Kanina pa kami nanonood rito. Naiinip na rin ako. Hindi rin naman kami makakarelate sa mga pinag-uusapan nila Roni kasi sila lang tatlo nila Jelai ang nag-uusap eh. Para rin naman kaming mga estatwa na nakaupo rito nila JunJun.
Nakakainis, bakit pa sumama itong si Tonsi? Sayang masaya sana makisali sa ibang naglalaro rito sa school nila Byran. Maganda talaga dito. Malinis rin ang paligid at for sure, mabait ang mga tao. Marami nga rin akong nakikitang mga babaeng ngumingiti sa akin pero nagiiwas lang ako ng tingin baka mamaya nakatingin na pala si Roni sa'kin. Hay nako, mahirap talaga maging loyal!
Napapansin ko rin na kanina pa hindi dumating si Yuan. Nasaan na ba 'yon? Baka mamaya iba na ang ginagawa no'n sa cr ah?
Hindi ako sanay pag hindi talaga namin kasama si Yuan kung saan ako magpunta eh pano ba naman na o-op ako pag laging kasama ni Roni ang mga best friend niya eh! Si Yuan lang naman ang laging madadal pagdating sa usapan na pambabae kasi nakikisali. Eh ako? Hindi ako gan'on. Hindi talaga ako nakikialam sa usapan ng ibang tao. Maliban nalang kung ang usapan ay tungkol kay Roni o sa 'kin. At lalo na pag may ibang kausap si Roni na lalaki maliban sa akin at kay Yuan. Nakikialam talaga ako! Haha!
I sighed at tumango. "Excuse me girls ah? Aalis na muna ako ah? Pupuntahan ko lang si Yuan."
"Sama na ako Kuya." Napatingin ako kay Tonsi dahil napatayo rin siya. Sasama na naman siya?
"Huh? Huwag na."
"Sige na Kuya, bored eh." Agap niya.
"Sorry ah? Mamaya pa siguro kasi ang laro na pwede tayong sumali." Sabi ni Trisha sa amin.
Umiling si Tonsi. "That's not what i mean. Sasama lang ako kay Kuya kasi gusto ko rin mag cr eh." Sagot niya.
"Ahh?"
Hay nako, nagsisinungaling lang siya. Sasama lang siya sa akin para mag-papansin na naman at paulit-ulit na magtatanong. I nood. Mabuti nalang din at sasama siya kasi para hindi niya makatabi si Roni!
"Okay Tonsi. Let's go." Agap ko at akmang aalis na sana.
"Ingat kayo Borj!" Ngiting sabi ni Roni sa akin.. nilingon ko siya at ngumiti ako.
"Thanks Roni." Ingat ka rin Roning ko!
She nood. Tiningnan ko si JunJun. "Pare, hindi ka sasama?"
Ayaw niya bang umalis sa girls talk nila?
Tumingin siya kay Jelai. "Ayoko pre. Kayo nalang."
Natawa ako! I know na ayaw niya lang iwanan si Jelai! Hay nako, masyadong mabait si JunJun bakit hindi nagmana si Yuan? Magpinsan pa naman!
Natawa ako sa mga iniisip ko. I nood and agreed. Tumalikod ako sa kanila at nagpa-alam muna ako bago umalis. Sumunod naman din sa akin si Tonsi.
Pumunta kami sa cr kung saan tinuro ni Trisha kanina na pinuntahan ni Yuan.
"Kuya, mabait pala 'yong Trisha no?" Tanong ni Tonsi sa akin. Eto na naman siya, magtatanong na naman.
"Oo."
"Matagal mo na rin bang friend 'yon?" He asked again.
"Uhm, medyo. Bakit?" Tanong ko. Liligawan na naman ba niya?
"Wala lang. Maganda kasi siya pero mas maganda nga lang si Roni." Tumawa siya sa sinabi niya. What's funny? Totoo naman na maganda talaga si Roni.
"Maganda nga." Diretsong sagot ko.
"Yeah." Ani Tonsi. "Bagay sa kanya mag dress no?"
"Well, bagay sa kanya ang kahit anong damit." I said seriously. Sobrang ganda ni Roni even no make-up. Natural beauty siya at mabait din siya. Kaya ko nga idol na idol 'yon eh!

YOU ARE READING
MORE THAN FRIENDS [Season 01]
RandomAUTHOR'S POV. Sana po ay magustuhan ninyo ang kwentong ito. I cried while writing this. Sakit sa bangs, sakit pa sa dibdib. Kinailangan ko tuloy na madalas tumigil at magpahinga para huminga. *ang drama ko naman*. Isang pakiusap lang sa magbabasa ni...