1.7; 1.8

11 2 0
                                    

ROGELIO

Alam kong magaling ka, ‘nak. At nakikita ko ‘yon ngunit pinagtutuunan namin ang ate mo ay dahil sa siya na ang malapit makapagtapos. Ilang taon na lamang ay makakapagtrabaho na siya at makakakuha tayo ng pera.

Napatanong si Rheyna. Hindi ba’t mas mahirap iyon sa parte ng kaniyang kapatid? Bilang panganay, inaasahan nila na makakapagtapos ka dahil ikaw ang pag-asa nila. Paano kaya kapag nabigo siya? Hindi lamang ito ang apektado, pati na rin ang pamilya.

ROGELIO

(kinalas ang anak mula sa kaniya) O siya, sige. Mukhang hanggang dito lamang ako, Rheyna. Masaya akong makausap kang muli, Anak. Kung noon ay naniniwala akong ang buhay ang gulong, minsan tayo ay nasa baba, minsan ay nasa ibabaw, ngayon ay iba na.

RHEYNA

Ano po iyon, ‘tay?

ROGELIO

Hawak mo ang iyong tadhana, Rheyna; kaya iyon ang ipinangalan namin sa iyo ng inyong ina. Hindi mo man alam o kontrolado ang lahat ng bagay o pangyayari sa iyong buhay, sana ay alam mo kung paano maghari sa iyong emosyon, kung paano mo ito lalampasan. Sa madaling salita, ang buhay ay tila gulong: minsan tayo ay nasa ibabaw, bahala ka sa pag-inog. Nasa sa iyo kung gusto mong manatili sa ibabaw o sa ilalim, o hindi kaya nama’y umangat tuwing ika’y naaapakan.

Nanuyo ang mukha ni Rheyna sa mga narinig. Sanay na siya sa mga payo ng ama ngunit nagtataka na siya. Pamilyar ang pangyayaring ito sa kaniya ngunit hindi sa ganitong pagtatagpo.

Mula roon sa niyakap niya ang ama, hindi na tugma ang lahat ng pangyayari. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng ibang tunog. Tumayo siya ng pagkuliling ng isang telepono sa kung saan, tila tinatawag siya sa panibagong araw – sa kasalukuyang panahon.

Tatayo sana siya’t hahanapin sana kung saan iyon nanggagaling nang hilahin siyang muli sa kama upang ilubog ang mukha roon. Nakalikha ito ng malakas na pagkadagok, pasalamat na lamang at malambot ito bago siya muling makabawi sa huwisyo. Pero bago iyon, ay ang rumehistrong boses na humihina sa kaniyang isip ng kaniyang ama.

ROGELIO

Hanggang sa muli, Anak. 

Ang Buhay ay tila Gulong: Minsan ay nasa Ibabaw, Bahala ka sa Pag-inogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon