LONER BOY <3 MANILA GIRL

19 0 0
                                    

------------------

HI ! I'M RHIA GACHO =)

I'M 16 YEARS OLD . THIS IS MY FIRST TIME , KAYA WAG NA PO KAYO MAGTAKA KUNG MAY MGA MALI MALI . HEHEHEHE =)) I HOPE YOU LIKE IT. SIGURADONG MAIIYAK KAYO DITO PROMISE PO OPO :DD HAHAHAHAHA 

UPDATED PO AKO KAYA SIGURADONG HINDI PO KAYO MABIBITIN =">

PLEASE VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS ! :) THANK YOU .

-------------------

CHAPTER ONE :

Hi ! I'm Beulah Montereal , I'm 18 years old . Mahilig akong magpinta kaya lagi akong gumagala makahanap lang nang magandang view na aking maipipinta . Mayaman ang pamilya namin , nag iisang anak lang ako kaya sunod sa luho ang peg xDD Brat girl ika nga nila .

May pinsan akong lalaki , siya si Audie Montereal magkasing edad lang kami , siya ang pinakaCLOSE kong pinsan , kaya siya ang lagi kong kasama sa galaan . Pero ang kinaiinisan ko sa kanya PANIRA SIYA NG LOVELIFE KO ! >.< Minsan naman napagkakamalan kaming magkasintahan dahil pareho kaming MAGANDANG NILALANG :D , dahil nanggaling kami sa magandang lahi kaya maganda ako at guwapo naman siya :) Tama na nga ang pagpapakilala UMPISAHAN NA ANG KWENTO .........

------------------

Excited na inilabas ni Beulah ang largabista sa dala niyang backpack. Alas-kuwatro na ng hapon noon. Katutuntong pa lang niya sa ookupahan niyang cottage at nasa maliit na balkonahe pa lang siya. Ni hindi pa niya naipapasok sa loob ang kanyang backpack at tote bag na naglalaman ng kanyang sketch pad at mga gamit sa pagpipinta. Nasa Gulod siya. Isa iyong napakagandang mountain resort sa Aritao, Nueva Vizcaya. Nalaman niya ang lugar nang mabasa niya iyon sa article ng isang Saturday issue ng isang Broadsheet. Ayon pa sa article ay may kuweba raw doon na pinanggagalingan ng napakasarap ng spring water, Siyempre hindi ko sinama si Audie baka manggulo lang siya, sa ngayon gusto ko muna mag-isa. Itinapat niya niya sa mga mata niya ang hawak na largabista. Sa pamamagitan niyon ay naging mas malinaw sa kanya ang mga detalye ng paligid. Kitang-kita mula roon ang nagmamalaking hugis ng Gulod  na ang gilid ay tinutubuan ng makapal na uri ng fern. Doon marahil kinuha ang pangalan ng resort. Ang ibabaw niyon ay sagana sa makukulay na wildflowers na pinapasyalan ng maraming tutubi at paruparo. Napangiti siya . Pati detalye ng pakpak ng mga tutubi ay malinaw na nakikita niya sa largabista. Sa pagkakaalam niya ay nasa ilalim ng gulod na iyon ang kuweba. Ang bukal doon ay pinagmumulan din ng mineral water na ekslusibong isinasabote ng mataas ang halaga ng mineral water na iyon kaysa sa isang bottled water na nasa merkado. Iginala pa niya ang largabista. Ang ilang cottages sa paligid ng resort ay okupado rin pala kahit sa panahon na iyon off-peak season ng mga turista. Kunsabagay, hindi naman gaanong marami ang closed cottage doon. Mas marami pa rin ang open cottages na maaaring rentahan ng mga day tourists. Nang matapat ang lens ng largabista sa nagsosolong cottage sa kaliwa ng gulod ay napako roon ang tingin niya. May isang lalaki roon na nakaupo sa pasamano ng mahabang balkon. Nakasandal ito sa poste habang hawak ang isang paperback na  binabasa nito. Oh boy ! Ang guwapo mo ! Hindi na niya nagawang alisin ang pagkatutok ng largabista rito. May kung ano sa lalaking ito na humihila sa kanya upang patuloy na pagmasdan niya ito. Hindi lang dahil guwapo ito. He was ruggedly handsome. Ang kulay nito ay mamula-mula na tila palaging bilad sa araw. Ang buhok nito ay alun-alon , at sa tingin niya ay nangangailangan na ng serbisyo ng barbero. Mayamaya ay ibinaba na nito ang hawak na libro. Tumanaw ito sa malayo . Talagang guwapo ito . Lalo na siguro kung mabibistahan niya nang buo ang pigura nito. Kaya lang ay parang napakapanglaw nito. Ang kapanglawang iyon ang sa palagay niya ay humihimok sa kanya para pagmasdan pa ito. His loneliness tugged at her heartstrings. Ipinilig niya ang ulo at ibinaba na ang largabista. Hindi naman siya dati naa-attract sa malulungkuting tao. Masayahin ang personalidad niya at mas guto niyang sumama sa mga masayahing tao. Pero naintriga talaga siya sa lalaking iyon. Maganda pa naman ang cottage na inookupa nito. Parang Japanese-inspired ng architecture niyon. Malaki iyon at ang balkonahe sa tingin niya ay nakapaikot sa cottage. Kita rin niya mula sa largabista ang tinted sliding double door niyon. Well , sana lang, wala ka pang girlfriend o asawa. Dahil kung wala nga , hindi ako aalis ng lugar hangga't hindi ka napapasaaken. Napangiti siya sa naglarong iyon sa isip niya. Minsan lang naman niya naranasang manligaw ng lalaki. Iyon ay noong second year high school siya na nagkaroon ng matinding crush sa Science Teacher nila . Oo nga at hindi na niya inulit iyon. Dahil lahat naman ng magustuhan niyang lalaki ay nanligaw sa kanya. Naging pihikan nga lang siya dahil na rin sa high school teacher niyang iyon.

" Ate Nemia , matagal na bang occupied 'yong Japanese-inspired cottage nitong resort?" tanong ni Beulah sa Restaurant Manager ng Gulod. Palakaibigan ito kaya nakapalagayang-loob kaagad niya sa ikalawang araw niya sa mountain resort na iyon. Hindi pa naman matanda ito. Baka bata lang siya rito ng tatlo o apat na taon . Kaya lang , lahat yata ng mga tao roon ay  "Ate" ang tawag dito. "Japanese-inspired cottage?" tanong nito na naguguluhan.

 " Yung cottage doon sa kaliwa ng gulod."

" Ah, yon ba ? Hindi kasi kasama yon sa mga pinarerentahang cottage dito. Rest house yon ni Vincent."

" Vincent ?"

" Oo , si Vincent Salcedo . Siya ang may-ari ng mountain resort na ito."

" May Asawa ba yon ?"

Saglit na pinagmasdan siya nito. Naintriga naman siya nang makitang parang malungkot ito.

" Wala . Binata pa siya . "

" Eh , Girlfriend? "

" Wala . Walang Love life si Vincent. " anito na parang may kalangkap ng panghihinayang at lungkot  sa tinig.

" Bakla siya? " Hindi yata niya matatanggap ang ideyang iyon. Lalaking-lalaki ang hitsura nito.

Napangiti ito kahit malungkot pa rin. " Sana nga, bakla na lang siya. Dahil ang mga bakla man, may love life din."

Lalong nacurious siya sa Vincent na iyon. " Ah , alam ko na . Brokenhearted siguro siya."

" Tama ka . Brokenhearted nga siya. At wala nang pag-asang mabuo uli ang puso niya."

"Bakit naman ganyan ang sinasabi mo ? "

" Dahil sa loob ng tatlong taon na pananatili ni Vincent dito sa Aritao , hindi niya nagawang magmahal pa ng ibang babae . "

" Ah, hindi pala siya tagarito ?"

"Ang Ama lang niya ang tagarito."

" Pero may mga babae naman na nagkakagusto sa kanya ? "

" Oo. 'yong iba nga, naglakas-loob pa na magpakita ng motibo sa kanya. Kaya nga lang , balewala naman lahat kay Vincent."

Na-challenge siya sa mga narinig niya kay Ate Nemia. " Pwede mo ba kaming pagtagpuin ? "

" Hay naku, pasensiya ka na , Beulah. Pero yan ang hindi ko magagawa . Dahil kapag ginawa ko, lalo lang lalayo si Vincent. Makakaramdam kaagad iyon na inirereto ko kita sa kanya."

" Naging woman-hater na ba siya ?"

" Ewan ko . Hindi naman siguro . Loner lang talaga siya."

Well , sayang na lang ang pagiging maparaan niya kung hindi niya magagawang magkita at magkakilala sila ng vincent na iyon.

NA-REALIZE ni Beulah na minsan ay hindi rin palaging epektibo ang pagiging maparaan ng isang tao. Lalo na kung hindi makikiayon sa kanya ang kapalaran .

Nagtatrabaho siya bilang process engineer sa Zirk Micron. Isang multinational company iyon na nagmamanufacture ng mga integrated circuits at iba pang computer-aided products na ginagamit sa mga life-saving devices.

Si Leo, isang product technician at subordinate niya ang nagkamali sa specification ng proseso sa kanilang bagong product device.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LONER BOY &lt;3 MANILA GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon