1.9

9 1 0
                                    

RHEYNA

(tumunghay sabay nagpalinga-linga) Nasaan si itay?

Wala na ang kaniyang ama sa kama. Maliwanag na rin ang kwarto dahil sa bintanang nakabukas na ang silahis ng araw ay tumatama sa kaniyang mga mata bunga upang siya’y masilaw.

Bagaman nagtataka, ay lubos na nakahugot ng pukaw ay ang laptop sa kama, habang nakaupo pa rin siya sa sahig. Nakatala roon ang araw ngayon, isa itong dokumento ng naglalaman ng kaniyang kuwento bilang kabataang nakaranas ng pagkalito sa sarili nang dahil sa kaniyang mga magulang.

Tama. Nagsusulat nga pala siya. Hindi na napansing nakatulugan ang librong isinusulat. Matatapos na rin siya, at sa hindi malamang dahilan ay napanaginipan niya ang isang pangyayari sa kuwento, hango sa kaniyang karanasan noong siya’y labing-apat na taon. At ngayong tatlumpu na siya, ay matatag niyang hinaharap ang mapait na nakaraan.

Tatay niya ang nagbigay sa kaniya ng inspirasyong makapunta sa posisyong ito. Sa mahirap na paraan man siya tinuruan nito, ay natuto pa rin siya kahit na papaano – at isa ang katatagan niya. Ito ang isa sa namana niya sa kaniyang ama: ang pagpapatawad at bumangon upang makatayo sa sarili niyang mga paa.

Muli niyang tinangnan ang gamit at saka nagtipa sa maliliit na tekladong puso niya ang nagbibigkas ng mga salita.

RHEYNA

Minamana ang lahat sa mga magulang. Napapasa ang mga turo ng buhay. Pero ito’y puputulin na. (kinumpirma ang pagtatapos ng kuwento at saka isinarado ang laptop)

 

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ang Buhay ay tila Gulong: Minsan ay nasa Ibabaw, Bahala ka sa Pag-inog 🎉
Ang Buhay ay tila Gulong: Minsan ay nasa Ibabaw, Bahala ka sa Pag-inogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon