigla ako sa..g-ginawa mo kanina" tinignan ko siya at mas umiyak kaya tinakpan ko ang aking bibig
Bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. "Im so sorry baby, im sorry." paulit-ulit niyang hinalikan ang aking ulo "It was an effect of the liquor i had intake."
Nang makauwi kami ay tahimik akong umakyat sa kwarto at naligo. Habang naliligo ay tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, anong klaseng buhay itong mayroon ako? bakit hindi ko maranasan kung papaano maging masaya ulit? kailan ako ngingiti? kasi parang..pakiramdam ko, hindi ko na kilala ko kung sino ako.
Paglabas ko ay nakasara parin ang mga ilaw sa buong kwarto. Ibig sabihin ay hindi pa siya umaakyat mula sa unang palapag. Umuulan na naman ng malakas sa labas, sumilip ako sa bintana at nilinis ito gamit ang palad ko dahil mahalumigmig ito. Natulala ako roon ng ilang minuto habang hinihintay na matuyo ang aking buhok.
Napalingon ako nang bumukas ang ilaw at nakitang pumasok siya sa silid. Tumalikod ako at nanatiling nakadungaw sa bintana nang tanggalin niya ang kanyang damit at nagpalit.
Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking balikat nang dumugaw rin siya sa bintana. Napatingin ako sa repleksyon naming dalawa. Inilagay niya sa harapan ang kanyang kamay at hinawakan ang manggas ng suot kong itim na pajama.
"Saan mo ito nakuha?"
"Binili ko nung isang araw" kaswal kong sagot
"Magpalit ka."
"A-ano?"
"May binili ako para sayo, ang gusto ko ay yun ang isuot mo."
"N-ngayon na?"
"Now."
Agad kong kumawala mula sakanya at naglakad papunta sa kanyang malawak na cabinet. Binuksan ko ito nang makita ko ang dalawang bagong pares ng pajama na naka-hanger sa pinakagilid. Kinuha ko ito bago isinara, nang tignan ko siya ay seryoso siyang nakaupo habang nakatingin sakin.
Napakagat ako ng labi nang marealize ko, nanlalamig ang mga kamay kong nakahawak sa hanger habang nakatingin sakanya. Tinanggal ko ang isang set ng pajama na kulay puti, malambot ang tela nito na gawa sa sutla, ngunit medyo kita ang iyong suot sa loob.
Nagdadalawang-isip ako. Hindi ko maigalaw ang kamay ko. Napatingin ako sa sahig at mahigpit na nahawak sa damit.
Tumayo siya at humarap sa bintana habang nakasuksok ang dalawang mga kamay sakanyang bulsa. "Make it fast."
Tinanggal ko ang aking itim na damit pantulog at inilagay ito sa kama, nang kunin ko ang isusuot kong bagong damit ay nakita kong nakatingin siya sa repleksyon kong nasa bintana. Nakaramdam ako ng hiya sapagkat kitang-kita niya ang pang-itaas kong katawan. Binilisan kong ibutones ito dahil pakiramdam ko ay pinapakita ko na ang buong kaluluwa ko.
Ikinuyom ko ang aking kamao nang ang sunod kong pinalitan ay ang aking pajama, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ramdam ko ang lalim ng kanyang mga titig at ang direksyon ng kanyang mga matang nakatuon sa iba't-ibang parte ng aking katawan.
"T-tapos na ako" halos hindi na ako makatingin sakanyang mga mata
"Isara mo na ang ilaw"
Ayaw kong isara ang ilaw.
Nagtataka niya akong tinignan nang inangat niya ang comforter at hindi ko pa pinapatay ang ilaw.
"Catleya, turn off the lights." seryoso ang kanyang tono
"Hindi ba't ang sabi mo ay hindi mo ako pipilitin?" naluluhang tanong ko habang magkahawak ang dalawa kong mga kamay
Ibinaba niya ang kumot at lumapit sakin kaya umatras ako.
"Eric..nangako ka" pakiusap ko at parang magcra-crack na ang boses ko
Umatras ako hanggang sa masandalan ko yung switch ng ilaw na dahilan para mamatay ito.
Naramdaman ko ang pag-kapa ng kanyang palad sa kutis ng aking beywang. Umiyak ako at pinilit siyang ilayo pero ibinalik niya ako sa pagkakasandal. "Shhh"
Lumapit siya sa aking teynga at bumulong. "Dont worry, I respect your choice as my wife." inipit niya ang hibla ng buhok ko sa aking teynga "But try to make a mistake, and i wont think twice but to dominate you."
BINABASA MO ANG
A Politician's Paramour
RomansaHe was a well-known politician from a prominent city, yet, bears a mysterious secret. Because he keeps a very important possession, his lady..his mistress. She was a normal-living college girl, trying to fulfill her dreams in a busy city. But no one...