CHAPTER 10

1 0 0
                                    

Chantel's POV

Hinawakan ko ang ulo kong parang mabibiak na sa sobrang sakit. Halos hindi ko mabuksan ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo at katawan. Hinimas-himas ko ang ulo ko hanggang sa naalala ko kung ano ang nangyari kanina. Binuksan ko kaagad ang mata ko at tinignan ang paligid. Tinignan ko ang sarili kong nakahiga sa isang maliit ng kama habang ang mga pader na nakapaligid sakin. Mga pader na walang kakulay-kulay.

"Uyy gising na si gf!" sigaw ng isang lalaking kakapasok lng at tumawa.

Biglang may pumasok na dalawang lalaki pagkatapos sumigaw ng isa. Kumunot ang noo ko pagkatapos makita ang mga pagmumukha nila. Sigurado akong ito yung mga kaaway nila Brent.

"Hi miss gf" sabi sakin ng lalaking may peklat sa mukha at hinimas ang mukha ko dahilan para itabog ko ang kamay niya.

"Tangina ilabas niyo ako rito! Isa pa anong sinasabi niyong miss gf, ha?!" tanong ko sakanila dahil kahit ako ay naguguluhan na sa mga ginagawa at pinagsasabi nila.

"Oh c'mon no need to lie. Wag mo sabihing pagkatapos niyo mag date ni Brent at pagkatapos niyang makipagsuntukan sa amin para sayo ay sasabihin mo lng na kaibigan lng kayo? Cheap"

Napailing at napangiti na lng ako ng mapait sa sinabi ng lalaking nasa harap ko ngayon.

"Aaahh si Brent? Si Brent na pinaglaruan ako? Si Brent na pinagpustahan ako, boyfriend ko?" tumawa ako ng pilit "maling mali kayo"

"Par, baliw ata tung kausap natin e"

"Baka naman patibong lng to ni Brent?"

"Tangina maniniwala kayo diyan?"

"Napalakas yata ang pagkauntog ng ulo kanina"

"TUMAHIMIK KAYONG LAHAT!!" biglang pagsigaw ng isang lalaking sa tingin ko ay lider ng grupo nila. Tumingin ito sa akin na nananaliksik ang mga mata.

"Kung totoo talaga ang mga sinasabi mo. Patunayan mo sa amin" sabi nito sakin.

"Wala na akong papatunayan pa dahil malalaman niyo rin naman ang totoo. Tama na ang pagsasayang ng oras."

"Ano pa ang hinihintay niyo? Tawagan niyo na si Brent, magpapaloko pa kayo sa babaeng yan" singit ng isang lalaking nasa likuran.

"Tatawagan namin si Brent at kung hindi siya pupunta, paniniwalaan ka namin. Pero... " tumigil ito at ngumisi "kapag pumunta siya rito IT'S SHOW TIIIMEEE!" dugtong nito at tumawa.

Wala na akong pake sa mga pinagsasabi ng mga lalaking kaharap ko ngayon dahil alam ko namang hindi dadating si Brent. Wala na siyang pakealam sakin at ginawa niya na akong basura sa buhay niya kaya bakit niya pa ako pupuntahan dito.

Lumabas silang lahat sa kwarto at ikinulong ulit ako. Para akong namanhid at parang wala na akong pakealam kung ano man ang mangyari sakin dahil kahit ako ay pagod na.

Bumalik ako sa pagkahiga ng biglang sumakit ang ulo ko. Ipinikit ko ang mata ko at dahan-dahang gumaan ang pakiramdam ko.

"Uyy reunion!"

"Ang tagal niyo namang hindi nagpakita!"

"Shut the fuck up"

Rinig kong mga pamilyar na boses mula sa labas ng kwarto. Nananaginip ba ako? Ibinalik ko na lng ang pagtulog ko dahil pakiramdam ko ay panaginip lng ang lahat ng naririnig ko.

Pero bakit kahit sa paniginip ay boses niya pa rin ang naririnig ko?

Bigla kong naibuklat ang mga mata ko nang may biglang may malakas na kumalabog galing sa labas. Agad akong tumayo at sinilip ang pintuan. Paano kung si...

"Chantel!" sigaw ni Voughn at agad na lumapit sa akin.

Agad akong tumingin sa ibang direksyon nang makita si Voughn. Naiinis pa rin ako sakanila.

"Okay ka lng ba? Kailangan na nating umalis dito" dugtong nito at hinawakan ang kamay ko, pero mabilis ko kaagad na inalis ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ako.

"Wag mo 'kong hawakan. Tumatayo ang balahibo ko sayo, kaya kong tumayo ng hindi hinahawakan" sagot ko rito at tumayo.

Hindi na ito nagsalita pa at sinundan na lng ako palabas ng kwarto. Pag labas ko ay bumungad kaagad sa akin ang makalat na paligid. Mga basag na bote, mga nakatumbang lamesa at upuan, ang basang sahig at ang limang mga lalaking nakahandusay sa sahig.

"Cha kailangan na nating umalis dito bago pa makabalik sila Drake na kaharap ngayon nila Jace at Glenn" rinig kong sabi ni Voughn kaya inalis ko na ang tingin sa paligid at lumabas na.

Paglabas namin ay bumungad kaagad sa amin ang paligid na pinapalibutan ng mga puno na sa tingin ko ay malayo sa bayan. Nakita ko ang isang sasakyan mula sa malayo na sa palagay ko ay kay Voughn kaya doon na kaagad ako dumiretso.

Wala akong nakitang Brent. Sa tingin ko ay sila Jace na lng talaga ang may natitirang konsensya. Pinagbuksan ako ng sasakyan ni Voughn kaya sumakay na lng din ako. Nagsimula na itong mag drive kaya isinandal ko na lng ang ulo ko sa bintana habang tinitingnan ang dinadaanan namin.

"Cha" rinig kong ingay ni Voughn pero hindi ko ito sinagot o tinignan lng man.

"Sorry for what we did to you. Nadala lng talaga kami kay Glenn at ganon na rin si Jace. Hindi rin namin inasahan na seseryosohin talaga ito ni Brent. Wala akong sinisisi dahil alam kong may kasalanan talaga kaming apat. Hindi ko lng talaga inaasahang aabot sa ganito" huminto ito at napabuntong hininga "at si Glenn, gusto niya ring humingi ng tawad sayo" puna nito.

Hindi ko alam pero wala ng kahit isang luha ang tumulo mula sa aking mga mata. Masyado na akong manhid dahil na rin sa sunod-sunod na nangyari at sa sunod-sunod na mga nalaman ko. Hindi ko siya sinagot at pinili na lng na ipikit ang mga mata.

Ilang minuto lng ay naramdaman ko nang huminto ang sasakyan kaya binuksan ko na kaagad ang mata ko. Tinignan ko ang paligid at nakitang nasa kanto na kami malapit sa bahay namin.

"Hindi ko alam kung saan talaga ang bahay ninyo. Pero kung gusto mo ihahatid na kita doon"

"No need, malapit na rin naman 'to samin" sagot ko rito at binuksan na kaagad ang pintuan ng sasakyan. Huminto ako at humarap sakanya habang hawak pa rin ang pintuan ng sasakyan.

"Thanks" mahinang sabi ko rito at agad na isinara ang pintuan.

Nang makita kong nakaalis na si Voughn ay nagsimula na rin akong maglakad paalis. Hindi halos mag process sa utak ko ang mga nangyari kanina. Na para bang hindi iyon totoo dahil kahit minsan ay hindi ko inaakalang dadating ako sa posisyon na iyon. Paanong ang dati kong simpleng buhay ay magkakaganito pala?

Napatigil ako sa paglalakad nang may bigla akong nakitang isang pamilyar na sasakyan na naka tambay hindi gaanong malayo mula sa akin. Tinutukan ko lng ito hanggang sa umandar na ito paalis.

Weird.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The Bet that Altered Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon