Chantel's POV
Ngumisi ang lalaking kaharap ko pagkatapos makita si Brent. Pero ibang ngisi ito na para bang may kung ano sa mga ngiti niya. Tinignan ulit ako ng lalaki at doon nawala ang mga ngiti niya.
"Una na 'ko" paalam nito sakin at umalis sa harapan namin.
Tahimik at seryoso lng si Brent habang tinitignan ang lalaki papalabas. Nang makita kong wala na ang lalaki kaagad kong inalis ang kamay ni Brent sa balikat ko.
"Sa susunod wag ka na makipag-usap sa lalaking yun" seryosong sabi ni Brent.
"Bakit naman?"
"Just don't" maikling sagot lng nito sakin.
Kahit nalilito sa pinagsasabi ni Brent ay hindi ko na lng ito pinansin at bumalik na lng sa tinatrabaho ko.
Napaka seryoso niya naman ata ngayon.
"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko sakanya dahil parang wala naman siyang planong bumili.
"To see you"
Napataas ang dalawa kong kilay dahil sa sagot niya.
"Anong oras ka uuwi?" tanong nito nang bigla akong nanahimik.
"Hindi ko alam, marami pa akong gagawin" sagot ko rito, ayoko namang sabihin sakanya kung anong oras ako uuwi at baka maghintay nga siya rito.
"Like?"
"Magwalis ng sahig, mag ma-mop, mag--" hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko nang bigla nitong kunin ang walis at nagsimula na itong mag walis sa sahig.
Hinayaan ko na lng siya sa ginagawa niya at tinalikuran na lng ito. Bigla akong napangiti kaya sinampal ko kaagad ang pisnge ko at pinagpatuloy na lng ang ginagawa.
Drake's POV
"Akairus, andito ako malapit sa 7/11 nakita ko kanina si Brent" sabi ko kaagad sa kabilang linya pagkatapos nitong sagutin.
"May kasama ba siya?" tanong nito.
"Wala ang mga barkada niya pero may kasama siyang babae. Jowa niya ata"
"Nice" sagot nito at alam kong nakangisi na naman siya ngayon "papunta na kami diyan" dugtong niya at pinatay ang tawag.
Chantel's POV
Hinawakan ko ang likod kong kanina pa nananakit. Sa wakas tapos na! Tinignan ko ang orasan at nakitang 9 pm na kaya pinuntahan ko na agad si Brent na inilagay ang mop sa likod malapit sa cr.
Naghintay lng ako sa pintuan hanggang sa lumabas na siya. Nanlaki kaagad ang mga mata ko at agad-agad na tumalikod nang makitang wala siyang suot na damit sa itaas.
"Hoy! Suotin mo na nga yang damit mo!" saway ko sakanya habang nakatalikod pa rin dito.
"Paano e andiyan ka"
"Ha?" pagtatakang tanong ko rito.
Biglang tumahimik ang paligid kaya humarap na ako ulit sa pag aakalang sinuot niya na ang damit niya. Pero nagulat ako nang makitang wala pa rin itong saplot sa itaas. Lumapit ito ng dahan-dahan sakin dahilan para maistatwa ako. Hindi ko alam pero parang hindi ako makagalaw at hindi makaalis sa pwesto ko. Mas lalo pa itong lumapit dahilan para maipikit ko ang mga mata ko.
Binuksan ko ang isa kong mata para tignan kong ano ang ginawa niya. Nabalik ako sa sarili ko nang makitang kinuha niya lng pala ang damit niya na nasa likuran ko lng nakapatong.
"Titignan mo talaga akong magbihis?" tanong nito na nakangisi.
"Ulol!" wala pang isang sigundo ay umalis na ako. Nakakahiya! Bakit naman hindi agad ako nakagalaw. Uminit tuloy ang pisngi ko sa hiya.
Sakto namang pagkatapos magbihis ni Brent ay dumating na ang katrabaho kong papalit sakin kaya lumabas na kami ni Brent. Paglabas namin ay ang malamig kaagad na hangin ang bumungad samin kaya nayakap ko na lng ang sarili ko.
Tahimik lng kaming naglalakad ni Brent hanggang sa may naramdaman akong jacket mula sa balikat ko. Tinignan ko siya at nakitang t-shirt na lng ang suot-suot niya. Nailang ako sa ginawa niya kaya napatingin na lng ako sa itaas.
Pero bakit naman ako maiilang?
Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw dahil sa paglilinis kanina kaya tinignan ko si Brent. Pwede ko naman siguro siyang utusan.
"Hoy Brent" tawag ko sakanya.
Tinignan niya lng ako at naghintay sa sasabihin ko.
"Hindi ka ba nauuhaw?" tanong ko rito.
"Why? Are you thirsty?"
Hindi ako sumagot sakanya. May pa english-english pa kaseng nalalaman e.
"You can wait there. I'll buy you water" sabi nito at tinuro ang bench.
"Wokey!" sagot ko rito at umupo na si bench.
Brent's POV
"30 pesos lahat, sir" sabi ni aling tindera kaya kinuha ko na ang pera sa wallet at binigay sakanya.
"Keep the change" sabi ko at umalis na. Masyado ng matagal kung hihintayin ko pa ang sukli.
I wonder if Chantel is still there. Kaya naman pala hindi na rin siya sumama kase ang layo rin naman pala ng bilihan ng tubig dito.
Seryoso lng akong naglalakad hanggang sa bumungad kaagad ang pagmumukha nila Akairus pagkatapos kong lumiko sa isang kanto. Ngumisi ito sakin at tinignan ang bitbit kong dalang tubig.
"For your girlfriend?" tanong nito sakin at mas lalo pang ngumisi.
Fuck.
"Do you mean slave?" sagot ko at tumawa.
"Oooohh magandang slave, huh?" sabi ni Drake na nasa likuran. Ang lalaking kausap kanina ni Chantel.
Uminit ang ulo ko sa sinabi niya kaya agad ko itong kinwelyohan at umaksyong sasapakin siya, pero napansin kong kulang sila ng dalawa.
Si chantel!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Bet that Altered Everything
RomanceSa isang nakakatakot na kwento ng pag-ibig at swerte, may apat na lalaki ang kilala sa isang unibersidad ngunit iisang lalaki lamang ang matapang na sumubok pahulugin ang isang babae. Ang isang pustahan na nag bago sa buong kwento.