Eksena
EXT. SA KATRENG PINAGHIHIMLAYAN NG MAY SAKIT - gabi
Ang kulob na kwarto na pinaglalagyan ng mag-ama ang nagdala sa emosyong hindi katutuwaan ng kahit na sino. Sobrang bigat. Ang tensyong ito ang pinakaayaw ni Rheyna. Galit sa kaniya ang ama.
'Palagi naman,' sipi niya sa kaniyang isip. Subalit, panay pa rin naman ang pagmasahe sa nalulumpong mga binti ng ama upang maibsan man lamang nang kahit na kaunti ang sakit ng katawan nito.
Umiiyak na si Rogelio sapagkat pumanaw na ang kaniyang lolo, ang lolo sa tuhod ni Rheyna. Hindi sanay ang anak sa itsura ng ama bagaman alam niyang may galit ang ama sa pamilya nito sa panig ng ina, ang lola naman ni Rheyna; bukod pa rito, nakasanayan niyang matapang ang ekspresyon ng ama, mga nagngangalit na mata nitong ipinupukol sa kaniya, araw-araw.
ROGELIO
(napasigaw sa sakit) Aray! Ayusin mo naman ang pagmamasahe! Kung hagurin mo ang binti ko ay parang gusto mo akong balatan ng buhay!
Natigilan si Rheyna. Oo nga pala't nagmamasahe siya sa gilid ng kama. Paano'y inulinanigan niya ang mga impit na iyak ng ama kaya hindi na rin niya napansin.Sa totoo nga niyan ay pagod na rin ang kaniyang katawan dahil sa pagbubuhat ng kamay ng ama sa kaniya tuwing pamali-mali siya sa mga sinusunod nitong utos mula sa kaniya. Pero kahit na gano'n, iniintindi na lamang niya kasi nga, 'may sakit'.
Maya-maya pa'y muling nagsalita ang ama nang kalmado, matapos umiyak na akala mo'y may dumaan na anghel at sinabing kahit ngayon lamang ay patawarin si Rheyna.
ROGELIO
Naaalala mo ba ang kwentong ibinanggit ko sa inyo ng mga ate mo? Ang tungkol sa pamilya ng lola mo?
RHEYNA
(tumango na lamang) Saan po roon, 'tay?
ROGELIO
Iyong: noong nasa edad mo 'ko - mali, noong ako'y nasa Grade 6 pa lamang, ang pamilya ng lola mo ay grabe kung kami ay turingin. Biruin mo, pinagbubuhat na ako ng balde-baldeng isda na mas mabigat pa sa 'kin - maikukumpara mo ang postura ng aking pagbubuhat kay Michael Jackson; ganoon, gano'n kabigat at hirap na pagtatrabahuhin ka nila na sarili mismo nilang kamag-anak. Ultimo pagkain ay mas masarap pa ang sa mga katulong nila tapos sa amin ng magkakapatid ko, ang mga tito't tita mo, ang tira-tira.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay ay tila Gulong: Minsan ay nasa Ibabaw, Bahala ka sa Pag-inog
Historia CortaAng kuwentong ito ay tungkol sa tatlumpung taon na manunulat na nagngangalang si Rheyna Villarosa. Isa siyang mahusay na manunulat na may hindi magandang relasyon sa kaniyang ama, si Rogelio Villarosa na may sakit sa edad na apatnapu. Ang pagtatagpo...